Jazz Of All Trades

  • Home
  • Jazz Of All Trades

Jazz Of All Trades Everything under the sun 👋🏽

25/08/2026

"The Last Poem of Helplessness"

Did you see me?
No, you didn't see me.
Did you notice me?
No, you didn't notice me.
Did you ignore me?
Yes, you ignored me.

They only see your appearance
Until they see your scars

They will not notice your pain
Until you become insane

They ignore while you were crying
Until they see you wiping

They will not see you bleeding
Until you show your cutting

They will not notice your "I'm not fine"
Until they see you flat line

They ignore that you're begging for help
Until you sacrifice your health

They will not see your situation
Until they just see your action

They will not notice your sorry
Until they see your name in obituary

They ignore your presence
Until they receive condolence

They will see you as an option
Until you drink the poison

They will not notice that you're not bitter
Until you go to the bridge and jump onto the river

They will ignore your whimper
Until you get the gun and pull the trigger

They will only see you laughing
Until they see you in a coffin

They will not notice that you're holding on
Until they see you on ceiling hanging on

They will ignore that you're dying inside
Until you commit su***de.

People tend to show first the hate
And show that care about you
Or love you
When it's too late

Finally, I see forever
Six-feet under.

And I guess it's all done
When I'm gone.

Please don't cry
Thank you and goodbye.

-Elias Tagapagligtas






17/08/2026

Pano Kung Wala Na Ako?

Ang mga puno ay namamatay
Kasama ang mga dahon at tangkay
Tulad sa ating mga taong nabubuhay
Di mo alam kung kailan mawawalay

Pano kung isang araw ako'y biglang mawala?
Ako ba'y hahanapin mo pa kaya?
Tulad ng isang gamit na mahalaga
Na minsan iyong isinantabi at binalewala

Oras ay di mo na maibabalik at maaagaw
Tulad nang aking pagkawala't pagpanaw
Ako'y di na babalik, na tulad nang pagsikat ng araw
Na kahit pa ang anino ko'y di mo na matatanaw

Di mo na makikita aking ngiti at tawa
Mga halakhak nung tayo'y magkasama
Mga bungisngis sa tuwing ako'y maligaya
Na minsa'y sasagi sayong isip pag ika'y nag-iisa

Mga tula ko'y di mo na muling mababasa
Mga likhang sining na ako ang may gawa
Lahat ito'y di mo na makikita
Tulad nang aking pagkawala

Masaya ka ba sa aking huling binagay na halik?
Masaya ka ba ngayong di mo na ko makikita ulit?
Masaya ka ba ngayong wala na sayong mangungulit?
Masaya ka ba ngayong di na ko muling babalik?

Masaya ka ba sa huli na'ting pagkikita?
Masaya ka ba sa huli nating pag-uusap?
Masaya ka ba nung huli tayong nagkasama?
Masaya ka ba ngayong ako'y wala na?

Ngayon mo lang ba maiisip na sana ang kama'y ko'y di mo binitawan pa
Nung huli tayong nagkita at nagkasama
Ngayon mo lang ba makikita ang aking halaga
Ngayong ako'y hindi na humihininga

-Elias Tagapagligtas






14/08/2026

"Ayoko Sa Tulang Ito"

Sa bawat linya, ikaw ang naaalala,
Sa bawat saknong, sugat ay nagbabalik pa.
Akala ko’y alaala lang na lilipas sa hangin,
Pero bakit ikaw pa rin ang laman ng damdamin?

Ayoko na sa kantang minsan kong paborito,
Dahil bawat salita’y ikaw ang tinuturo.
Bawat nota’y parang bulong ng nakaraan,
Na kahit lumayo ka, hindi kita maiwan.

Pinilit kong patayin ang tunog sa paligid,
Pero mas lumalakas ang puso kong nananaghoy.
Tinakpan ko ang tenga, pumikit sa dilim,
Ngunit mukha mo pa rin ang aking nakikita sa panaginip.

Kung ang tulang ito’y alaala ng pagmamahal,
Bakit kailangan nitong maging sanhi ng dalamhati?
Siguro dahil may mga tulang hindi naman talaga masama—
Masakit lang dahil ikaw ang kasama sa bawat salita.

Kaya kapag nababasa ko muli ang tula na iyon,
Hindi na kita hahanapin sa bawat linya.
Hahayaan kong matapos ang tula,
Kasabay ng pagbitaw ko sa ating kahapon.

At balang araw, marahil kaya ko nang sabihin:
“Gusto ko ang tulang ito.”
Dahil sa wakas, ang bawat linya at alaala
Ay hindi na tungkol sa’yo—
Kundi tungkol sa akin,
Na natutong magmahal…
At higit sa lahat,
natutong magpaalam.

Ayoko sa tulang ito...
Dahil ito ay sinulat ko para sayo...

