06/11/2026
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang taas-presyo sa 190 pangunahing bilihin na saklaw ng kanilang monitoring hanggang Disyembre 31, 2026.
Ayon kay Trade Secretary Cristina A. Roque, sapat ang suplay ng mga produktong ito sa buong bansa kaya walang dahilan para mag-panic buying o mag-imbak ng mga bilihin.
Saklaw ng price freeze ang mga produktong nakalista sa opisyal na Suggested Retail Price (SRP) bulletin ng DTI.
Maaaring magreklamo o magtanong sa DTI Hotline 1-384 o mag-email sa [email protected].