30/08/2026
Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa lahat ng mga manlalaro na nakiisa at naging bahagi ng tagumpay ng ating kauna-unahang ODL ng PIEL VOLLEYBALL COMMUNITY na may temang “Pandayan ng Talento.”
Ang inyong ipinamalas na dedikasyon, disiplina, at husay sa loob ng court ang tunay na nagbigay-buhay sa temang ito. Napatunayan ninyo na ang PIEL Volleyball Community ay hindi lamang isang lugar ng palakasan, kundi isang tunay na pandayan na humuhubog sa kakayahan, palagayang-loob, at magagandang aral ng bawat atletang Pieleno.
Maraming salamat sa:
• Pusong Palaban: Sa bawat hataw, dambana, at walang pagsukong depensa na ipinakita ninyo sa bawat set.
• Galing at Disiplina: Sa pagpapakita ng magandang halimbawa ng sportsmanship at paggalang sa kapwa manlalaro at mga opisyal.
• Tiwala at Suporta: Sa pagsuporta sa ating bagong simulain na ilapit at palakasin ang larangan ng volleyball sa ating komunidad.
Pinapasalamatan din namin ang napaka bait na Kapitan ng aming kadikit barangay “Sulivan” Kapitan Ben. sa pagpapahiram ng kanilang pasilidad upang maitampok ang aming palaro.
Kaisa na rin ang SK.Chairman Bart Jage Angeles sa walang sawang suporta sa sports at sa butihing Teacher ng sports Mr.Erwin Robles…
Hindi rito natatapos ang ating laban at pagsasanay. Ang tagumpay ng ODL na ito ay simula pa lamang ng marami pang pagkakataon upang patuloy nating paunlarin ang ating mga talento.
Muli, maraming salamat sa inyong pakikiisa! Kita-kits muli tayo sa mga susunod pang palaro!
Mabuhay ang Atletang Pieleno!
28/08/2026
Dati kailangan pa namin dumayo sa ibang lugar para lang makalaro pero ngayon unti-unti ng napapansin ang sports namin.
“Kapag may umalis may bagong darating”
PMVT & PWVT SINCE 2024
23/08/2026
‼️ ANNOUNCEMENT📢📢
PAG-AANYAYA AT PAHAYAG NG PAGLILINAW
Para sa: Lahat ng Kalahok, Manonood, at Mamamayan ng PIEL,BALIWAG CITY,BULACAN
Mula sa: Piel Volleyball Community
Paksa: “PANDAYAN NG TALENTO” FIRST PVC ONE DAY LEAGUE.
Nais naming ipabatid sa publiko na ang gaganaping One-Day Volleyball League sa darating na August 29 2026,sa Sulivan covered court ay isang eksklusibong palaro na inorganisa at pinangangasiwaan ng Piel Volleyball Community.
Nililinaw po namin na ang palarong ito ay walang kinalaman o kaugnayan sa alinmang pampolitikang aktibidad o sa mga kasalukuyang nanunungkulan sa barangay/pamahalaan. Ito ay pawang inisyatibo ng aming pribadong samahan upang maghatid ng masayang palakasan, pagkakaisa, at paglinang ng talento sa larangan ng volleyball.
Ang naturang aktibidad ay isasagawa nang may ganap na kaalaman, pahintulot, at pagkilala mula sa ating Punong Barangay, Igg.Kapitan Gerry Tolentino, para sa ligtas at maayos na paggamit ng pasilidad at pagpapanatili ng kapayapaan sa ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at inaasahan namin ang inyong pakikiisa para sa isang malinis at masayang palaro!
NOTE: No age limit
Jerome Verde
(Sports commissioner)
Akie Cunanan Velasco
(Event Organizer)
PIEL VOLLEYBALL COMMUNITY
14/08/2026
Iba-iba man ng pamamaraan pero iisa ang patutunguhan.
Yung sigaw,galit at pamamahiya ni coach sayo maiintindihan mo pag-ikaw na ang nasa pwesto. Darating ka din sa punto ng buhay,kahit ayaw mo ipapasa mo lahat ng natutunan mo sa mga batang minsan naging kagaya mo.
👉Magturo ng may pagmamahal
👉Magturo ng may disiplina
KAYA LAGI MONG GAGALINGAN💪🏻🏐
14/08/2026
Share mo nga sa comment section kung ano na ang nagbago sayo ngayon😊
“ANG LAKAS MO NA DIBA”
Kung hindi mo sinubukan siguro hanggang ngayon minumulto ka pa rin ng salitang “Kaya ko pero natakot ako”.