Aray kohh
Ric Fit
Keep going hanggang maging the best version ka ng sarili mo
Fitness Lifestyle
Men’s Physique Athlete Natural
DM for Online Coaching
Leg Night. 🦵🍚
Huwag matakot sa kanin.
Kailangan ng katawan mo ng carbs para magkaroon ng lakas sa workout, trabaho, at sa mga ginagawa mo araw-araw. Hindi kalaban ang kanin. Kailangan mo ito kung ang goal mo ay fat loss, muscle gain, lean bulk, o weight gain. Ang importante ay tamang dami—hindi sobra at hindi rin kulang.
Isa sa pinakamalaking pagkakamali ng marami ay ang tuluyang pag-aalis ng kanin dahil gusto nilang pumayat. Oo, bababa ang timbang mo, pero hindi ibig sabihin na fat ang nawawala. Madalas, body weight lang ang nababawas at maaari ka pang mawalan ng energy at muscle. Kaya kadalasan, hindi rin ito nagtatagal at bumabalik lang ang dating timbang.
Hindi mo kailangang iwasan ang mga pagkain na gusto mo. Ang kailangan mo ay tamang calories, tamang macros, at isang planong kaya mong sundin nang pangmatagalan.
Kung gusto mong mag-lose ng fat, mag-build ng muscle, o magkaroon ng customized nutrition at workout plan, i-DM mo ako. Tutulungan kitang maabot ang fitness goals mo. 💪
Back workout ng mga pogi
03/08/2026
From 57kg to 69kg lean bulk📈💪🔥
Click here to claim your Sponsored Listing.