08/06/2026
WELCOME HOME: Hindi Lang Bahay, Kundi Buhay π‘β¨
The HOME Journey has officially begun!
Our first session with the Home Empowerment Champions kicked off the Learning Phase β where it's not just about acquiring a house, but building lives with dignity, purpose, and hope. β¨
Through guided sessions, reflection, and shared learning, participants aligned expectations and deepened their understanding of what Home really means. Through the Small Group Community approach, everyone walks alongside one another with accountability, support, and genuine care β creating a space of pananagutan sa isa't isa.
Together, we're not just owning houses. We're transforming lives into what we can truly call HOME. π±
04/06/2026
Sama-samang pagharap sa hamon, sama-samang paghahanap ng solusyon! π€
Sa Module 7 ng MaPa Teens Program, pinatunayan ng mga magulang at teens na ang paglutas ng problema ay hindi ginagawa nang mag-isa β ito ay sama-samang proseso. Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at paggalang sa boses ng bawat isa, nagiging mas matatag ang pamilya sa harap ng anumang pagsubok.
Natutunang mas nagiging oportunidad ang hamon para palakasin ang samahan, hindi pabigat. πͺ
Patuloy ang MaPa Teens sa paggabay tungo sa mas matatag na pamilya, mas bukas na komunikasyon, at mas epektibong pagharap sa hamon ng buhay.
03/06/2026
Isinagawa ang Basic Family Formation (BFF) Assessment kasama ang ating mga Community Facilitators bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng programa sa mga komunidad.
Tinalakay sa assessment ang mga naging karanasan, hamon, at magandang praktis sa pagpapatupad ng BFF upang mas mapahusay pa ito para sa mga pamilyang ating pinaglilingkuran.
Binigyang-halaga rin ang dedikasyon at malasakit ng ating mga facilitators na patuloy na tumutulong sa paghubog ng mas matatag at mas mapagkalingang pamilya. π€π
Maraming salamat sa inyong commitment at patuloy na pakikiisa sa programa! π‘
01/06/2026
βAs each one has received a gift, use it to serve one another as good stewards of Godβs varied grace.β β 1 Peter 4:10 πβ¨
Lahat tayo ay may kanya-kanyang biyaya at kakayahang ipinagkaloob ng Diyos. Ang mga ito ay hindi lamang para sa sarili, kundi upang gamitin sa paglilingkod at pagmamahal sa kapwa. π
Bilang mabubuting katiwala ng Kanyang grasya, nawaβy patuloy nating gamitin ang ating oras, talento, at puso upang magdala ng kabutihan, pag-asa, at liwanag sa ating komunidad. π±
31/05/2026
Bilang bahagi ng MaPa Teens Program, isinagawa ang Module 6: Pangangasiwa ng Negatibong Kilos Gamit ang Konsekwensya, kung saan natutunan ng mga magulang at kabataan ang kahalagahan ng mahinahon, patas, at makabuluhang paggabay.
Binigyang-diin sa session na ang pagbibigay ng konsekwensya ay hindi tungkol sa pananakot o simpleng pagpaparusa, kundi pagtuturo sa mga kabataan na maunawaan ang epekto ng kanilang mga kilos at maging responsable sa kanilang mga desisyon.
Sa pamamagitan ng mga gawain at talakayan, mas naunawaan ng mga kalahok ang kahalagahan ng consistency, respeto, at bukas na komunikasyon sa paghubog ng mabuting asal at pagpapatibay ng relasyon sa loob ng pamilya. π€
Patuloy ang MaPa Teens Program sa paggabay sa mga pamilya tungo sa mas positibo, responsable, at matatag na samahan sa tahanan. π
30/05/2026
π± Isang panibagong yugto ng community-led development ang nasaksihan sa Naic, Cavite matapos manumpa ang mga bagong halal na officers at Board of Directors ng GCAC, PPNEMC, at C4.
Higit pa sa isang oathtaking ceremony, simbolo ito ng kanilang commitment na bumuo ng mas matatag at self-reliant na mga komunidad sa pamamagitan ng pagkakaisa at kooperasyon. π€
Pinangunahan ng Joy~Nostalg Foundation ang panunumpa at muling binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa paglikha ng oportunidad, pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, at pagsusulong ng servant leadership.
Mula agrikultura at neighborhood enterprises hanggang consumer services, patuloy na ipinapakita ng mga kooperatibang ito na kayang makamit ang makabuluhang pagbabago kapag organisado at nagkakaisa ang komunidad. π
Sama-sama tungo sa mas maginhawang komunidad sa pamamagitan ng kooperasyon, pagkakaisa, at aktibong partisipasyon.
29/05/2026
Sa Pagsibol Village Southwest (PV5), ipinakita ng mga community organizations ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa pamamagitan ng pagbubukas ng Sambaylila Wellness Clinic sa PV5 multipurpose hall. π₯β¨
Ang Sambaylila, isang CSO na tinulungang maorganisa ng Joy~Nostalg Foundation (JNF), ang nanguna sa proyektong ito upang mailapit ang health and wellness services sa mga residente. Nagkaroon din ng pamimigay ng libreng gamot para sa mga nangangailangan, lalo na sa mga senior citizens.
Naging katuwang din sa aktibidad ang PV5 Safety and Security CSO, isa ring organisasyong nabuo sa tulong ng JNF, upang masigurong maayos, ligtas, at organisado ang buong programa. π€
Sa suporta ng Pagsibol Southwest HOA at pagtutulungan ng mga CSO, muling pinatunayan na kayang magdala ng positibong pagbabago ng mga organisadong komunidad na nagkakaisa para sa kapakanan ng bawat isa. π±
26/05/2026
Bilang bahagi ng MaPa Teens Program, isinagawa ang Module 5: Pagba-badyet ng Pamilya at mga Paraan ng Pag-iipon, kung saan natutunan ng mga magulang at kabataan ang kahalagahan ng tamang pagba-budget at pag-iipon bilang responsibilidad ng buong pamilya.
Binigyang-diin sa session ang kahalagahan ng pag-unawa sa pagitan ng needs at wants, pati na rin kung paano maayos na napaplano ang gastusin at pag-iipon para sa pang-araw-araw at pangmatagalang pangangailangan. πβ¨
Sa pamamagitan ng bukas na pag-uusap tungkol sa pera, mas natututo ang mga kabataan na maging responsable, disiplinado, at mapahalaga sa pinaghihirapang kita ng pamilya. π€
Patuloy ang MaPa Teens Program sa paggabay sa mga pamilya tungo sa mas matatag, responsable, at mas maayos na pamumuhay. π