ACT Cordillera

Call Contact the business

ACT Cordillera Alliance of Concerned Teachers - Cordillera

We are the regional chapter of the largest progressive, militant, and nationalist organization of teachers, academic non-teaching personnel and non-academic non-teaching personnel in the country—working for the economic and political well-being of education workers and genuine social transformation.

MGA TITSER NG BAYAN, MAKISAMA SA PAGGUNITA AT PAGKILOS!54 na taon matapos ideklara ang Batas Militar, hindi natin kinaka...
19/09/2026

MGA TITSER NG BAYAN, MAKISAMA SA PAGGUNITA AT PAGKILOS!

54 na taon matapos ideklara ang Batas Militar, hindi natin kinakalimutan ang kasaysayan ng pasismo at paglaban ng mamamayan. Sa gitna ng patuloy na korapsyon at kahirapan, tungkulin nating mga g**o na hindi lamang pag-aralan at ituro ang kasaysayan ng Batas Militar, kundi magmulat, mag-organisa at magpakilos sa loob at labas ng silid-aralan, at makibahagi sa pagbago ng bulok na sistemang patuloy na nagpapahirap sa mamamayan.

Ngayong Lunes Setyembre 21, sama-sama nating bahain ng protesta ang mga korap at pahirap! Singilin ang mga korap at pasista! Kumilos at makisangkot!

1PM: AKLAS (Martial Law Alternative Classes) sa UP Baguio
5PM: Assembly sa UP Baguio

Kita-kits, Ma'am at Sir! 👩‍🏫👨‍🏫



Lubog na naman sa baha ang ating mga komunidad at paaralan pero wala pa ring napapanagot sa malawakang korupsyon! Batay ...
02/09/2026

Lubog na naman sa baha ang ating mga komunidad at paaralan pero wala pa ring napapanagot sa malawakang korupsyon!

Batay sa opisyal na datos ng Department of Education (DepEd), nasa 9,869 classrooms na ang napinsala ng mga bagyo, kabilang ang 5,731 classrooms na may minor damage, 2,055 na may major damage, at 2,083 na tuluyang nawasak. Maliban pa dito, mahigit 348 na paaralan naman ang ginagamit bilang evacuation centers. Nasa anim na milyong estudyante sa buong bansa ang naantala ang pagkatuto. Sa rehiyon ng Cordillera, hindi bababa sa tatlong pampublikong paaralan ang gumuho; kalakhan ng mga estudyante, kanilang pamilya, at mismong tahanan ay apektado ng pagguho ng lupa, pagbaha, pagkawala ng kuryente, at limitadong access sa mga batayang serbisyo sa gitna ng kalamidad.

Habang ganito ang kalagayan ng ating komunidad at paaralan, ₱107.4 bilyon sa panukalang 2027 badyet ay ilalaan sa infrastructure tulad flood control projects. Ang prayoridad ni Marcos Jr. na maglaan ng malaking bahagi ng pambansang badyet sa flood control projects at pambayad utang ay malaking insulto sa mamamayang lubog na nga sa baha, lubog pa sa kahirapan.

Ang mga g**o at mamamayan ay hindi tutol sa pagresolba sa malawakang pagbaha, ngunit malinaw pa sa sikat ng araw na sa bulsa na naman ng iilan mapupunta ang malaking badyet na ito. Manipestasyon nitong hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot na 'big fish' sa malawakang korupsyon at nananatiling ligtas sa paglilitis ang mga nasa tuktok.

Ramdam na ramdam ng mismong rehiyon ang pagpapabaya ng estado sa serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon. Batay sa ulat ng MAKABAYAN, aabot na lang sa 700 na klasrum ang target na ipatayo ng gobyerno sa susunod na taon at mas mababa mula sa target na 4,869 noong 2026. Bukod pa rito, 49 sa 113 na State Universities and Colleges ang makakaranas ng tapyas sa kanilang badyet.

Kalunos-lunos ang krisis na kinahaharap ng sektor ng edukasyon at bayan, kaya’t marapat na tumindig ang mga g**o at kawani. Agarang tugon at ayuda, mabilis na pagkukumpuni sa mga nasirang pasilidad, at sapat na pondo para matiyak na hindi na higit pang maaantala ang pagkatuto ang dapat tugunan ng pamahalaan. Mula rito, muling iginiit ng ACT Cordillera, ang pananagutan sa malawakang korupsyon mula sa itaas, ang pagbawi sa ninakaw na pondo sa publiko, at maglaan ng makabuluhan at sapat na pondo para sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan!


01/09/2026

2 MIN READIn separate protest actions, senior citizens in Baguio and the public school teachers union in the Cordillera demanded accountability, higher education funding and better public services ahead of President Ferdinand Marcos Jr.’s fifth State of the Nation Address on July 27.

01/09/2026

Address

Rimando Road
Baguio City
2600

Telephone

+639283765215

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACT Cordillera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ACT Cordillera:

Shortcuts

Share