08/04/2026
Ang tawag sa Isdang to ay Bluespine Unicorn Fish pero kadalasan tawag dito sa atin ay SURAHAN. BAGIS or SUNGHAN naman sa bandang kabisayaan.
Pwede tong humaba hanggang 70 cm(28 inches). Tumitimbang rin ito hanggang 5.8Kg (13lbs)
Naninirahan ito sa mga tropical reef waters yong may mga maraming Coral reefs. Ang Isdang to ay maganda hulihin sa Gabi. Dahil di ito masyadong gumagalaw.
Pinakadabest na luto dito ay INIHAW lang talaga.
08/04/2026
Ang Isdang to ay kilala sa pangalang MAYA-MAYA dito sa Pilipinas. RED SNAPPER naman sa salitang English. Maraming klasi ang SNAPPER pero itong MAYA-MAYA pinakamasarap sa lahat ng Snapper.
Kaya itong humaba ng 50cm pataas at umaabot sa timbang na 2 Kilo pataas. Ang masarap na luto para dito ay SINIGANG NA MAYA-MAYA, PRITONG MAYA-MAYA, ESCABECHE at PAANGAT SA KAMATIS.
Ang Maya-Maya ay mataas sa protina pero mababa sa masamang taba.
PROTINA:
Mahalaga para sa pagbuo at pagkukumpuni ng mga kalamnan (muscles) at tisyu sa katawan.
OMEGA-3 FATTY ACIDS:
Nakakatulong ito sa kalusugan ng puso at utak, at nagpapababa ng panganib sa heart disease.
SELENIUM:
Isang mahalagang antioxidant na tumutulong sa paggana ng thyroid at pagpapalakas ng immune system.
VITAMINA B12 at POTASSIUM:
Mainam para sa maayos na daloy ng dugo at pagpapanatili ng tamang blood pressure.
07/04/2026
Ang tawag sa isdang to ay isang Whitespotted Grouper (english term). Which has the scientific name Epinephelus Coeruleopunctatus.
Kilala sa tawag na LAPU-LAPU or PUGAPO. Sa ibang bahagi ng Luzon at kabisayaan(KIGTING) naman ang tawag nila dito.
Masarap itong lutuin sa pamamagitan ng SWEET & SOUR LAPU -LAPU, STEAMED LAPU-LAPU, SINABAWAN or TINOLA at INIHAW LAPU-LAPU.
Marami itong benepisyo sa katawan ng tao, ang pagkain ng Isdang LAPU-LAPU ay nagbibigay ng tamang sustansya sa katawan. Katulad ng LEAN PROTEIN, OMEGA 3 FATTY ACIDS, VITAMINS (B12 & D), MINERALS (Selenium & Potassium), at LOW FAT.
Mga ka Diskubre, ano naman ang luto na Alam mo para Isdang LAPU - LAPU?