Miss Chinita Page

Miss Chinita Page

Share

Correcting and Editing Re-post ☺️

03/06/2026

BREAKING: PILIPINAS, NABIGONG MAKUHA ANG PUWESTO SA UN SECURITY COUNCIL ‼️

Nabigo ang Pilipinas na makuha ang inaasam na puwesto bilang non-permanent member ng United Nations Security Council (UNSC) matapos ang isinagawang halalan sa United Nations General Assembly noong Miyerkules.

Ayon sa ulat, ang Kyrgyzstan mula sa Central Asia ang nagwagi sa nag-iisang puwesto para sa Asia-Pacific region matapos makakuha ng 105 boto, habang 85 boto lamang ang nakuha ng Pilipinas.

Ang mga kandidatong bansa ay kailangang makakuha ng two-thirds majority ng 193 miyembrong bansa ng UN General Assembly upang mahalal sa Security Council.

Ang Security Council ay itinuturing na pinakamakapangyarihang sangay ng United Nations dahil ito ang may kapangyarihang magpatupad ng mga legal na umiiral na resolusyon, magpataw ng economic sanctions, at magbigay-awtorisasyon sa paggamit ng puwersang militar upang tugunan ang mga banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.

Sa kasalukuyan, binubuo ang UNSC ng 15 miyembro. Kabilang dito ang limang permanenteng miyembro na may veto power:

• China
• France
• Russia
• United Kingdom
• United States

Samantala, ang natitirang sampung puwesto ay inihahalal ng General Assembly para sa dalawang taong termino.

Ang pagkabigo ng Pilipinas na makapasok sa Security Council ay nangangahulugang mawawala ang pagkakataon ng bansa na magkaroon ng direktang papel sa paghubog ng ilan sa pinakamahahalagang desisyon ng United Nations hinggil sa pandaigdigang seguridad, kapayapaan, at mga internasyonal na krisis sa susunod na termino.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa pamahalaan hinggil sa naging resulta ng botohan.

03/06/2026

Tuluyan nang naisalin sa pribadong kamay ang pamamahala ng Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) Hydroelectric Power Plants matapos itong mabili ng Thunder Consortium sa halagang 36.3 bilyong piso. Ang matagumpay na grupo ay kinabibilangan ng Aboitiz Renewables Inc., Sumitomo Corporation, at J-POWER, na nagwagi laban sa FGKW Consortium sa ginanap na bidding.

Ang naturang power complex na matatagpuan sa Laguna ay may kabuuang kapasidad na 797 megawatts. Binubuo ito ng tatlong pasilidad: ang Caliraya plant sa Lumban, Botocan plant sa Majayjay, at ang Kalayaan pumped-storage plant. Pinangunahan mismo ni Ferdinand Marcos ang turnover ng pasilidad noong Pebrero 2026.

Ayon sa pamahalaan, ang malaking halagang nakuha mula sa bentahang ito ay nakalaan para bayaran ang mga natitirang utang ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

Bukod sa pagbabayad ng utang, ang natitirang pondo ay gagamitin din para suportahan ang mga prayoridad na proyekto ng gobyerno. Kabilang dito ang pagpapatayo ng mga karagdagang kalsada, paaralan, at ospital para sa kapakinabangan ng mas maraming Pilipino.

03/06/2026

‘GUSTO LANG NAMIN ANG INYONG TOTAL SUPPORT ‼️

Humingi ng suporta si Sen. Rodante Marcoleta sa nakatakdang pagdinig ng Blue Ribbon Committee tungkol sa maanomalyang flood control projects bukas, June 4.

“Baka ito na po ang pinakahuling pagkakataon na ang katotohanan, ang katwiran ay mananaig," saad niya sa Facebook live ni Senate President Alan Peter Cayetano ngayong Miyerkules, June 3.

