Comes Tuus Synodalis

Comes Tuus Synodalis

Share

“Comes Tuus Synodalis” is a space for prayer, reflection, listening, and accompaniment

28/12/2025

⚠️Babala: mahabang basahin, huwag uumayin.📖📝✍️

“WELCOME PA BA AKO SA BUHAY MO?”

Isang Pagmumuni sa Panunuluyan sa Liwanag ng Hebreo 1:1

“S a maraming pagkakataon at sa iba’t ibang paraan, nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga propeta; ngunit sa mga huling araw na ito, nagsalita Siya sa atin sa pamamagitan ng Anak.”
(Hebreo 1:1)

Ang Diyos, kung gayon, ay hindi kailanman nanahimik.
Ngunit madalas, tayo ang hindi na nakikinig.

Hindi dahil mahina ang tinig ng Diyos,
kundi dahil maingay ang ating puso—
punô ng reklamo, galit, pagod, inggit, at sariling agenda.



Nagbabago ang panahon.
Nag-iiba ang takbo ng mundo.
Nag-iiba ang kultura, teknolohiya, at mga hamon ng lipunan.

At kasama nito, nag-iiba rin ang mga pintuang kinakatok ng Diyos.
Hindi dahil nagbago Siya,
kundi dahil iba na ang kalagayan ng ating puso.



Tradisyonal nating nakikita ang panunuluyan bilang kuwento nina Maria at Jose—
isang mag-asawang pagod, may dinadalang buhay,
palipat-lipat, paulit-ulit na tinatanggihan.

Ngunit sa mas malalim na pagninilay,
hindi lamang ito alaala ng isang gabi sa Bethlehem.

👉 Ito ay salamin ng araw-araw nating buhay.



Maraming pagkakataon na tayo rin ang nagsasabing “wala kaming lugar.”

🔒 Mga pagkakataong sinasarhan natin ng pinto ang Diyos:

Kapag hindi natin inaalagaan ang mundong ipinagkatiwala sa atin.
Abuso sa kalikasan. Walang pakialam sa basura. Walang konsensya sa pagputol ng puno.
Hindi natin sinasabing “ayaw namin sa Diyos,”
pero sinasabi natin: “Hindi kami handang magbago para sa Iyo.”

Kapag nasasaktan ang kapwa sa ating mga salita at kilos.
Kapag mas mabilis tayong manghusga kaysa umunawa,
manlait kaysa magpatawad,
magsalita kaysa makinig—
isinara na natin ang pinto kay Kristo,
sapagkat Siya mismo ang nagsabi:
“Anumang gawin ninyo sa pinakamaliit sa aking mga kapatid, sa Akin ninyo ginawa.”

Kapag inuuna ang pagiging tama kaysa pagiging makatao.
Kapag mas mahalaga ang panalo sa argumento
kaysa pananatili ng relasyon,
kapag mas pinipiling ipahiya kaysa ituwid nang may malasakit—
tahimik na lumalayo si Kristo sa ating tahanan.

Kapag napapabayaan ang pamilya sa ngalan ng kung anu-ano.
May oras sa trabaho, barkada, cellphone, social media—
pero wala nang oras sa asawa, sa anak, sa hapag-kainan.
Nakakalimutan nating ang unang Simbahan
ay hindi gusali—
kundi ang pamilya.

Kapag palaging “busy” pero hindi na “present.”
Punô ang schedule,
pero walang espasyo sa panalangin.
May oras sa lahat—
maliban sa Diyos.
Laging “mamaya na lang, Lord,”
hanggang sa ang “mamaya” ay maging hindi na kailanman.

Kapag nasanay na tayo sa kasalanan.
Hindi na nagugulat sa katiwalian,
hindi na nasasaktan sa kasinungalingan,
hindi na nababagabag sa kawalan ng malasakit.
Kapag normal na ang mali,
isinara na ang pinto ng konsensya.



At idagdag pa natin ito—
sinusarhan din natin ng pinto ang Diyos
kapag puro komento at reklamo,
pero wala namang ambag.

Madaling magsabi ng:
“Dapat ganito.”
“Mali ’yan.”
“Kung ako ’yan, mas maayos.”

Pero kapag panahon na ng pakikilahok,
pagtulong,
pag-aalay ng oras at talento,
biglang tahimik—
may dahilan, may alibi, may iniiwasan.

