08/07/2026
FAQs or FREQUENTLY ASKED QUESTIONS during Dancesport Club campaign
👉🏾ANO ANG DANCESPORT?
Answer: Ang dancesport ay pinagsamang sayaw at isport. Hinuhubog nito ang kakayahan at kalakasan ng isang tao; pisikal,mental, emosyonal,at sosyal.
👉🏾MAY BIAS BA PAGDATING SA GENDER ANG DANCESPORT?
Answer: Wala po! Ang dancesport ay inklusibo, lahat po ng kasarian ay malugod po naming tinatanggap. Tuldukan ang "stereotyping".☺️
👉🏾ANO ANG PAGKAKAIBA NG DANCESPORT SA IBANG SAYAW?
Answer: Ang dancesport ay may sinusunod na disiplina; ang mga tuntunin ay naka-angkla sa internasyunal na pamantayan at mahigpit na ipinatutupad. Bawat tindig, posisyon ng paa, kumpas, at galaw ay nakabatay sa istandard.
👉🏾 ANG DANCESPORT CLUB BA AY MAY REGISTRATION FEE?
Answer: Wala pong registration fee ang mga Sports Club sa paaralan.
👉🏾MAGIGING MAGALING BA AGAD AKO KAPAG SUMALI AKO NGAYON?
Answer: Ang pagkatuto sa dancesport ay may proseso,hindi ito madalian. Kailangan ang pinagsamang pasensya, disiplina, at pagpapahalaga upang makamit ang galing na ninanais. Kung gusto mong maging magaling sa "future", simulan mo ngayon.☺️
👉🏾ANO ANG LAYUNIN NG JUBAN NHS GALAW DANCESPORT CLUB?
Answer: Layunin nitong maibahagi ang kaalaman, matuklasan ang kakayahan, at malinang ang talento ng mga mag-aaral sa JNHS . Layunin din ng organisasyon na malinang ang kumpiyansa, disiplina, at ang pagiging responsableng mag-aaral.
Karagdagang kaalaman:
Ang Dancesport Club ay alinsunod sa Republic Act No. 5708 ( Schools Physical Education and Sports Development Act of 1969), Republic Act No. 10588 (Palarong Pambansa Act of 2013), DepEd Order No.43,s.2022( Omnibus Guidelines on the Implementation of School Sports in Basic Education), at Deped Order No.22, S.2025 na nagsasabing ipalaganap ang paghubog sa sports sa pamamagitan ng School Sports Program.
JOIN NOW!💫
Members on duty:
Arianna Joy Encinares
Samantha Claire Oasnon
Ethan Josh Olbes
Jan Michael Esmeña
Josah Guab
Chelsea Janelle Judin
Zairuz Aceron Jayco
CJ Diamante
Khyzel Guevarra
Thank you!💫
Juban National High School (JNHS)
JUBAN Galaw Dancesport Team
Juban National High School GALAW Dancesport Club