03/06/2026

Hinimok ng broadcast journalist na si Karen Davila ang mga mambabatas na ituon ang kanilang pansin at malasakit sa mga Pilipinong apektado ng kahirapan, katiwalian, kalamidad, at mga problemang dulot ng mga nabigong proyekto ng pamahalaan ‼️

Nag-react si Karen sa mga emosyonal na eksena sa Senado nang arestuhin doon si Senator Jinggoy Estrada nitong Hunyo 1, sa kasong plunder, kaugnay ng flood control projects scandal.

Binigyang-diin ni Karen na may kung dapat man na iyakan, iyon ay ang sitwasyon ng mga Pilipinong binabaha, nagugutom, at naghihikahos sa buhay.

Nanawagan siya sa mga opisyal ng gobyerno na mas maging mulat sa tunay na kalagayan ng mga ordinaryong Pilipino at huwag mawalan ng koneksyon sa mga problemang kinahaharap ng publiko araw-araw.

03/06/2026

Hoy! Ang mga Duterte ang dahilan kaya ka binoto ng mga tao‼️
Gising boy 😀

02/06/2026

"Huwag na masyadong magnakaw" — Ito raw ang huling mensahe ni Congressman Kiko Barzaga para sa kaniyang mga kasamahan sa mababang kapulungan bago siya tuluyang ma-expel sa House of Representatives.

​Ayon kay Barzaga, nakarating na sa kaniya ang impormasyon na may rekomendasyon nang magpataw ng parusang expulsion laban sa kaniya.

Matapos mabalitaan na iyon na ang kaniyang huling araw bilang kongresista, nag-iwan siya ng isang mensahe ng pamamaalam: "Bye bye, mga buwaya."

02/06/2026

Naghayag ng kritikal na pananaw ang political commentator na si Noel Landero Sarifa hinggil sa mga pangyayaring tila prayoridad ng pamahalaan sa paghabol, pag-aresto, o pagsasampa ng kaso laban sa mga taong itinuturing na kalaban sa politika.

"Nakakalungkot na busy ang gobyerno kakaaresto ng mga kumakalaban sa kanila. Wala na sa priority ang problema ng bansa."

02/06/2026

‘SANA ‘YUNG MGA NAKAUPO, GALINGAN NYO ‼️

Nagbahagi ng kaniyang sentimyento ang content creator na si Ivana Alawi tungkol sa saya at lungkot na nararamdaman niya tuwing tumutulong sa mga nangangailangan.

Aniya, bagamat masaya siyang nakatutulong sa mga higit na nangangailangan, nakalulungkot na sa mga ordinaryong mamamayan pa madalas humihingi ng saklolo ang mga tao sa halip na sa mga mas aktibong kumikilos na opisyal ng gobyerno.

“Sana yung mga nakaupo, galingan niyo [ang pagseserbisyo]. Because it’s not too late. Kasi, we have such a beautiful country,” dagdag ni Ivana.

02/06/2026

'HINDI KAMI BINAYARAN PARA MAG-ABSENT ‼️

Nagbigay ng reaksyon si minority bloc member Sen. Erwin Tulfo sa hindi pagdalo ng majority bloc sa sesyon kahapon, June 1, 2026, kasunod ng pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada.

01/06/2026

PINATAYAN NG AIRCON AT INTERNET ‼️

Isiniwalat ni Sen. Raffy Tulfo na pinatayan umano silang mga minority senator ng aircon at internet sa loob ng plenaryo ng Senado ngayong Lunes, June 1.

Hinintay ng minority senators ang mga miyembro ng mayorya para sa dapat sana'y sesyon ngayong araw.

“Ganoon ba kababaw ‘yung mga nangyari sa Senate? Eh sa ngayon, dapang-dapa na ang Senado sa imahe,” sabi ni Sen. Raffy sa panayam sa kaniya sa .

“Lahat kami, 11, nandoon kami sa floor… Naghintay kami, after more than an hour, all of a sudden biglang uminit… Lahat kami nainitan na, ‘yun pala pinatayan kami. And then gusto naming gamitin ‘yung internet, pinatayan na rin,” aniya.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Cebu City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

TUNGKOP Minglanilla
Cebu City
6046