👉 Gusto natin ng perpektong Simbahan,
pero ayaw nating maging bahagi ng solusyon.

👉 Gusto natin ng maayos na lipunan,
pero ayaw nating madungisan ang sariling kamay sa paglilingkod.

👉 Gusto natin ng pagbabago,
pero ayaw nating magbago.

Si Kristo ay hindi natatagpuan sa comment section,
kundi sa konkretong malasakit at sakripisyo.



Sa ganitong mga sandali,
hindi lamang sina Maria at Jose ang walang matuluyan.
👉 Si Kristo mismo ang napagkakaitan ng puwang.



Kaya ang tanong ng panunuluyan ay hindi lang:
“May tatanggap ba sa kanila?”
kundi:

“Welcome pa ba ang Diyos sa aking puso?
Sa aking mga desisyon?
Sa aking paraan ng pamumuhay?”



At dito natututo ang Simbahan—
hindi upang baguhin ang pananampalataya,
kundi upang palalimin ang pagtingin,
upang makita si Kristo
na patuloy na kumakatok
sa gitna ng ingay, pagod, krisis, at kalituhan ng kasalukuyan.



Sapagkat kung si Kristo ay patuloy na nagsasalita,
ang mas mahalagang tanong ay ito:

Tahimik ba ang ating puso upang Siya’y marinig?
At handa ba tayong magbukas ng pinto—
kahit hindi maginhawa,
kahit may babaguhin,
kahit may kailangang bitawan?

Dahil minsan,
hindi si Kristo ang walang matuluyan—
tayo ang ayaw magpaluwag ng puso.

Kung nagbago man ang anyo ng panunuluyan na iyong napanood sa simbahan—
mula sa tradisyunal na pagsasadula
tungo sa mas tunay na paglalapat sa buhay—
hindi ito nangangahulugang nagbago ang pananampalataya.

Hindi nito binabago ang katotohanang
nagkatawang-tao ang Salita.
Hindi nito ibinababa ang pangako ng Diyos.

Bagkus, mas lalo mo lamang itong nakita nang malinaw.

Hindi na lang Siya isang tauhan sa eksena,
hindi na lang bahagi ng kuwento ng nakaraan—
kundi Diyos na nakikisilong sa ating tahanan,
Diyos na pumapasok sa ating mga kwento,
Diyos na nakikibahagi sa ating kahinaan,
takot, pagod, at pag-asa.

Kung minsan, kailangan talagang magbago ang anyo ng pagsasadula
upang manatiling buhay ang mensahe.
Hindi upang gawing moderno ang Diyos,
kundi upang ipaalalang
ang Diyos ay kailanman hindi lumayo sa tao.

At kapag nakita mo Siyang kumakatok
hindi na sa pintuan ng isang bahay sa Bethlehem,
kundi sa pintuan ng iyong konsensya, pamilya, at pang-araw-araw na buhay—
doon mo mauunawaan na ang panunuluyan
ay hindi lamang ginaganap tuwing Pasko,
kundi araw-araw.

Dahil ang tunay na tanong ay hindi:
“Tradisyunal ba o makabago?”
kundi:

“Papapasukin ko ba Siya—ngayon?”

16/10/2025

🖤 “Invisible but Impactful” — Why Real Media Ministers Fade to Let Jesus Shine 🎙️

Ever notice why SoCom or media ministers always wear black?
Hindi lang para uniform — but because black means invisible.
🎥 In camera work, it helps the subject stand out.
In ministry, it helps Jesus stand out.

We fade, so He can shine.
That’s what makes a real media minister — serving from the shadows, letting Christ take the spotlight. 🌟

Pero minsan, kahit sa likod ng lens o sa likod ng post, sumisilip si pride.
At hindi ito laging malakas — minsan, pabulong lang. 👇



🎬 1️⃣ Hirap tumanggap ng feedback

“Ang ganda na nito ah!”
Pero nung may nag-suggest ng revision, biglang napikon. 😅
Remember: feedback doesn’t kill creativity — it refines it.
Our goal isn’t to prove we’re right, but to make God’s message shine clearer.



