01/06/2026
π¨Maraming Salamat, Kabataang Purok 2! π
Pinangunahan ng mga masisipag na kabataan ng Purok 2 ang pagpipintura at pag-aayos ng mga linya ng ating basketball court. Ang inyong kusang-loob na pagtulong at pagmamalasakit sa ating komunidad ay isang magandang halimbawa ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing pangbarangay. π
Sa ngalan ng Sangguniang Barangay, taus-puso kaming nagpapasalamat sa inyong oras, pagod, at dedikasyon upang mapanatiling maayos at kaaya-aya ang ating mga pasilidad na magagamit ng buong komunidad.π
Nawaβy patuloy kayong maging inspirasyon sa iba pang kabataan upang makiisa sa mga programang naglalayong mapaunlad ang ating barangay.π―
Kabataang may malasakit, barangay na maunlad!
31/05/2026
Mayo 31, 2026, Matagumpay na ginanap ang taunang Grand Santacruzan sa Kapilya ni San Vicente Ferrer.
Ang inyong lingkod ay buong pusong nakilahok bilang kasapi ng LCM at bilang pagsuporta sa buong pamilya ni Konsehala Nicca Hernandez, na siyang naging Reyna Elena ng pagdiriwang ngayong taon.πΈ
Taos-puso kong binabati ang pamunuan ng ating simbahan, lalo na ang ating masisipag na mga youth volunteers at lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Santacruzan. Ang inyong dedikasyon at paglilingkod ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad.
Nawaβy manatiling buhay ang makabuluhang tradisyong ito bilang pagpapakita ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa ating kultura upang maipamana ito sa mga susunod pang henerasyon.π―
Viva Reyna Elena! Viva Santacruzan!
27/05/2026
Holiday be like π
πβοΈ
Ngayong araw, kasama ang Kalihim ng ating Barangay, atin pong isinagawa ang pagbe-verify ng mga dokumento ng mga incoming 4th year at 5th year college students na kabilang sa limang (5) mapipiling benepisyaryo ng Presidential Scholar Program.
Atin pong subaybayan bukas ang ating ONLINE RAFFLE ganap na alas-9 ng umaga upang malaman ang limang mapapalad na makakatanggap ng β±20,000 educational assistance mula sa Presidential Scholar Program. π
Good luck sa ating mga estudyante!
17/05/2026
WHAT A SUCCESSFUL 2-DAY LEAGUE! π₯π
Thank you so much Palm Hills Subd., team CRUZADERS (Mosquito-Senior) for inviting me to witness the championship game! It was truly an honor to be part of such an exciting and successful event that showcased teamwork, sportsmanship, and unity within the community.
Congratulations to Coach Abu and the entire team for the success of the league. Your hard work, dedication, and passion for the game made this event memorable and inspiring for everyone. ππ
Congratulations as well to all the players, organizers, supporters, and spectators who contributed to the success of this amazing 2-day league. Looking forward to more events that bring people together through sports! π
13/05/2026
Congratulations! π
TO THE NEWLY PROFESSIONAL TEACHERS!π¨βπ«π©βπ«
Your hard work, dedication, and passion for teaching have led you to this well deserved achievement. You are now more empowered to inspire minds, touch lives, and shape a brighter future for our learners and our nation. Continue to teach with heart, lead with purpose, and make a lasting impact.π
05/05/2026
Ngayong araw ng Martes, May 05, personal po nating binisita ang mga LPG retailer at vulcanizing shop kasama ang ating mga SPES upang suriin kung sila ay nakasusunod sa tamang alituntunin at regulasyon ng kanilang mga negosyo. Kasabay nito, siniguro rin po natin kung sila ay may kumpletong kinakailangang permit mula sa ating lungsod. Layunin po nito na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga kababayan, at maiwasan ang anumang aksidente o panganib sa komunidad.π§―π·ββοΈβ£οΈ
02/05/2026
Magingat po ang lahat ng motorista, lalo na ang mga nakainom. Kaninang madaling araw ay may naganap na aksidente sa Purok 3. Agad pong nirespondehan at nirescue ang biktima kasama ang ating maaasahang BQRT. π·π₯
Kaligtasan natin, responsibilidad natin! βοΈ
29/04/2026
Ngayong panahon ng tag-init, kung kailan tumataas ang panganib ng pagkalat ng rabies, alinsunod sa Republic Act No. 9482 (Anti-Rabies Act of 2007), ang inyong lingkod kasama ang BQRT ay sumuporta sa ating City Veterinary Office sa isinagawang paghuli ng mga asong gala sa Camella Subdivision at Pacific Subdivision upang maiwasan ang pagkalat ng rabies at mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mamamayan.
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Kap Toto Unico sa ipinagkaloob na pananghalian para sa ating masisipag na katuwang mula sa City Veterinary Office, bilang pagkilala sa kanilang agarang aksyon at dedikasyon sa serbisyo. Maraming salamat din sa ating masisipag na BQRT.
29/04/2026
Ang inyong lingkod ay aktibong dumalo sa una at ikalawang sesyon na ginanap nitong buwan ng Abril. Bukod dito, nakibahagi rin po sa isinagawang road clearing operations upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga mamamayan at motorista sa ating mga pangunahing lansangan.
23/04/2026
Thursday Duty kasama ang ating VAWC Desk at BPSO, sama-samang nagpapatupad ng serbisyo para sa proteksyon at kapakanan ng mamamayan.π―