31/07/2022
TINGNAN: Ginanap noong Hulyo 31 ang taunang General Assembly and Election ng ating organisasyon. Dinaluhan ito ng mga Senior Officers ng EYAO at mga bago nitong miyembro na magiging parte din ng ating Junior Youth Organization. Kabilang sa mga dumalo ay sina Razel Ann De Leon, Rosechel Madrigalejos Caadan, Bacarisas Kween Jr, Heart Madrigalejos, Micky Severo Madrigalejos, at si Romel Loprez bilang miyembro rin ng ating organisasyon at representante ng ating City Youth and Sports Development Office, San Pedro, Laguna.
Kasabay ng pagpupulong na ito ay ang paghalal rin naman sa mga bagong opisyal na titindig para maging representante ng ating mga mas nakababatang miyembro sa komunidad.
Ang mga sumusunod ay ang mga bagong halal na opisyal ng ating Junior EYAO Youth Officers:
VP for Junior Affairs: John Rendell Arellano Salcedo
Secretary: Steven Lumacang
Asst. Secretary: Lalaine Botin
Treasurer: Kyla Mae T. Roque
Auditors: John Paul T. Ricaplaza
James Andrew T. Murillo
P.R.Os: Raniel H. Loprez
Rayver Botin Cabiles
Nicholai T. Ardales
John Andrew Aban
Sa araw ding iyon ay ang pagtatalaga kay Kgg. Jaime “Kap Jimmy” Madrigalejos bilang ating bagong Organization Adviser. At matapos ang naturang eleksyon at pagpupulong, ay sinundan naman ito ng isang masaya at nakakabusog na boodle fight na sya ring paboritong panapos ng ating organisasyon sa loob ng marami ng taon.
Sa pagtutulungan at pagkakaisa, muli nating pasisikatin ang kinang ng Barangay Estrella!