Marikina City Division Palaro

Marikina City Division Palaro

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Marikina City Division Palaro, Sports Event, Marikina City.

Photos from Concepcion Elementary School- Marikina City's post 08/03/2026
Photos from Barangka Elementary School - Marikina City's post 08/03/2026
Photos from Marikina City Division Palaro's post 13/12/2025

♟️ Marikina Division Meet 2025 – Chess (Elementary & Secondary) ♟️

Isang matagumpay na paligsahan ng talino, disiplina, at galing ang naganap sa Marikina Division Meet 2025 Chess noong Disyembre 09–11, 2025 sa Parang High School. Pinangunahan ito ng mga Tournament Managers na sina Mr. Clay Balgua, punong-guro (THS), at Ms. Glenda Trinidad, punong-guro (PHS), katuwang ang mga Assistant Tournament Managers na sina Alvin Yen (Marist) at Ms. Marilou Lachita (SEHS).
Naging susi rin sa maayos at patas na daloy ng paligsahan ang mahusay na ginampanan ng ating mga Technical Officials:
♟️ Mark Anthony Lim (FES)♟️ Milyn Cato (PHS)♟️ Jayson Quilo (NHS)♟️ Joselito Ancheta (NES)♟️ Armando Odevillas (PHS)♟️ Malvin Q. Dulay (SNNHS)♟️ Arneil Pagatpatan (THS)♟️ Carlo Aquino.

Photos from Marikina City Division Palaro's post 12/12/2025

TUKTOK NG TENSYON: Matinding naglaban ang mga estudyanteng atleta mula sa SEHS at Marist School para sa Division Palaro Baseball 2025 (secondary) sa field ng Marist school noong ika-10 ng Disyembre.

📸: Eriza Rarugal

Photos from Marikina City Division Palaro's post 12/12/2025

HUSAY AT GALING ⚾
Masigla at kapuri-puri ang laban ng mga batang atleta sa Division Palaro Baseball 2025 (Elementary Level) na ginanap noong ika-9 ng Disyembre sa Marist School. Mula sa matiyagang fielding hanggang sa mabilis na pag-ikot sa base, ipinakita nila ang disiplina, pagtutulungan, at tunay na diwa ng palaro. ✨

📸: Eriza Rarugal

Photos from Marikina City Division Palaro's post 11/12/2025

✨ 𝗥𝗲𝗮𝗱𝘆, 𝘀𝗲𝘁, 𝗴𝗼! 🏃‍♂️💨

Isang matagumpay na araw sa 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨 𝐀𝐭𝐡𝐥𝐞𝐭𝐢𝐜𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓 na ginanap sa Marikina Sports Center. Mula 𝐬𝐩𝐫𝐢𝐧𝐭 hanggang 𝐡𝐮𝐫𝐝𝐥𝐞𝐬, mula middle-distance hanggang 𝐫𝐞𝐥𝐚𝐲, lahat ng running events ay hinarap ng ating mga atleta nang may 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 na loob. Nawa’y magsilbi itong 𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 para sa mas marami pang 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆. 🏃‍♀️✨

Photos from Marikina City Division Palaro's post 10/12/2025

Pagbati sa ating mga kampeon sa Arnis (Elementary Level) sa Marikina Division Palaro 2025! 🏅✨

Saludo kami sa inyong husay, disiplina, at pagiging inspirasyon sa kapwa atleta. Ipinagmamalaki kayo ng buong Lungsod ng Marikina! 💙👏

📸: Eriza Rarugal

Photos from Marikina City Division Palaro's post 10/12/2025

✨Lakas, Talino, at Disiplina✨
Masaya at matagumpay na naidaos ang Arnis (Elementary Level) sa Concepcion Integrated School noong Disyembre 6, 2025! 🇵🇭🟡🔴

Saludo kami sa lahat ng batang mandirigma na buong tapang na ipinakita ang kanilang galing, respeto, at sportsmanship. 💪🥋
Patunay kayo na ang tunay na lakas ay nagmumula sa puso at disiplina!




📸: Eriza Rarugal

Photos from Marikina City Division Palaro's post 09/12/2025

Matagumpay na naisagawa ang 𝐬𝐨𝐟𝐭 𝐨𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 ng 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 noong Disyembre 8! Mula sa makulay na parada ng 𝗦𝘁𝗮. 𝗘𝗹𝗲𝗻𝗮 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 hanggang sa masiglang pagdating sa 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙠𝙞𝙣𝙖 𝙎𝙥𝙤𝙧𝙩𝙨 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧, tunay na dama ang sportsmanship at pagkakaisa ng bawat kalahok. 💙🏅

📸Team
📷Mhia Nicole Moena
📷 Natally Joyce Jordas

Photos from Marikina City Division Palaro's post 09/12/2025

𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡: Nagwagi ang Sta. Elena High School matapos nilang ipamalas ang kanilang husay sa kategoryang Futsal ngayong ika-9 ng disyembre sa Marikina Elementary School para sa inilunsad na Division Palaro 2025.

📷: Mio S. Cabamongan

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Marikina City
1800