10/07/2026
Para sa Track and Field assessment ng Team Lipa Stallions
LIPA STALLIONS ATHLETICS TRYOUTS ARE NOW OPEN! 🇵🇭🔥
Mga batang atletang Lipeño, ito na ang simula.
Bukas na ang registration para sa mga nais sumali sa Track and Field assessment ng Team Lipa Stallions bilang paghahanda para sa Batang Pinoy.
Gaganapin ito sa July 12, 2026, sa LASCA Oval, Barangay Dagatan, Lipa City.
Registration and orientation: 6:00 AM to 7:00 AM
Assessment / Tryout proper: 7:00 AM to 4:00 PM
Kung dala mo ang bilis, tibay, dedikasyon, disiplina, at pusong kayang sumabay sa mas malaking entablado, oras na para magparehistro.
Ang mga rehistradong atleta ay isasailalim sa athlete identification, screening, at assessment, alinsunod sa sports/event, age category, requirements, physical readiness, at final approval ng kinauukulang opisyal.
Para magparehistro, sagutan ang registration form sa link na ito:
https://tinyurl.com/BatangPinoyLipaStallions2026
Maaari ring mag-register sa araw ng tryouts/assessment.
Paalala: Magsuot ng angkop na sports attire at magdala ng sariling tubig, towel, extra shirt, at iba pang personal na gamit.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Mr. Ricky Babao, Jr. sa 09954181301 o kay Athletics Sports Coordinator Janette Agura sa 09606934448.
Team Lipa Stallions, maghanda na.
Batang Lipeño, baka ikaw na ang susunod.
Tumakbo. Lumaban. Patunayan ang galing ng Lipa! 🏆
Manatiling nakatutok, dahil paparating pa ang schedule ng assessment/tryouts para sa iba pang sports.