24/09/2025
Balancing books and balls 📖 🏐 — hindi madali, pero this is the grind of a true student-athlete.
To all the student-athletes out there: never let anyone tell you na hindi mo kaya pagsabayin. Yes, it’s hard. Yes, it’s exhausting. But excelling in both academics and sports proves that with the right mindset, anything is possible. Keep pushing, keep hustling — your success will inspire others.
Balanse sa Talino at Laro: Aezen Paul, Isang Huwaran!
Isang mainit na pagbati kay Aezen Paul G. Mariano sa kanyang kahanga-hangang performance sa Science Quiz Bee Municipal Elimination na ginanap sa Minanga Integrated School noong September 19, 2025!
Hindi matatawaran ang effort at dedikasyong ipinakita mo sa paghahanda. Sa kabila ng pressure, napagsasabay mo ang pagiging aktibong estudyante sa akademya at pagiging atleta sa volleyball, isang bagay na hindi madali, pero nagagawa mo nang may disiplina at determinasyon. Inspirasyon ka sa mga kapwa mag-aaral na nagsusumikap sa kani-kanilang larangan.
Buong puso ang suporta ng Piat NHS Men’s Volleyball team sa iyo!!!