07/08/2026
MACABEBE WATER PARK?
Nananatiling lubog sa baha ang kilalang Forbes Park sa Barangay Batasan, Macabebe, nitong Biyernes ng umaga, Agosto 7.
Batay sa mga larawang ibinahagi ng residenteng si Lilibeth Paras, nagmistulang water park ang lugar matapos ang sunod-sunod na pag-ulan na sinabayan pa ng high tide.
Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa pagsuong sa baha dahil maaari itong magdulot ng sakit.
📸 Lilibeth Flores Paras
07/08/2026
INSIDENTE NG PAGKAKURYENTE
Umabot sa 18 insidente ng pagkakuryente ang naitala ng San Fernando Electric Light and Power Company (SFELAPCO) mula June 2025 hanggang July 2026.
Karamihan umano sa mga biktima ay construction workers, roofers, pintor at installers na nagtatrabaho malapit sa mga power line.
Siyam na insidente ang naitala umano noong 2025 at siyam naman mula January hanggang July 2026.
Ilan sa mga biktima ang nakuryente o napaso habang nag-i-install o nag-aayos ng bubong, scaffolding, gutter, railings at iba pang istruktura gamit ang mga metal na tubo at bakal.
May isang worker naman ang namatay matapos umanong tamaan ang primary power line habang nagpapalit ng roof flashing.
Ayon sa SFELAPCO, karamihan sa mga insidente ay dahil sa hindi pagpapanatili ng ligtas na distansya mula sa energized power lines.
Ilan din umano sa mga insidente ay naganap sa mga lugar na walang kaukulang building permit.
Pinaalalahanan ni Atty. Cathy Diaz, spokesperson ng SFELAPCO, ang mga contractor at construction worker na ituring na laging may kuryente ang lahat ng power lines at panatilihin ang tamang clearance.
Hinimok din ang mga ito na makipag-ugnayan muna sa SFELAPCO bago magsagawa ng trabaho malapit sa mga linya at tiyaking may sapat na electrical safety training ang mga worker.
Sa tag-ulan, nagbabala rin ang SFELAPCO na umiwas sa mga natumbang power line at electrical equipment, lalo na sa mga bahaging binaha.
07/08/2026
MALING PAGTAPON NG BASURA
Isang indibidwal ang inisyuhan ng citation ticket matapos mahuling nagtatapon ng basura sa pampublikong lugar sa Malabanias Diversion Road sa Angeles City.
Ayon sa Environmental Management System (EMS), lumabag ang indibidwal sa City Ordinance No. 431, Chapter 30, Section 30-A na nagbabawal sa hindi tamang pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar.
Ang aksyon ay bahagi umano ng kanilang monitoring at enforcement operations bilang pagpapatuloy ng mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang Waterways Task Force ng clearing operations sa mga daluyan ng tubig sa mga barangay ng Amsic, Anunas, at Malabanias, gayundin sa paligid ng Angeles City Hall Compound.
Sa nasabing operasyon, inaliw ang mga naipong basura at iba pang sagabal upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Angeles, sa pangunguna na Mayor Carmelo ‘Jon’ Lazatin II, sa publiko na sumunod sa mga umiiral na ordinansa at magtapon ng basura sa tamang lalagyan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa lungsod.
07/08/2026
SAN SIMON ROAD UPDATE
Nanatiling passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga pangunahing kalsada sa bayan ng San Simon nitong Biyernes, Agosto 7, sa kabila ng bahagyang pagbaha sa ilang lugar.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umabot sa 8 inches ang baha sa Assumpta Road habang 5 inches naman sa Northgrove.
Samantala, pansamantalang isinasara ang Manabak Road mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Pinayuhan ng MDRRMO ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.
📸 San Simon MDRRMO
06/08/2026
HANDA ANG AYUDA
Patuloy umano pag-iimbak at prepositioning ng Family Food Packs (FFPs) at pagmomonitor ng Food and Non-Food Items (FNFIs) ang Department of Social Welfare and Development Region III (DSWD FO-3) sa mga pangunahing bodega nito sa bayan ng San Simon.
Ayon sa DSWD-3, bahagi ito ng paghahanda sa sunod-sunod na banta ng sama ng panahon sa Gitnang Luzon upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng kalamidad.
Layunin umano ng stockpiling at monitoring na mapanatili ang sapat na supply ng relief goods para sa mabilis na pamamahagi sakaling magkaroon ng pagbaha o iba pang sakuna sa rehiyon.
06/08/2026
(UPDATED as of 9:42PM, August 6)
MGA LUGAR NA WALANG PASOK
Mga LGU sa Central Luzon na nagdeklara ng suspensyon ng in-person classes dahil sa pag-ulan:
📍BATAAN
• Province-wide - all levels, public and private
📍 PAMPANGA
• Angeles City - all levels, public and private
• Bacolor - all levels, public and private
• Arayat - all levels, public and private
• Masantol - all levels, public and private
• Mexico - all levels, public and private
• Sto. Tomas - all levels, public and private
• Floridablanca - all levels, public and private
• Magalang - all levels, public and private
• Macabebe - all levels, public and private
• Candaba - all levels, public and private
• San Simon - all levels, public and private
• Porac - all levels, public and private
• Minalin - all levels, public and private
• Guagua - all levels, public and private
• Apalit - all levels, public and private
📍 BULACAN
• Calumpit - all levels, public and private
• Malolos - all levels, public and private
• Angat - all levels, public and private
• San Jose del Monte - all levels, public and private
• Bustos - all levels, public and private
• Baliwag - all levels, public and private
• Pulilan - all levels, public and private
I-refresh ang page na ito para sa pinakabagong update.
06/08/2026
PAGHAHANDA LABAN SA SAKUNA
Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Angeles City ng flood mitigation works sa Sapang B***n Creek sa Barangay San Nicolas nitong Miyerkules, August 6.
Personal na ininspeksyon ni Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II ang mga isinasagawang hakbang ng City Engineer’s Office (CEO) bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa pag-ulan at pag-iwas sa pagbaha.
Kabilang sa mga isinagawa ang sandbagging, rechanneling, at slope protection works upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pag-apaw ng creek.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng proyekto na maprotektahan ang mga komunidad na nasa paligid ng Sapang B***n Creek laban sa posibleng pagbaha.
Patuloy rin umanong nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang tanggapan upang matiyak ang agarang pagpapatupad ng mga flood mitigation measures at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente sa gitna ng masamang panahon.
05/08/2026
WALANG PASOK SA PAMPANGA
Suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa Pampanga, NCR at 21 pang probinsya sa Huwebes, August 6, 2026.
Batay sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President, kabilang sa mga apektadong lalawigan ang Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro.
Ipinatupad ang suspensyon dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng pinalakas na Southwest Monsoon, kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Binigyang awtoridad naman umano ang employer sa pribadong kumpanya at tanggapan ang pagsuspinde ng trabaho para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
05/08/2026
(UPDATED as of 10:50PM, August 5)
MGA LUGAR NA WALANG PASOK
Mga LGU sa Central Luzon na nagdeklara ng suspensyon ng in-person classes dahil sa pag-ulan:
📍BATAAN
• province-wide, all levels, public and private
📍 Nueva Ecija
• province-wide, all levels, public and private
📍 Tarlac
• Capas - all levels, public and private
• La Paz - all levels, public and private
• Bamban - all levels, public and private
• Concepcion - all levels, public and private
• Paniqui- all levels, public and private
📍 PAMPANGA
• San Simon - all levels, public and private
I-refresh ang page na ito para sa pinakabagong update.