📱 2️⃣ Comparing our reach or edits

“Mas marami likes sa post nila.”
“Mas ganda edit ni ganito.”
Comparison shifts our focus from mission to competition.
Our value isn’t in views — it’s in faithfulness. 💙



💬 3️⃣ Craving recognition

Nalulungkot kapag ‘di nabanggit sa credits o ‘di napasalamatan?
Pause. Who are we really serving?
Our true audience isn’t online — it’s the One above. 🙏



💡 4️⃣ Avoiding behind-the-scenes roles

“Pass muna ako sa tripod.” “Ayoko magbuhat.”
Pero tandaan — the real heroes are often behind the camera.
The unseen hands are the reason the light hits just right. ✨



🕊️ 5️⃣ Forgetting to pray before editing or posting

Kapag mas kampante na tayo sa skill kaysa sa Spirit,
unti-unting nagiging performance ang ministry, hindi mission.
Prayer keeps our creativity holy.



🖤 Why We Wear Black

Black hides us, so the message can shine.
Black absorbs the light, so Christ can radiate.
Black reminds us: the spotlight belongs only to Him.

“He must increase; I must decrease.” – John 3:30



💙 To Every SoCom Volunteer, Editor, Shooter, and Creative:

You may not always be seen on screen,
but your heart makes the message visible.

Be invisible but impactful.
Because true greatness in media ministry
is not about being known — but making Jesus known.

🎧 Stay humble. Stay teachable. Stay Spirit-led.

15/10/2025

🖤 “Invisible but Impactful” — Why Real Media Ministers Fade to Let Jesus Shine 🎙️

Ever notice why SoCom or media ministers always wear black?
Hindi lang para uniform — but because black means invisible.
🎥 In camera work, it helps the subject stand out.
In ministry, it helps Jesus stand out.

We fade, so He can shine.
That’s what makes a real media minister — serving from the shadows, letting Christ take the spotlight. 🌟

Pero minsan, kahit sa likod ng lens o sa likod ng post, sumisilip si pride.
At hindi ito laging malakas — minsan, pabulong lang. 👇



🎬 1️⃣ Hirap tumanggap ng feedback

“Ang ganda na nito ah!”
Pero nung may nag-suggest ng revision, biglang napikon. 😅
Remember: feedback doesn’t kill creativity — it refines it.
Our goal isn’t to prove we’re right, but to make God’s message shine clearer.



📱 2️⃣ Comparing our reach or edits

“Mas marami likes sa post nila.”
“Mas ganda edit ni ganito.”
Comparison shifts our focus from mission to competition.
Our value isn’t in views — it’s in faithfulness. 💙



💬 3️⃣ Craving recognition

Nalulungkot kapag ‘di nabanggit sa credits o ‘di napasalamatan?
Pause. Who are we really serving?
Our true audience isn’t online — it’s the One above. 🙏



💡 4️⃣ Avoiding behind-the-scenes roles

“Pass muna ako sa tripod.” “Ayoko magbuhat.”
Pero tandaan — the real heroes are often behind the camera.
The unseen hands are the reason the light hits just right. ✨



🕊️ 5️⃣ Forgetting to pray before editing or posting

Kapag mas kampante na tayo sa skill kaysa sa Spirit,
unti-unting nagiging performance ang ministry, hindi mission.
Prayer keeps our creativity holy.



🖤 Why We Wear Black

Black hides us, so the message can shine.
Black absorbs the light, so Christ can radiate.
Black reminds us: the spotlight belongs only to Him.

“He must increase; I must decrease.” – John 3:30



💙 To Every SoCom Volunteer, Editor, Shooter, and Creative:

You may not always be seen on screen,
but your heart makes the message visible.

Be invisible but impactful.
Because true greatness in media ministry
is not about being known — but making Jesus known.

🎧 Stay humble. Stay teachable. Stay Spirit-led.

14/10/2025

When We Forgot to Love the One Who Loves Us in Silence

We failed to love Jesus.
And perhaps, without knowing it,
we failed to love our priest.

We expected too much from him — that he would always be strong, always available, always smiling.
We forgot that behind his “Amen,” there is also a man.
Behind his homily, there is also a heart that gets tired.
Behind his smile, there is sometimes a soul that silently weeps.



😔 “Ang dami kong pagkakataon para gumaan ang kanyang pasanin, pero kailanman ay di ko man lang itinulak ang sarili kong tumulong.”

How many times did we see him cleaning the church alone?
How many times did we hear his voice crack during Mass and simply sat there in silence?
How many times did he ask for volunteers — and we looked away, pretending we didn’t hear?

