27/09/2026
ANG JOURNEY SA PAGYAMAN AY PARANG BYAHE SA TRAIN
Sa umpisa, hindi mo agad makikita kung saan ka dadalhin ng journey mo. Ang mahalaga, sumakay ka at nagsimulang bumiyahe.
May mga station na kailangan mong pagdaanan,
may mga araw na excited ka, may mga araw na pagod ka, at may mga pagkakataong gusto mo nang bumaba dahil parang ang bagal ng progress.
May mga taong sasakay kasama mo pero bababa rin sa ibang station. May mga taong makakasama mo sandali, at may mga taong mag i-istay.
Sa journey naten sa pagyaman, ganun din.
May mga taong hindi maniniwala sayo. May mga taong tatanggi. May mga taong tatawa. Pero mayroon ding mga taong sasakay, maniniwala, matututo, at makikipagsabayan sayo hanggang sa marating ninyo yung pag-yaman
Huwag mong ikumpara ang biyahe mo sa biyahe ng iba.
Baka ikaw ay nasa unang station pa lang, habang ang iba ay matagal nang bumiyahe.
Hindi to pabilisan, ito ay patibayan
Ang mahalaga ay tuloy tuloy ka
Patuloy kang matuto.
Patuloy kang kumilos.
Patuloy kang mag-build ng relationships.
Patuloy kang tumulong sa iba.
At higit sa lahat, huwag kang bumaba dahil lang hindi mo pa nakikita ang destination.
Dahil sa journey ng pag yaman, hindi lang pera ang destination.
Kasama sa journey ang personal growth, disiplina, leadership, at pagkakataong mabago ang buhay mo at ng ibang tao.
Tuloy lang sa byahe. At huwag matakot sa haba ng journey.
Dahil balang araw, lilingon ka at masasabi mong...
“Buti na lang, hindi ako bumaba sa maling station.” 💯🔥