03/10/2026
Nakakatuwa at nakaka-proud makita na yung mga batang minsan ay gusto lang talagang maglaro, ngayon unti-unti nang nabibigyan ng bigger opportunities.
Yung makita silang ma-invite sa malalaking liga without having to pay anything, simply because may mga coaches na nakakita sa galing, sipag at potential nila, ibang klaseng saya para sa amin.
Ito talaga ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit namin binuo ang Team Hoopers. Hindi lang para may team silang malaruan, kundi para magkaroon sila ng chance na makita, mapansin, at mabuksan ang mas maraming opportunities para sa future nila.
Lalo na kapag may nasi-scout para sa school varsity, sobrang fulfilling. Kasi alam naming kahit sa maliit na paraan, naging part ang Hoopers ng journey nila papunta sa mas malaking pangarap.
Hindi namin kailangang sa Hoopers sila forever. Ang mas mahalaga sa amin, may marating sila because once upon a time, naging parte sila ng Hoopers.
Every opportunity they get feels like a win for all of us. 💯