14/09/2026
Team MIRC's FIRST and LAST statement regarding the circulating issue online.
Para matapos na po ito and ma-clarify po ang mga haka-haka. Una sa lahat, bago pa man mag-start ang run ng Quarters, nakapag-usap and nagkaintindihan naman na po privately ang marshall, organizer and racer/s involved.
Wala pong sinabi at dineclare ang marshall and organizer na "open motor" po ang ginamit ni racer. Apat po ang nag-verify sa motor ni racer. Mayroon po tayong inspector and ipina-verify po siya sa ibang marshall and even sa organizer. Nilapitan po si player ng marshall and nagkausap naman po ng maayos ang mga involved parties sa loob ng shop kung saan wala ang ibang mga players na iddq po iyon dahil may sugat po ang clip ng motor then pag check ay gumagalaw rin po ang bell. Wala rin pong napag-usapan ang lahat ng involved about factory defect. Nag-base lang po ang mga marshall and organizer sa rules posted ni Tamiya. As per nag walk out po ang marshall, ongoing pa po kasi ang inspection ng mga impounded cars kaya kinakailangan din po bumalik ng marshall sa activity area. Pero right after niya rin maasikaso ang mga impounded cars sa activity area ay agad rin naman po siyang bumalik sa loob ng shop kung saan nag uusap usap ang mga organizer, marshall at player/s involved.
As per nag check naman simula round 1 palang, yes every run may checking po sa oto ng mga winner/s. That is why kahit ma-impound na po ang mga oto is may checking parin po tayo. And again, nag base po kami sa rules ni Tamiya na "If there are indications that the motor cap has been detached, it will be judged as being illegally modified." which is may galaw nga po ang bell kaya na-disqualify po ang oto ni racer. If may factory defect man po ang nabili ng mga racer/s, again nag-base lang po kami sa rules ni Tamiya which is "If there are indications that the motor cap has been detached, it will be judged as being illegally modified.". Ang mga marshall po natin ay sinusunod lamang ang mga rules na ilalatag ng organizer. Kaming mga organizer naman po ay nag-base lang sa rules ni Tamiya.
Ang hangad lamang po ng aming Team ay mai-celebrate ng maayos ang Birthday Race ng isa naming miyembro. Gusto lamang po ng aming team na magpa-saya at mag-enjoy ang lahat. Maraming salamat po!