06/08/2026
Marami ang may maling akala na sa Kindergarten ay nagkukulay, nagte-tracing, sumasayaw, kumakanta, at naglalaro lang. Ang totoo, ang lahat ng ito ay mga estratehiya sa pagkatuto na nakabatay sa DepEd Kindergarten Curriculum at angkop sa edad ng mga bata.
Ano ba talaga ang ginagawa sa Kindergarten?
Hindi po "laro lang" ang Kindergarten.
Sa murang edad, ang laro ang pangunahing paraan ng pagkatuto ng bata. Kaya ang pagkanta, pagsayaw, pagkukulay, pagte-tracing, paggupit at pagdidikit ay hindi pampalipas-oras lamang. Bawat gawain ay may tiyak na layunin sa paghubog ng bata.
🎵 Pag-awit at Pagsayaw
Nagpapalawak ng bokabularyo.
Nagsasanay sa pakikinig at pagsunod sa panuto.
Pinauunlad ang koordinasyon ng katawan at kumpiyansa sa sarili.
🎨 Pagkukulay, Pagguhit, Pagte-tracing, Paggupit at Pagdidikit
Pinapalakas ang fine motor skills na kailangan sa pagsusulat.
Hinahasa ang koordinasyon ng mata at kamay.
Pinapaunlad ang pagkamalikhain at konsentrasyon.
🧩 Paglalaro
Natututo ang bata sa pagbabahagi, paghihintay ng turno, pakikipagkaibigan, at paglutas ng problema.
Nahuhubog ang kanilang pag-iisip, emosyon, at pakikisalamuha.
📖 Storytelling at Pag-uusap
Pinayayaman ang wika at imahinasyon.
Hinuhubog ang tamang asal, pagpapahalaga, at pagmamahal sa pagbabasa.
🏃 Movement Activities
Pinapalakas ang katawan, balanse, koordinasyon, at kalusugan.
❤️ Values Formation
Araw-araw ding tinuturuan ang mga bata ng paggalang, disiplina, kalinisan, pananagutan, pagmamahal sa Diyos, pamilya, at kapwa.
🌟 Sa Kindergarten, hindi lang pagbasa at pagsulat ang inihahanda.
Inihahanda ang buong pagkatao ng bata—ang kanyang isip, puso, katawan, kakayahan, at magandang pag-uugali.
Kaya kapag nakita ninyong kumakanta, sumasayaw, naglalaro, nagkukulay, o gumugupit ang mga bata, tandaan ninyo: natututo sila. Sapagkat sa Kindergarten, play is learning, at learning is play. 💖🌈