We wanted him to visit our sick, bless our houses, pray for our dead, organize parish programs, manage finances, preach inspiring homilies, and still have time to smile.
But when he needed rest, we called it laziness.
When he corrected us, we called it arrogance.
When he withdrew in silence, we called it coldness.

And yet — he stayed.
He continued to celebrate Mass for us.
He continued to listen to our confessions.
He continued to love us, even when it wasn’t easy to love us back.



💭 We Forgot That Priests Carry Invisible Crosses

They carry the weight of every funeral, every broken marriage, every confession whispered in tears.
They are the first to arrive and the last to leave — yet often the first to be blamed when things go wrong.
They pray for everyone, yet few remember to pray for them.

And still, they keep going.
Because deep down, they believe that love is still worth it — that every “Father, bless us” is worth the exhaustion, the loneliness, the tears.



🕊️ Jesus Is Loving Us Through Them

When we neglect our priest, we neglect Christ who sent him.
When we fail to comfort him, we fail to comfort Jesus who carries our burdens through his hands.
When we forget to love him, we forget that he is God’s chosen channel of grace — broken, yes, but consecrated.



❤️ Let This Be Our Turning Point

Maybe it’s time to begin again.
To offer a smile. A cup of coffee. A simple “Salamat po, Father.”
To listen instead of criticize.
To lend a hand without being asked.
To see beyond the vestments and recognize the human being — fragile, hopeful, loved by God.

Because love that does not serve is only admiration.
And admiration without compassion is hollow.



🙏 Panalangin

Panginoon, patawarin Mo kami
sa mga pagkakataong naging manhid kami
sa bigat ng krus ng aming mga pari.
Turuan Mo kaming magmahal, hindi lang ng Simbahan,
kundi pati ng mga lingkod Mong nag-aalay ng buhay sa Simbahan.

Palambutin Mo ang aming mga puso,
upang sa halip na humusga, kami ay mag-alay ng tulong.
Sa halip na manahimik, kami ay magdasal.
Sa halip na manlamig, kami ay magmahal.

Amen. 🙏

10/10/2025

“Father, please pray for me.”

Marami sa atin ang sanay magsabi sa pari,
“Father, please pray for me.”
“Father, ipagdasal n’yo po ako.”
“Father, may problema po kami sa bahay.”

At napakaganda nito — dahil ito ay tanda ng tiwala, pananampalataya, at pagkilala na ang pari ay kasangkapan ng Diyos sa ating buhay.

Pero kailan naman kaya natin nasabi,
“Father, ako naman po ang magdarasal para sa inyo”?
Kailan natin tinanong, “Father, kamusta po kayo?”
Kailan natin ipinaalala sa kanila na hindi lang sila “tagapagdasal,” kundi tao ring may pangangailangan ng pagmamahal at pagdamay?



💒 Ang Pari: Tao Rin, Kapatid Natin

Ang pari ay hindi lamang tagapamagitan ng Diyos at tao—siya rin ay anak ng Diyos na tulad natin.
May mga gabing nag-iisa, may panahong napapagod, may bigat na di maibahagi.
Kaya’t marapat din na ating alalahanin: ang pari ay tao rin.

Kailangan din niyang maramdaman na siya ay mahalaga hindi lang dahil sa kanyang tungkulin, kundi dahil siya ay kapatid, kapamilya, kalakbay sa pananampalataya.
Ang simpleng pag-akay, pag-yakap, at pagdamay ay maaaring maging biyaya ng Diyos sa kanyang puso.



☕ Mga Simpleng Paraan ng Pagdamay

Hindi kailangang malaki ang gawin.
Minsan sapat na ang pag-upo sa tabi ng pari, ang pag-abot ng tasa ng kape, o ang pakikinig sa kanyang kuwento.
Iparamdam natin na may nakikinig din sa kanya — hindi lang siya ang nakikinig sa atin.

Pwede nating tanungin siya sa mga ganitong simpleng paraan:
• “Father, kamusta po kayo talaga?”
• “May gusto po ba kayong kainin? Ipagluluto ko po.”
• “Father, gusto n’yo po bang magkape muna bago kayo magmisa?”
• “Father, may maitutulong po ba ako sa gawain n’yo?”
• “Father, may kailangan po ba kayo ngayong linggo?”
• “Father, gusto n’yo po bang sumama sa amin mamaya, kahit simpleng salu-salo lang?”
• “Father, may gusto po ba kayong ipagdasal namin para sa inyo?”

