27/07/2026
𝐒𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰, 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐝𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧. 💛
Nagkaroon tayo ng pagkakataong makasama ang ating mga minamahal na mga lolo at lola ng Emmaus at Tahanang Mapagpala. Sa simpleng kamustahan, pakikinig sa kanilang mga kwento, panalangin, at pagbabahagi ng munting tulong, sama-sama nating naipadama ang pagmamahal at malasakit.
Bahagi ng nalikom mula sa Golden Steps Fun Run ng Malolos Ministerial Council ang nakatulong upang maisakatuparan ang outreach na ito. Maraming salamat sa lahat ng tumakbo, tumulong, at sumuporta. Sa pamamagitan ng ating pakikiisa, naipaalala natin sa ating mga lolo at lola na sila ay mahalaga, minamahal, at hindi nakakalimutan.
Taos-puso rin tayong nagpapasalamat sa Tahanang Mapagpala at Emmaus sa kanilang mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makasama ang kanilang komunidad.
Sa Diyos ang lahat ng papuri at pasasalamat. 🙏
📸 DDC shutter