22/05/2022
Walang susuko, sama-sama tayong aangat! 💪
Nawa'y marami kayong natutunan sa ating mga ensayo.
Asahan nyo ang aking suporta kasama ang iba sa mga kapwa ko manlalaro.
I'm so proud of you, guys!
22/05/2022
Mini Soccer League para sa mga batang ito na punong puno ng dedikasyon sa paglalaro ng soccer.
Congratulations sa lahat. Lahat ng paghihirap ay mapupunan ng tagumpay dahil kahit kailan, wala kang magiging kakulangan basta't gusto mong gawin ang isang bagay.
Maraming salamat, marami pang mga liga ang darating kaya laban lang, nga Ka-Footboleros!
21/05/2022
04|13|22
Panibagong araw, panibagong ensayo na naman, mga Ka-Footboleros!
20/05/2022
Warm up ba ang hanap nyo mga Ka-Footboleros? Sagot ko na 'yan!
Narito ang video mula sa Progressive Soccer na nagpapakita ng angkop na warm up exercises bago sumabak sa paglalaro ng soccer. Ang warm up exercises ay isinasagawa upang maihanda ang katawan sa paglalaro at maiwasan ang pagkabigla ng buto na kadalasang nagiging sanhi ng injury ng isang manlalaro.
Happy learning mga Ka-Footboleros! âš½
How To Warm Up Before A Soccer / Football Game
How To Warm Up Before A Soccer / Football Game - Download a FREE soccer training course at - http://www.progressivesoccertraining.comLearn how to warm up bef...
20/05/2022
Wassup mga Ka-Footboleros!?
Nais kong ibahagi sa inyo ang video na ito mula kay Soheil Var na kung saan ay ibinahagi nya ang mga paraan ng kung paano maeensayo ang larong soccer kahit na nasa loob ka lamang ng bahay. Ang astig, 'di ba?
Sana ay makatulong at maging dagdag kaalaman ito sa inyo, mga Ka-Footboleros! Happy watching!
Soccer Drills at Home: IMPROVE Ball Control
If you want even more drills you can do at home, check out this video:https://www.youtube.com/watch?v=g4KCpzTkHto&Feel free to connect with me:https://www.in...
20/05/2022
04|09|22
Kailanman ay huwag mong gawing hadlang ang iyong kakulangan sa mga bagay na gusto mong makamit sa buhay.
Isa sa mga problema ng mga batang atleta na nasa larawan ay ang kanilang kakulangan sa pagbili ng mga kagamitan sa paglalaro ng soccer, kung kaya't nawawalan na sila ng gana sa paglalaro nito. Kasama ang ilan sa mga kapwa ko manlalaro, napagpasyahan namin na magsagawa ng training sa mga bata at ibahagi sa kanila ang aming kaalaman sa paglalaro ng soccer. Sa paraang ito ay muling nahikayat namin ang mga ito na ipagpatuloy ang paglalaro ng soccer.
Mga ka-footboleros, samahan nyo ako at ibabahagi ko sa kung paano lubhang nakatulong ang ensayo na ito sa mga bata.
Ang aking paalala sa inyo mga ka-footboleros, basta kung ano man ang iyong goal sa buhay, i-highight mo 'yan!
27/03/2022
What's up mga Ka-Footballeros!
Hayaan nyo akong ibahagi sa inyo ang aking kaalaman sa larangan ng paglalaro ng Soccer/Futsal.
Ako na ang bahala sa inyo dahil sa mga susunod na araw ay dadalhin ko kayo sa makabuluhang mundo ng pagiging isang atleta.
Aasahan ko ang inyong pagsubaybay, Ka-Footballeros!