Mga tanong na simple ngunit punô ng malasakit.
Dahil minsan, ang isang mabuting tanong ay nagiging kasangkapan ng Diyos para maramdaman ng pari na siya ay hindi nag-iisa.



🙏 Sama-sama sa Pananampalataya

Ang Simbahan ay hindi lamang mga pari o mga layko.
Ito ay pamilya — pamilya ng mga nagmamahalan, nagdadamayan, at nagdarasalan.
Kaya sa bawat pagkakataong sasabihin nating, “Father, please pray for me,”
sana’y masundan din ng,
“Father, ako rin po ay magdadasal para sa inyo.”

Sapagkat sa tunay na pamilya ng pananampalataya, ang panalangin ay hindi lang hinihingi, ito rin ay ibinibigay.

28/09/2025

Hamon ng Synodal na Paglilingkod sa Simbahan

Ang tunay na volunteerism ay hindi lamang pagbibigay ng oras at talento; ito ay pag-aalay ng sarili na may commitment, prudence, at punctuality.
Kahit walang sweldo, ang naglingkod ay nag-commit na “Narito ako, Panginoon, ipadala mo ako.” (Is 6:8).

Kung ikaw ay choir, hindi ka lang kakanta sa oras na dumating ka. Ang bawat nota ng awit—mula sa entrance song hanggang sa huling “Amen”—ay bahagi ng panalangin ng buong sambayanan. Hindi ito concert appearance; ito’y pagsamba.

Kung ikaw ay sacristan, hindi sapat na mag-bell ka o mag-insenso, tapos tatambay na lang sa sacristiya.
Kung ikaw ay lay minister, hindi tamang pagkatapos ng pagbasa ay aalis ka na.
Kung ikaw ay acolyte, hindi ka dapat sisipot lang kung kumunyon na.

Ang paglilingkod ay hindi pira-piraso. Ito’y buo.
Hindi lang tayo nagseserve—tayo ay nakikisamba.
• Hindi ka nagsisimba kung darating ka nang Gospel na.
• Hindi ka nagsisimba kung lalabas ka tuwing Homily.
• Hindi ka nagsisimba kung panay cellphone ang hawak habang nagmimisa.
• Hindi ka nagsisimba kung sisilip ka lang, ngunit wala sa oras at kabuuan ng misa.

Ang mission ay laging may kasamang commitment.
May kasamang paggalang sa nakatataas.
May kasamang punctuality, dahil ang Diyos ay karapat-dapat paghandaan, hindi binibigyan ng tira-tirang oras.

Isa ito sa mga hamon ng pagiging simbahan na naglalakbay nang sama-sama (synodal): ang pakikiisa, ang pagiging kaisa.
Kapag ikaw ay lingkod sa parokya, hindi ka hiwalay; hindi ka performer. Ikaw ay kabahagi ng buong sambayanan na sumasamba.

Sa huli, tandaan natin:
👉 Ang paglilingkod ay pagsamba. Ang pagsamba ay pag-ibig. At ang pag-ibig ay laging may kasamang sakripisyo at paninindigan.

28/09/2025

Being Late in Sunday Mass Is a Mortal Sin

"The Mass is the most perfect form of prayer." – St. Padre Pio

Many Catholics may not realize this, but being late for Sunday Mass—especially missing the opening parts of it—is a mortal sin. While being late for weekday Mass (Monday through Saturday) is not sinful because these are not obligatory days of worship, being late for Sunday Mass without a serious reason becomes a grave matter, because Sunday Mass is an obligation of divine law and Church precept.

📖 Why Is It a Mortal Sin?

The Third Commandment teaches us: "Remember the Sabbath day, to keep it holy" (Exodus 20:8). The Catholic Church obliges us to attend the full Holy Sacrifice of the Mass on Sundays and Holy Days of Obligation. If we intentionally skip or arrive very late without grave cause (like illness or emergency), we are not fulfilling this duty and are guilty of grave sin.

St. Alphonsus Liguori, Doctor of the Church, clearly stated:

"He who neglects Mass on a Sunday without serious reason commits a mortal sin."

The Liturgy of the Word—which includes the readings, Gospel, and homily—is not optional. Missing it is missing part of the Eucharistic celebration, which means you have not fulfilled your Sunday obligation.

⏰ When We Can Be on Time for the World, Why Not for God?

