30/07/2026
๐ซ๐ฐ๐ฎ๐ฐ๐ป๐จ๐ณ ๐จ๐ช๐ช๐ฌ๐บ๐บ ๐ท๐น๐ถ๐ฎ๐น๐จ๐ด ๐ป
Mas pinalalawak ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palangoy ang oportunidad ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng Digital Access Program!
Available ang mga sumusunod na libreng serbisyo:
โ
Libreng Hiram ng Laptop
โ
Libreng Paggamit ng Laptop
โ
Libreng Printing Services
Layunin ng programang ito na suportahan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral, pananaliksik, online applications, at iba pang mahahalagang gawain.
Tara na at samantalahin ang mga serbisyong inihanda para sa ating kabataan!
28/07/2026
๐ฑ๐ถ ECO-NNECT: Plastic Bottle to WiFi โป๏ธ
Isang makabagong proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palangoy na naglalayong pagsamahin ang pangangalaga sa kalikasan at makabagong teknolohiya.
Sa pamamagitan ng ECO-NNECT: Plastic Bottle to WiFi, hinihikayat namin ang bawat kabataan at residente na magdala ng mga plastik na bote bilang ambag sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating barangay. Bilang kapalit, maaari kayong makakuha ng libreng WiFi access, bilang gantimpala sa inyong pakikilahok.
Ang proyektong ito ay patunay na ang simpleng pagkilos ay maaaring magdulot ng malaking pagbabagoโpara sa ating kapaligiran at sa ating komunidad.
๐ Mag-ipon ng plastik na bote.
๐ถ Makakuha ng libreng internet.
โป๏ธ Maging bahagi ng pagbabago!
Sama-sama nating gawing mas malinis, mas konektado, at mas maunlad ang Barangay Palangoy!
28/07/2026
๐ซ๐ฐ๐ฎ๐ฐ๐ป๐จ๐ณ ๐ณ๐ฐ๐ป๐ฌ๐น๐จ๐ช๐ ๐ท๐น๐ถ๐ฎ๐น๐จ๐ด๐ป๐งโ๐ป๐ฉโ๐ป
Isang matagumpay na Digital Literacy Program ang ating naisagawa noong July 25, 2026 sa Palangoy Covered Court!
Ang proyektong ito ay isinulong ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palangoy, katuwang ang SUMO Service Corporation, upang maghatid ng kaalaman at kasanayan sa makabagong teknolohiya para sa ating mga kabataan at residente.
Taos-puso po ang ating pasasalamat sa SUMO Service Corporation sa kanilang suporta upang mas mapalawak ang kaalaman ng ating komunidad sa digital world.
28/07/2026
๐บ๐ช๐ฏ๐ถ๐ถ๐ณ ๐บ๐ผ๐ท๐ท๐ณ๐ฐ๐ฌ๐บ ๐ซ๐ถ๐ต๐จ๐ป๐ฐ๐ถ๐ต๐
Isang matagumpay na pamamahagi ng 300 sets ng school supplies ang ating naisagawa ngayong June 3, 2026! Ito ay sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palangoy katuwang ang IQAC Engineering Scholars.
Walang mas hihigit pa sa makitang masaya at handa ang ating mga munting kaibigan sa kanilang pag-aaral. Taos-pusong pasasalamat sa IQAC Engineering Scholars sa inyong suporta at dedikasyon sa pagtulong!
27/07/2026
๐บ๐จ๐ด๐จ๐ต ๐ช๐ถ๐ผ๐น๐ป๐
Mula sa inyong Sangguniang Kabataan ng Barangay Palangoy, masaya po naming ibinabalita ang matagumpay na pagsasaayos at opisyal na pag-donate ng ating Fiberglass Basketball Board at ring sa Saman Street noong March 24, 2026.
Ang proyektong ito ay naglalayong suportahan ang mga aktibidad sa palakasan ng ating mga kabataan at magbigay ng mas magandang pasilidad para sa ating komunidad.
Nawa'y maging daan ito para sa mas matatag na samahan at malusog na pangangatawan ng bawat isa.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala at suporta!
Ating Alagaan, Ating Ingatan! โค๏ธ๐
27/07/2026
๐ซ๐น๐ผ๐ฎ ๐จ๐พ๐จ๐น๐ฌ๐ต๐ฌ๐บ๐บ & ๐จ๐ต๐ป๐ฐ-๐ฉ๐ผ๐ณ๐ณ๐๐ฐ๐ต๐ฎ ๐บ๐ฌ๐ด๐ฐ๐ต๐จ๐น
Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palangoy ang Drug Awareness and Anti-Bullying Seminar noong June 28, 2026 sa ating Barangay
Maraming salamat sa Binangonan Police sa pangunguna ni PLTCOL. Evangeline P. Santos sa pagiging katuwang sa paggabay sa ating mga kabataan, at sa lahat ng nakiisa sa aming programa maraming salamat! โค๏ธ
27/07/2026
๐ฒ๐จ๐ณ๐๐ฌ ๐ฌ๐บ๐ฒ๐พ๐ฌ๐ณ๐จ ๐
Naging matagumpay ang Kalye Eskwela na ginanap noong May 11 sa Madrigal Village, Barangay Palangoy. Sa pakikipagtulungan ng ating mga Engineering Scholars at mga Youth Volunteers, naiparamdam natin ang kahalagahan ng edukasyon at pagtutulungan sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, partikular sa mga magulang at batang masayang nakiisa sa ating mga aralin.
27/07/2026
๐ฉ๐ฐ๐ณ๐ณ๐ฐ๐จ๐น๐ซ๐บ ๐ป๐ถ๐ผ๐น๐ต๐จ๐ด๐ฌ๐ต๐ป๐ฑ
Naging matagumpay ang Billiards Tournament na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Palangoy sa tulong ng Paul Billiards . Sa pamamagitan ng larangang ito, ating naisulong ang sportsmanship, disiplina, at camaraderie sa ating komunidad.
Muli, congratulations sa ating mga champions at sa lahat ng naging bahagi ng kaganapang ito! Patuloy nating susuportahan ang talento ng Kabataang Palangoy. โค๏ธ๐