30/05/2026
IMPORTANT REPAIR, DIAGNOSTIC, AND DEVICE CONDITION ADVISORY
Sa PowerFix, naniniwala kami sa pagiging transparent sa aming mga customers. Nais naming ipaliwanag na ang mga electronic devices gaya ng smartphones, tablets, laptops, desktops, smartwatches, earbuds, gaming consoles, printers, at iba pang gadgets ay binubuo ng daan-daang magkakaugnay na components at systems.
Dahil dito, hindi lahat ng problema ay agad nakikita sa unang tingin o sa initial diagnostic lamang.
1. Hidden or Existing Issues
Kahit na isang issue lamang ang nakikita sa unang assessment, posible pong may iba pang existing o hidden issues na hindi agad lumalabas hangga't hindi pa nabubuksan, natetest, o nadadiagnose nang mas malalim ang device.
Maaaring ang mga karagdagang issue ay dulot ng:
• Pagkahulog, impact, o pressure damage• Liquid damage o moisture exposure• Power surge o electrical fluctuations• Kalumaan ng device at natural wear and tear• Overheating• Corrosion o kalawang sa loob ng unit• Dating repair attempts o modifications• Defective parts na unti-unti nang bumibigay• Failed software updates o software corruption• Manufacturing defects• Long-term use ng device
Sa maraming pagkakataon, may mga sira na matagal nang nagsisimula sa loob ng device ngunit hindi pa agad napapansin ng may-ari hanggang sa lumala o ma-trigger ng ibang issue.
2. Findings May Change After Opening the Device
May mga pagkakataon na iba ang initial findings kumpara sa final findings pagkatapos mabuksan ang unit.
Halimbawa:
• Mukhang LCD issue lamang ngunit may motherboard damage din pala.• Mukhang battery issue lamang ngunit may charging circuit problem din pala.• Mukhang software issue lamang ngunit may storage, memory, o board-level issue din pala.• Mukhang charging port issue lamang ngunit may battery o power IC issue rin pala.
Dahil dito, maaaring magbago ang quotation, repair scope, o turnaround time batay sa aktwal na findings.
3. Repairing One Problem Does Not Always Repair All Problems
Kapag naayos ang pangunahing sira ng device, may mga pagkakataon na saka lamang lumalabas ang ibang existing issues na dati ay natatakpan ng pangunahing problema.
Halimbawa:
• Naayos ang no-power issue ngunit lumabas ang battery health problem.• Naayos ang LCD ngunit napansin na mahina pala ang charging.• Naayos ang motherboard ngunit may existing camera issue pala.• Naayos ang software ngunit may storage issue na pala ang device.
Hindi ito nangangahulugan na ang technician ang nagdulot ng panibagong sira. Sa maraming pagkakataon, dati na itong naroroon ngunit hindi lamang napapansin dahil sa pangunahing issue ng unit.
4. Some Features May Be Affected Due to Device Design
May mga modern devices na gumagamit ng advanced technologies tulad ng:
• Under-display fingerprint sensors• Face recognition systems• Biometric security features• Serialized parts pairing systems• Manufacturer software restrictions
Dahil dito, may mga pagkakataon na kahit matagumpay ang repair o replacement ng isang bahagi, may ilang features na maaaring hindi gumana gaya ng dati depende sa design ng manufacturer, compatibility ng replacement parts, software restrictions, o kondisyon ng mismong device.
May mga pagkakataon ding gumagana ang feature sa ibang unit ngunit hindi sa iba kahit pareho ang model at pareho ang repair procedure.
5. Devices May Develop Additional Issues After Repair
Mahalagang maunawaan na ang pag-aayos ng isang device ay hindi nangangahulugang magiging brand new muli ang buong unit.
Ang mga gadgets ay may maraming components na may kanya-kanyang lifespan. Dahil dito, kahit matapos ang isang successful repair, posible pa ring magkaroon ng ibang issue sa hinaharap.
Halimbawa:
• Battery degradation• Charging issues• Speaker issues• Camera issues• Touchscreen issues• Software problems• Overheating• Board-level failures
Maaaring mangyari ito ilang araw, linggo, buwan, o taon pagkatapos ng repair.
Hindi lahat ng bagong issue na lumalabas pagkatapos ng repair ay awtomatikong konektado sa repair na isinagawa.
6. User Habits Can Affect Device Longevity
Ang lifespan ng device pagkatapos ng repair ay nakadepende rin sa paggamit ng may-ari.
Mga bagay na maaaring makaapekto sa kondisyon ng device:
• Madalas na pagkakahulog• Exposure sa tubig o moisture• Pagkakadiin o pagkakaupuan ng device• Pagkakarga gamit ang substandard chargers• Overcharging• Extreme heat exposure• Gaming o heavy usage nang matagal• Hindi pag-update o maling pag-update ng software• Hindi pagsunod sa repair recommendations
Kahit maayos ang pagkakagawa ng repair, ang mga salik na ito ay maaaring magdulot ng panibagong problema sa device.
7. No Technician Can Predict Every Future Failure
Walang technician, service center, manufacturer, o repair company ang kayang hulaan o garantiya ang lahat ng posibleng future failures ng isang electronic device.
Ang technician ay nagre-repair base sa kasalukuyang findings at kondisyon ng unit sa oras ng diagnostic at repair.
Dahil ang electronic devices ay komplikadong kagamitan, may mga failures na maaaring lumabas sa hinaharap kahit matagumpay ang kasalukuyang repair.
8. Our Commitment to Transparency
Ang layunin ng PowerFix ay hindi lamang mag-repair kundi maging transparent sa aming mga customers.
Kung may makita kaming karagdagang findings, agad namin itong ipapaalam bago magsagawa ng anumang additional repair na may kaukulang bayad.
Nais naming protektahan ang parehong customer at technician sa pamamagitan ng malinaw na komunikasyon, tamang diagnostic process, at patas na assessment ng bawat unit.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at tiwala sa PowerFix Gadget Repair Station.
Download PowerFix Repair App
Dahil any kinds of Gadget Problem? Ipa- PowerFix mo na yan!