Let us reflect sincerely:

- We can wake up early for school and be in uniform before the bell.
- We can arrive hours before a flight, in fear of missing the plane.
- We can line up at dawn for embassy appointments and government offices.
- We even arrive early for weddings, movies, or concerts.

Then why do we come rushing in late for the most sacred and divine event of the week—the Holy Sacrifice of the Mass? Is God less important than a plane, a visa, or a movie?

St. Josemaría Escrivá warns:

"Don’t say: 'I’m late for Mass because I had so many things to do.' It’s like saying: 'I’m late for the wedding because I had to iron my tie.' It’s disrespectful and shows disordered priorities."

God gives us 168 hours a week and asks only one hour of worship, yet we show up halfway or distracted. That hour is not for Him alone—it’s for your soul.

🙏 Why Should We Arrive 15–30 Minutes Early?

Arriving early is a sign of love and devotion. It allows us to:

- Quiet our hearts from the noise of the world.
- Pray for the priest who will offer the Sacrifice.
- Offer intentions, prepare spiritually, and read the Scriptures.
- Examine our conscience and go to Confession, especially in Traditional Latin Mass communities that offer it before or during Mass.

St. John Chrysostom said:

"You cannot pray at home as you can at church, where there is a great multitude… and where something more is present: the union of minds, the accord of souls, the bond of charity, the prayers of the priests."

⚠️ Dangers of Receiving Communion While in Sin

The Holy Eucharist is Jesus Himself, and to receive Him while in a state of mortal sin is itself a mortal sin. If you habitually come late or skip Confession, you risk receiving unworthily.

St. Paul wrote in 1 Corinthians 11:27-29:

"Whoever eats the bread or drinks the cup of the Lord unworthily will be guilty of the body and blood of the Lord… eats and drinks judgment on himself."

Make a good confession. Prepare with purity and reverence. Confession before Mass is a grace often ignored.

🕯️ Final Reflection

- If you’re late for no serious reason, examine your priorities.
- If you treat God as less important than worldly affairs, it is not love—it is offense.
- If you have developed a habit of arriving late, repent and resolve today to change.

"Blessed is that servant whom his master finds awake when he comes." – Luke 12:37

✝️ Let us give our best, not our leftovers, to God. Let us prepare like saints—with love, punctuality, and reverence—for the Lord who is present on the altar, Body, Blood, Soul, and Divinity.

05/09/2025

PAGNINILAY, PANALANGIN, AT PAALALA

Sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa flood control system at sa usapin ng korupsiyon sa DPWH, ipagdasal natin ang mga sangkot na engineers at contractors. Oo, sila’y nagkamali, sila’y naging sakim at nagkasala. Ngunit huwag nating kalimutan na naging bahagi rin tayo ng sistemang ito—sapagkat hinayaan natin.

Sila na nagkamali, nawa’y maitawid nila ang kanilang pagkukulang. Sa tulong ng ating panalangin, nawa’y maitama nila ang kanilang konsensya, isauli ang sobrang pera, at sa kanilang sariling pananagutan ay tapusin ang mga nakabinbing proyekto. Hindi upang ipahiya, kundi upang magbigay ng katarungan at pag-asa sa bayan.

Kasabay nito, huwag nating kalimutan ang mga tapat at malilinis na kawani ng DPWH. Sila na nagsisikap maglingkod nang buong dangal, ngunit nadadamay at nababahiran dahil sa kasalanan ng ilan. Sila ngayon ay nakararanas ng stress, agam-agam, at minsan pa’y paninira—hindi lamang sila kundi pati ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Gayunman, patuloy silang nagsisilbing liwanag, na nagpapaalala na may Diyos na nakatingin at nagbibigay-katarungan sa lahat ng mabuting ginagawa.

Alalahanin natin: lahat sila ay may kaluluwa. At gaya natin, sila’y nangangailangan ng panalangin, ng gabay, at ng ating pagdamay. Huwag lamang silang batikusin; bagkus, itaas natin sila sa Diyos na nagmamahal, nagpapatawad, at nagbubukas ng bagong pagkakataon.

Kaya nga, mga kapatid, samahan ninyo ako sa panalangin:

“Panginoon, dinggin Mo kami.”
• Para sa mga nagkamali at nagkasala—na magkaroon sila ng lakas ng loob na maitama ang kanilang mali. Panginoon, dinggin Mo kami.
• Para sa mga tapat at malinis na kawani—na huwag silang panghinaan ng loob, kundi manatiling matatag sa gitna ng tukso at pagsubok. Panginoon, dinggin Mo kami.
• Para sa ating lahat—na maging mulat tayo, maging mapagmatyag, at huwag na muling hayaang manaig ang kasakiman. Panginoon, dinggin Mo kami.