-Elias Tagapagligtas






12/08/2026

Sometimes can't handle pain even if I'm driving.

12/08/2026

A night to remember 😵‍💫😮‍💨

#𝗟𝗔𝗟𝗔𝗠𝗢𝗩𝗘

11/08/2026

"Paalam, Kahit Masakit"

Sa bawat gabing tahimik at malamig,
Hinahanap ka pa rin ng aking mga mata,
Parang ang puso’y ayaw pang umamin,
Na ang dating “tayo” ay wala na.

Ang mga pangakong minsang binitiwan,
Ngayon ay alaala na lamang,
Mga salitang puno ng pagmamahalan,
Unti-unting nilamon ng nakaraan.

Hindi ko alam kung saan tayo nagkulang,
Kung kailan nagsimulang magbago ang lahat,
Basta isang araw, paggising ko’y wala ka na,
At naiwan akong yakap ang mga sugat.

Kung ang paglayo ang iyong kailangan,
Hindi na kita pipigilan pa,
Kahit bawat hakbang mo palayo sa akin
Ay parang unti-unting pinapatay ang pag-asa.

Sana sa panibagong bukas na iyong tatahakin,
May taong tunay na magpapasaya sa’yo,
At kung minsan ay maalala mo ang kahapon,
Sana maalala mong minahal kita nang buo.

Kaya ito na ang huli kong sasabihin—
Hindi dahil ayaw na kitang mahalin,
Kundi dahil natutunan kong minsan,
Ang tunay na pagmamahal ay marunong ding umalis.

Paalam.

Hindi ito dahil wala na akong nararamdaman,
Kundi dahil ayaw ko nang hawakan ka
Sa isang pusong matagal nang gustong lumaya.

At kung sakaling muli tayong pagtagpuin ng panahon,
Sana wala nang sakit sa pagitan nating dalawa.
Ngunit sa ngayon, kailangan ko nang tanggapin—
Minsan, ang pinakamahirap na “mahal kita”
ay ang pagsasabi ng “paalam.”

-Elias Tagapagligtas






09/08/2026

Different hard work! 💻 💪🏽
👉🏽Statistician
👉🏽Gym rat


09/08/2026

"Lilim"

Ang Kaginhawahan ay sayo ko lamang natagpuan
Kinupkop mo ako nang walang wika at sapilitan
Ngunit ang mundo ay nagbabago nang di inasahan
Nasira ang mapayapang silid ng katahimikan
Na kahit anong gawin ay ako ang siyang dahilan
Mga bagay ay akala ko ay walang katapusan
Ngunit lahat pala ng may umpisa ay may hangganan
Aalis muna ako at pamsamantalang lilisan
Aayusin ang sarili upang di magkasakitan
Sa lilim mo ay babalik—tuloy ang pagmamahalan.

-Elias Tagapagligtas





08/08/2026

Kung Sakali...

Kung sakali ako'y mawawala nang mas maaga,
Maraming salamat sa lahat ng aking nakilala.

Para sa aking mga kababata na nakasama simula pagkabata,
Di man lahat ay nakakatawid tulad ng mga bangkang papel sa sapa
Sana manatili sa inyong alaala ang mga halakhak at tawa,
Sa bawat paglipas ng panahon ako'y inyong kasangga

Para sa aking mga kaibigan na bihira ng makasama,
Di man' tayo madalas nagkikita-kita
Sana ipagpatuloy niyo ang ikot ng baso sa lamesa
Di man' ako kasamang tatagay, sa paglalakbay ko na lang isasama ang serbesa

Para sa aking kamag-anak at kapamilya,
Mula sa musmos na walang pang muwang na bata
Kayo ang sa pag-iisip at pagkatao ko ang humulma
Masaya akong naging parte kayo ng aking pagtanda.

Para sa nag-iisang babaeng tumanggap sakin ng buo, aking asawa,
Patawad dahil di ko matutupad ang pangakong magkasama tayong tatanda
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa buhay ko simula nang ikaw ay makilala
Maraming salamat sa lahat at mahal na mahal kita.

Para sa aking mga supling na sakin ay nagpapasaya,
Sana lumaki kayong maayos at walang sakit na iniinda
Patawad at hindi ko na kayo maalagaan pa
Palagi pa rin naman kayo sa puso ko at di mawawala

Maraming salamat at paalam sa lahat. Hanggang sa muling pagkikita.

-Elias Tagapagligtas





08/08/2026

*Sinagupa yung ulan
*Tinangay ng Hangin
*Nasira yung chord ng charger
*Nalobat
*Mauubusan na ng gas tapos walang gasoline station na makita
*Muntik masemplang
*Nakipaggitgitan sa mga bus at truck
*Nasa malayong lugar
*Ihing-ihi na
*Gutom
*Pagod
*Nagbreakdown

Pero palag dahil may Diyos na kinakapitan!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jazz Of All Trades posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility?

Share