Coach Paulo - The Introvert Realtor

Coach Paulo - The Introvert Realtor

Share

Whispering Success, One Deal at a Time: Embrace the Introvert Advantage.

21/06/2026

Today, we celebrate not just what you do, but who you are. Isang haligi, gabay, at inspirasyon.

Happy Father's Day! Nawa'y suklian kayo ng kaligayahan, mabuting kalusugan, at maraming biyaya kasama ang inyong mga mahal sa buhay. 🙏💙

18/06/2026

Kung wala ka pang pambili ng bahay, baka oras na para kumita sa industriyang nagbebenta nito. PM me 🏆

Photos from Coach Paulo - The Introvert Realtor's post 16/06/2026

“Minsan, hindi nasusukat ang halaga ng isang usapan sa dami ng nakikinig.”

Tonight, nagkaroon kami ng Career Orientation in Real Estate via Zoom Webinar.

At alam mo kung ilan ang umattend?

Apat.

Sa social media, madaling isipin na konti lang iyon.
Madaling ma-discourage at isipin na baka hindi worth it.

Pero habang tumatagal ang usapan, narealize ko ulit..

Hindi mo kailangan ng maraming tao para magkaroon ng meaningful na discussion.

Minsan, sapat na yung apat na taong genuinely curious.
Yung nagtatanong.
Yung interesado matuto.
Yung gustong malaman kung paano ba talaga ang mundo ng real estate.

At bilang mentor, natutunan ko rin na ang commitment hindi sinusukat kapag puno ang Zoom room.

Nasusukat ito kapag iilan lang ang dumating pero ibinibigay mo pa rin ang best mo.

Kasi hindi mo alam.

Baka yung isang taong nakinig ngayong gabi…

Siya pala yung magiging top seller balang araw.

Baka yung isang simpleng orientation…

Maging simula pala ng pagbabagong hinahanap niya.

Kaya kung may pangarap kang ibahagi, may gusto kang ituro, o may gusto kang simulan,

Huwag mong hintayin na marami muna ang maniwala.

Minsan, sapat na ang iilan.

Dahil lahat ng malalaking bagay…

Nagsisimula rin naman sa kakaunting tao na willing sumubok.

Photos from Coach Paulo - The Introvert Realtor's post 16/06/2026

𝐌𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐧𝐬𝐚𝐧, 𝐛𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐮𝐦𝐚𝐚𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝 𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐲𝐚?

Kasi sa totoo lang…

Hindi ka naman talaga matatapos matuto.

May mga panahon na feeling mo alam mo na ang ginagawa mo.
May mga pagkakataon na maganda ang takbo ng trabaho at pwede ka nang makuntento.

Pero ang problema sa pagiging kampante—

Habang ikaw tumitigil matuto, may ibang taong patuloy na nag-iimprove.

Kaya ngayong araw, naging bahagi kami ng Sales Master Seminar.

Hindi dahil kulang kami.

Kundi dahil gusto naming mas gumaling pa.

Mas maintindihan ang market.
Mas mapahusay ang paraan ng pakikipag-usap sa tao.
Mas maging handa sa pagbabago ng industriya.

Dahil ang growth hindi nangyayari nang isang beses lang.

Pinipili mo ito araw-araw.

Sa bawat librong binabasa.
Sa bawat mentor na pinakikinggan.
Sa bawat seminar na inaattendan.
At sa bawat pagkakataong inaamin mong…

“Marami pa akong pwedeng matutunan.”

At siguro iyon ang isa sa mga pinakamahalagang investment na pwede mong gawin—

Hindi lang sa negosyo.

Kundi sa sarili mo.

Dahil kapag hindi ka tumitigil mag-improve,

Hindi mo lang binabago ang resulta mo.

Binabago mo rin ang klase ng taong nagiging ikaw. 🚀📚

Photos from Coach Paulo - The Introvert Realtor's post 15/06/2026

“Akala ng karamihan, tapos na ang trabaho namin kapag nakapagpa-reserve na ang buyer.”

Pero sa totoo lang, doon pa lang nagsisimula ang mas mahalagang parte.

Kaya today, nagkaroon kami ng Documentation Seminar para sa aming partner sellers.

