22/05/2026
Una po sa lahat gusto po namin magpasalamat kay Lord at naitakbo na naman namin ng maayos yung liga. Sa lahat ng tumulong either financially or sa kahit anong way at sa lahat ng teams na nagparticipate eh salamat din po sa inyo.
4 years ago, We decided na magpaliga every fiesta para magpasaya sa mga kapwa kabarangay natin. Although sakit ng ulo,stress,pagod,gutom at abono ng mga 20-25k ang napapala namin eh ok lang importante makapagpasaya kami na tanging respeto at kooperasyon lang hinihingi namin na kapalit.
Pero this past league sinisigawan,nilulusob at sinapak yung referee namin tapos my mga nag aakusa pa na my pinapanigan kaming mga teams. Sasabihan din kami dapat nag hire ng professional refs para maayos daw yung tawag. Sorry po wala na po kami pang kuha ng professional refs kasi po LAHAT ng KOTA nyo sa cash prize nyo lang napupunta kya nga po almost 200 lang per person sinisingil namin na ang kapalit minimum of 6-8 games para kahit mahina yung team eh masasabi nyo na sulit yung kota. Galing po sa bulsa namin ung trophies and medals na worth almost 10k, tapos yung gastos namin sa pagkain at tubig tuwing may laro kayo na almost 700-1K per game so mga 10k ulit pra sa 2week league. Hindi pa po kasama yung bayad sa kinabitan ng ilaw, pinangbili ng pintura, bola at scoresheets. Over all nag aabono kami ng around 20-25k dahil nakakapagsolicit din kami ng mga 5k tapos ang dami pa din naming naririnig na demands at bad comments.
So after careful deliberation, naisip namin na hindi na worth it yung ginagawa namin. Although gusto namin mgpasaya every fiesta, mas tumimbang na umiwas na kami sa physical at emotional stress na binibigay ng liga. Tingin po namin sobrang under appreciated talaga yung effort namin dahil ang iniisip ng iba eh nagbabayad naman sila ng kota, so my karapatan silang magdemand.
So with a heavy heart we are announcing na eto na po yung LAST na paliga namin. Again salamat po sa lahat ng naging parte ng DPM basketball league for 4 years. God Bless us all.
This is DPM Basketball League officially Signing Off.
19/05/2026
19/05/2026
19/05/2026
19/05/2026
15/05/2026
14/05/2026
14/05/2026