Master Alger

Master Alger

Share

I teach business owners how to grow their brand using social media and AI

AI Educator | Content Mentor

13/01/2026

Mga signs na dapat mo nang itigil ang business mo.

Paulit ulit ang problema pero walang totoong solusyon. Laging pagod, laging busy, pero walang malinaw na progress. Hindi mo na alam kung kumikita ka pa o umaandar lang dahil sanay ka na. Umaasa ka na lang sa sipag kahit wala nang malinaw na strategy.

Hindi lahat ng business kailangan ipaglaban habambuhay.
Minsan, ang tamang desisyon ay mag reset, hindi magtiis.




12/01/2026

Hindi lang ads ang marketing.
Ang tunay na objective nito ay ang touchpoints mo sa customer.

Bawat message, bawat reply, bawat experience.
Kung consistent yan, doon nagsisimula ang tiwala at benta.




11/01/2026

Sa business, hindi totoo ang too much competition.
Kapag pakiramdam mo lahat kalaban, kadalasan isang bagay lang ang problema.
Hindi gumagana ang marketing mo.

Fix the message. Fix the positioning.
Kapag malinaw ka, hindi ka nalulunod sa dami.




10/01/2026

Most people takot sa competitors.
Pero look at Louis Vuitton.

Hindi sila naging iconic dahil sila lang ang option.
They became iconic because marami silang ka-level, at pinili nilang tumindig.

Competition is not a threat.
Competition is confirmation na may market, may demand, may dahilan para gumaling.

Kung walang competitors, walang benchmark.
Kung walang benchmark, walang pressure to refine your craft, your taste, your standards.

So instead na ma-intimidate, gamitin mo sila as mirror.
Hindi para gayahin.
Para i-clarify kung sino ka talaga.




09/01/2026

bakit mas maganda magstart ng business sa area na madami ng competitors.

Photos from Master Alger's post 20/12/2025

Akala ng iba, kapag dumami ang competitors, sign na saturated na ang market. Pero sa totoo lang, competition is proof of demand.

Walang papasok na negosyo sa isang industriya kung walang bumibili. Walang gagaya kung walang kita. Kapag maraming players sa isang space, ibig sabihin may market na gumagalaw, may audience na handang maglabas ng pera, at may problemang paulit ulit hinahanapan ng solusyon.

Ang totoong problema hindi ang competition. Ang problema ay pare pareho kayo ng positioning. Same offer. Same messaging. Same presyo. Same pangako.

Kung may demand, may opportunity. Ang tanong lang, malinaw ba kung bakit ikaw ang pipiliin?

Hindi kailangan maging pinaka mura. Hindi rin kailangan maging pinaka marami ang features. Kailangan mo lang maging pinaka malinaw sa value mo.

Competition doesn’t kill businesses.
Unclear positioning does.

Kung may competition, good news yan.
Ibig sabihin, may laro.
At pwede ka pang manalo.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Quezon City