03/08/2026
JUST IN 🎾 Tennis | Alex Eala 🇵🇭 defeats Jessica Pegula 🇺🇸 to capture the WTA 500 Mubadala DC Open 2026 title 🏆!
This is Eala’s first WTA (500) title! A history made! She is the first Filipina to win a WTA title!
The match ended, 4-6, 6-4, 6-0!
Mabuhay!!!
📸 Screengrab via Premiere Sports 2
05/06/2026
Nag-viral ang isang pasahero matapos tumangging ibigay ang kanyang upuang nasa tabi ng bintana sa isang bata habang nasa biyahe, na nagpasiklab ng matinding debate sa social media.
Ayon mismo sa lalaki, nagsimulang magreklamo sa kanya ang ina ng bata at inirekord pa siya dahil ayaw niyang isuko ang upuang binayaran niya nang maaga. Gayunman, ang naging sagot niya ang tuluyang umani ng matinding atensyon sa internet: “Hindi laging nangyayari ang buhay ayon sa gusto natin.” Iniulat din na sinabi niya sa babae na, “kung gusto niya ang upuang iyon para sa kanyang anak, dapat binili na niya iyon sa simula pa lang.”
Ipinaliwanag ng pasahero na partikular niyang pinili at binayaran ang upuang iyon, at iginiit na mahalaga ring ituro sa bata na hindi mo laging makukuha ang lahat ng gusto mo. Habang may ilang bumatikos sa kanya dahil sa kakulangan umano ng empatiya, libo-libong users ang dumepensa sa kanya sa social media.
04/06/2026
Grabe, mga kabayan! Isang Pinoy ang naaresto sa Kuwait matapos umanong magnakaw sa isang money exchange branch sa Al Shaab area. Ang nakuha? Halos KD 21,000 o katumbas ng halos APAT NA MILYONG PISO! Hindi biro ang halaga at mas hindi biro ang ginawa-pumasok daw ang suspek na naka-maskara, may pekeng baril, at nagbanta pa sa mga empleyado bago tumakas dala ang pera.
Pero ang mas nakakagulat? Ang bilis ng pagkahuli sa kanya! Sa loob lang ng maikling panahon, natunton agad ng mga awtoridad ang suspek gamit ang kanilang imbestigasyon, surveillance systems at modern security technology. Walang takas! Hindi ito pelikula kung saan makakalusot ka sa batas. Ang Kuwait at iba pang Gulf countries, ay may napakahigpit na batas at napaka-advance ng kanilang security system. Isang maling hakbang mo lang, goodbye freedom, goodbye kinabukasan!
Mga kabayan ko, alam kong hindi madali ang buhay sa abroad. May mga utang, may pamilya sa Pilipinas na umaasa, may stress, may problema! Pero HINDI ito dahilan para piliin ang landas ng krimen.
Nakakalungkot din na kapag may isang Pilipinong nasasangkot sa ganitong kaso, nadadamay din ang reputasyon ng libu-libong OFWs na araw-araw na marangal na nagtatrabaho at nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya. Pero ganun pa man ay patuloy natin ipakita ang tunay na galing at sipag ng Pilipino, hindi ang pagiging sangkot sa mga masasamang gawain.
Sana magsilbi itong matinding paalala sa lahat na HINDI sulit ang easy money kung kapalit naman ay kalayaan, kinabukasan at pangalan ng iyong pamilya.
Mag-ingat po tayong lahat at patuloy nating ipakita kung bakit kilala ang Pilipino sa sipag, tiyaga at pagiging marangal, kahit saan mang panig tayo ng mundo naroroon. Stay safe mga kabayan! 🙏
References:
[1] Filipino Expat Nabbed After KD 21,000 Armed Robbery - Arab Times
[2] Security officers arrest armed robbery suspect - Kuwait Times
04/06/2026
Grabe na ang tax sa Pilipinas. Makakuba na. Tax sa lupa. Tax sa bahay. Tax sa suweldo. Tax sa negosyo. Tax sa other income. VAT. Toll fees sa paggamit nang maayos na daan. Terminal fees sa paggamit ng airport. Travel tax. Ngayon naman may extra na naman na babayaran para lumabas at pumasok ng Pilipinas. Grabe! Walang palya. Okay lang sana di ba kung maayos naman ang serbisyo ng gobyerno sa taong bayan pero susme wala namang kuwenta. Walang maayos na facilities, infra at healthcare. Ang galing-galing maghanap nang ipapataw na tax sa taong-bayan para may perang makukurakot ang mga gahaman sa maleta. Grabe ka walang-hiya itong admin ni BBM tapos gusto pang i-extend ang termino. Nakakagigil na sa galit. 🤬