Sa huli, ang lahat ng ito ay iniaangat natin sa Diyos na tanging makapaglilinis at makapagbabago ng ating bayan at ng ating mga puso.

31/08/2025

The Sin of Indifference: Kawalang-Kibo
(Manhid, Bulag, Bingi, at P**i)

Kapag may katiwalian, madaling ituro ang may sala:
“Sila ang sakim. Sila ang tiwali.”

Ngunit masakit tanggapin na madalas… nananatili ang korapsyon dahil nananahimik din tayo. Sapagkat nakikinabang tayo sa maliit na pabor, sa diskwento, sa pakikisama. At sa katahimikan, nagiging bulag tayo sa mali, bingi sa hinaing ng naaapi, at p**i sa katotohanan.

Ang kawalang-kibo ay hindi kawalang-kasalanan.
Ang pananahimik ay pakikiisa sa kasalanan.
Hindi sapat ang “wala naman akong kinalaman,” sapagkat kung hindi tayo magsasalita, kung hindi tayo kikilos, lalo lamang lumalalim ang sugat ng lipunan.

Kaya’t tinatawag tayo ng Diyos sa tunay na repentance:
Hindi lamang sa dasal, kundi sa gawa.
Hindi lamang sa panghihinayang, kundi sa pagbabalik ng dapat isauli.
Ang gastos ng kasalanan ay dapat akuin ng gumawa, hindi ng inosenteng tao.

Sabi nga sa Aklat ng Sirach:
“Kung paanong ang tubig ay pumapatay ng apoy, gayon din ang paglilimos ay nakakapagbayad-puri sa kasalanan.”

At ang pinakamahalagang paglilimos ay ito: ang ituwid ang mali, at isauli ang kinuha.

Mga kapatid, hindi mahirap ang Pilipinas — sapagkat sagana ang ating lupa, likas ang yaman, at may galing at sipag ang ating tao.
Mahirap ang Pilipino dahil tayo mismo’y madalas naka-sahod, naka-abang, naghihintay lamang. Dahil kulang ang ating pakikiisa, pagkilos, at pakikisangkot.

Kung mananatili tayong bulag, bingi, at p**i, mananatili rin tayong talunan. Ngunit kung babangon tayo, kikilos, at magsasabi ng totoo, ang Pilipinas ay hindi lamang aangat — kundi lalaya.

26/08/2025

“It’s natural that we won’t always agree or get along with everyone. In our differences, however, the call of the Gospel is clear: never use words to destroy. Gossip and lies wound not only a person but also the whole community. As Church journeying together, we are invited to walk in truth, to listen with respect, and to choose love over judgment. In this way, even our disagreements can become paths toward deeper communion.”



ctto

19/08/2025

Conscience Check: Pilipinas 2025

🌊 ₱500 billion flood-control budget.
👉 Hinati sa 15 kumpanya.

💰 Isang kumpanya nagbigay ng ₱30M “donation” sa isang senador.
👉 Kapalit? ₱5.1 billion na kontrata.

Tawag nila budget.
Pero sa totoo: pagnanakaw sa bayan.



Habang binabaha ang mga barangay,
may ilan na naliligo sa pera.
Habang kumakayod at nagbabayad ng buwis ang ordinaryong Pilipino,
may iilan na inuubos ang kaban ng bayan.



Pero ito ang masakit: may bahagi rin tayo dito.
Hindi lang ito problema ng gobyerno.
Kung lagi nating sinasabi, “trabaho nila ’yan”—
nakakalimutan nating trabaho rin natin ang magpanagot, magtanong, at magbantay.

👉 Kapag nanahimik tayo, nagiging kasabwat tayo.
👉 Kapag pumikit tayo, parang pumirma tayo sa kanilang kasalanan.



Tanong sa ating lahat:
Hanggang kailan tayo magbubulag-bulagan?
Hanggang kailan mananahimik ang konsensya habang nilulunod ng kasakiman ang bayan?

Hindi lahat ng baha ay galing sa ulan.
May baha ng katiwalian.
At kung wala tayong gagawin—
tayo mismo ang malulunod.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Lucena?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Isabang
Lucena
4301