03/06/2026
Michelin Birria.🌮
First time going to Bago pa sila naging Michelin-selected, gusto ko na talaga itong ma-try.
Got the Quesa Birria. Meaty and savory, with a nice crisp on the taco. The consommé was more like a broth, but still flavorful. Gets ko yung hype. 😅
Folding bike-friendly sila, although wala akong napansing bike rack. Busy yung place and I got a seat at the bar, which was okay.
Anyway, nasa area ako for an errand. Dumaan din ako ng Quirino Ave. Walang tree cutting, pero tuloy parin clearing work.
After that, diretso na sa Taytay, Rizal para kunin yung Courier Offgrid shirts. Wala akong picture kasi na-busy kami chika. 😅
Biked around 50km, more or less, using the Friend Trifold.
Happy World Bicycle Day! 🚲⚡️
02/06/2026
“Galing boss ah.”
A passerby said that while I was pushing a Friend Trifold through Marketplace at Opus Mall.
Even after years of using folding bikes, I still get a kick out of being able to do errands like this. Ride there, fold up, do what I need to do, and head home. They make everyday trips easy.
Loaner bike ito from Popcycle. Mas maganda ang pushing experience nito kapag may omni-wheel upgrade, lalo na kapag kumukuha ng video at isang kamay lang ang gamit.
16/05/2026
We joined ’s “Takbo at Padyak Laban sa Bully” this morning with , , , and . Started at Parklinks, C5, Marcos Highway, Amang Rodriguez Ave, then back.
Natuwa ako getting a token medal sa finish line while using an e-bike. Brought the Fiido L3+ today para chill pace lang and makatipid ng energy since may mga gagawin pa after.
Nice ride, good conversations, and a good way to spend the morning. Sa uulitin.
15/05/2026
Three Fiidos in one rack. Hindi ko kasama yung mga yan, nagkataon lang na magkakatabi kami nag park sa baba sa likod ng Ayala Malls Feliz .
Wala lang, nakakatuwa lang makita. Parang simple reminder na paunti-unti, mas maraming gumagamit ng bikes and e-bikes for everyday trips and quick errands.
Dati I’d usually park near the entrance by Mary Grace kapag may mabilis lang akong gagawin. Sobrang convenient kasi and easy to access, kaya medyo sayang lang nawala yung spot na yun.
Pumunta din ako today sa St. Luke’s BGC for a quick errand. Naalala ko pre-pandemic, isang rack lang nasa B4/B5. Ngayon nasa B1 na, mas accessible, mas marami nang racks, at marami na ring gumagamit. Also, napakahirap mag park diyan kung nakakotse, kaya kung maaari, naka-bike talaga ako kapag pupunta diyan.
Last pic sa Circuit Corporate Center sa Circuit Makati. Sa tapat mismo ng entrance yung parking. Simple thing, pero malaking bagay talaga kapag convenient at visible yung bike parking.
Na-aappreciate ko whenever places make small improvements like these because they genuinely help encourage more practical and sustainable ways of getting around. Minsan may mga paurong din, pero hopefully tuloy-tuloy lang yung progress.
Maliit na bagay lang minsan yung bike parking, pero malaking factor din siya in making bikes and e-bikes feel like a normal and practical part of everyday mobility.
🚲⚡️Fiido L3+ | C11 | D2S