Hindi lang para matuto kung paano magbenta.

Kundi para mas maintindihan ang buong proseso, mula reservation, requirements, documentation, hanggang sa pagkuha ng susi ng bahay ng isa ng buyer.

Dahil naniniwala kami na ang pagiging mahusay na real estate professional ay hindi nasusukat sa dami ng nabebenta.

Nasusukat ito sa kakayahan mong gabayan ang kliyente sa bawat hakbang ng journey nila.

May mga buyers na first time bumili.
May mga nalilito sa requirements.
May mga nangangamba kung maa-approve ba ang loan nila.

At bilang mga real estate professionals, responsibilidad naming hindi lang sila bentahan…

Kundi samahan sila hanggang maabot nila ang pangarap nilang magkaroon ng sariling tahanan.

Dahil para sa amin,

Hindi natatapos sa reservation ang serbisyo.

Ang tunay na serbisyo ay yung alam mong sasagutin mo pa rin ang tawag ng buyer kahit tapos na ang bentahan.

At marahil iyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat matutunan sa real estate,

Hindi lang kung paano magbenta.

Kundi kung paano maging gabay sa isa sa pinakamalalaking desisyon sa buhay ng isang tao. 🏡✨

Photos from Coach Paulo - The Introvert Realtor's post 15/06/2026

“A team with talent can win games, but a team with a clear direction can build a legacy.” 💙

Alignment Meeting with Team Powerhouse Core Group together with Ms. Leah Cnc of AXEIA Batangas 2.

From preparing for our upcoming Open House at AXEIA San Jose and Sto. Tomas this weekend to discussing our mid-year plans, today was all about asking ourselves: Where are we now? Where are we going? And how do we finish 2026 stronger together?

The next six months will be defined by the decisions we make today. Excited to see every team member grow, step up, and move closer to their goals.

Photos from Coach Paulo - The Introvert Realtor's post 15/06/2026

Successful Weekend at AXEIA Batangas Projects 🏡

What a productive weekend for our team!

From actual site trippings to virtual trippings, we were able to assist future homeowners from different places and help them explore their options at our AXEIA Batangas Projects.

Nakakatuwa makita na kahit iba-iba ang sitwasyon ng bawat client—may nakakapunta sa site, may online muna—iisa lang ang goal: makahanap ng tamang bahay para sa kanilang pamilya at future.

Thank you to our dear clients for your trust and for allowing us to be part of your homebuying journey. And of course, thank you to our team for showing up and giving their best every single day.

Whether face-to-face or virtual, tuloy lang tayo sa pagtulong sa mas maraming pamilyang magkaroon ng sariling tahanan. 💚🏠

15/06/2026

A few months from now, you'll either be thankful for the decisions you're making today...

or you'll be wishing you started sooner.

The truth is, most people focus too much on today's results.

Pag mabagal ang benta ngayon, nawawalan ng gana.

Pag walang reply ang client, humihinto.

Pag mahirap ang sitwasyon, nagdadalawang-isip.

But successful people think differently.

They understand that today's actions are creating tomorrow's reality.

Every follow-up.
Every meeting.
Every skill you learn.
Every connection you build.
Every sacrifice you make.

Hindi agad nakikita ang resulta.

Pero parang pagtatanim yan.

The harvest is always delayed.

That's why many people quit too early.

They stop watering the seeds because they don't see the fruits yet.

But one day, all the calls, all the efforts, all the preparation, and all the discipline start paying off.

And people will call it "luck."

What they didn't see were the plans, habits, and actions that were made long before the success arrived.

Your future is not being decided tomorrow.

It's being decided today.

Photos from Coach Paulo - The Introvert Realtor's post 11/06/2026

Another successful 2 New Partners Orientation in the books today! 💻✨

Had the chance to connect with 20 enterprising individuals in Batangas and Pampanga na gustong pumasok sa rewarding world of real estate.

Nakaka-excite makita yung drive at willingness nilang matuto at mag-grow sa industry na ‘to.

From zero to hero, from curious to committed—this is where it all begins. Let’s build your real estate journey together! 🏡

09/06/2026

Knowledge grows when it is shared. Ang tagumpay ng iba ay hindi kabawasan sa tagumpay mo.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility?