Ako si Liza, 12 years nang nakauwi for good. Ikaw, kabayan , anong number ang pinaka tumama sa’yo? 👇
OFW to VA Career Journey
OFW to VA Career Journey - tips, stories, resources, digital products
kabayan kung may utang ka abroad, check this out.
Ang ipon mo hindi emergency fund ng iba.
Pinaghirapan mo ‘yan.
Hindi lang pera ang binayad mo—oras, pagod, at mga missed moments.
Mga birthday na naka-video call lang.
Mga yakap na “soon na lang.”
Mga araw na gusto mo nang umuwi pero pinili mong magtiis… kasi ikaw yung provider.
Kaya oo—okay lang tumulong.
Kung may extra. Kung kaya. Kung bukal sa loob.
Pero hindi mo kailangang saluhin lahat.
Hindi mo kailangang maubos para lang masabing “mabuti kang anak / kapatid / asawa.”
Kasi kapag ikaw ang naubos… ikaw din ang unang mawawalan ng panghawak.
At ito yung totoo:
KAILANGAN ANG BOUNDARY
para protektado ang ipon mo,
para may buffer ka,
para may plano ka,
para may lakas kang umuwi…
FOR GOOD.
Hindi ito pagiging madamot.
Hindi ito pagtalikod sa pamilya.
Ito yung pagprotekta sa future ninyong lahat—para dumating yung araw na hindi ka na “nagsusustento lang”… kasama ka na. present ka na.
Kabayan, ito yung pumipigil sa'yo para makauwi for good at makasama ang pamilya mo for good.
Tag your OFW friend na masipag mag-overtime thank you.
When is the best time to start building your Plan B? POV, habang hindi ka pa napipilitan....
May mga decisions na akala natin “later na lang.”
Pero minsan, yung “later” nagiging “napilitan”—biglaan, stressful, at parang wala ka nang choice.
Naalala ko noon, OFW pa ako. May work, may routine, may sweldo…
pero may tahimik na tanong sa loob ko: “Hanggang kailan ko ‘to kakayanin?”
Hindi naman ako sobrang ready. Pero alam ko: ayoko dumating sa point na panic na ang galaw ko.
Kaya ito yung tanong:
Kailan best mag-start ng Plan B?
Habang employed ka pa. Habang may Plan A ka pa.
Hindi kailangan malaki agad.
Minsan ang pinaka-brave na start… yung maliit pero consistent.
I made a short video about this (mabilis lang ‘to, promise).
Watch now 👇
Kabayan, Monday nanaman bukas! Kung tinatamad ka nang pumasok sa work, don't worry hindi ka naman talaga tamad. Baka may mga signals ka na, na kailangan mo ng mag-change career for the better.
Watch to know the signs and I also shared what you can do towards the end of the video.
Share so your OFW friends will also know if it's already time for brave career shift for good.
Are you an OFW Parent? Ito yung sign na hindi na padala ang kulang, mas kailangan ka ng anak mo kaysa gifts. That's why it's time to consider bravely shifting your life and your career.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Sydney, NSW