Angono Sports Commission

Angono Sports Commission

Share

ANGONO SPORTS COMMISSION

Photos from GMA Sports PH's post 30/05/2026

PALARONG PAMBANSA

CHAMPION ang CALABARZON Heroes (Region IV-A) kontra Davao Eagles (Region XI). Nagtapos ang laro sa iskor na 79-62.

Itinanghal na MVP si MPar pride, Dairick Duterte.
Kasama ni Duterte sa grupo ang mga kapwa taga-Angono na sina Paul Gonzales at Kerwin Gallegos.

Mabuhay CALABARZON Heroes!

https://www.facebook.com/share/p/1KCEhhxWFb/?mibextid=wwXIfr

Photos from Angono Sports Commission's post 29/05/2026

Congrats Mathew!

Sa first round palang, napakita na ni MMA professional fighter- Mathew Gellera Gesto ang kanyang lakas at gilas laban sa kanyang katunggali na si Gemar Selanos sa Reign of King sa SM South Mall Event Hall Las Piñas, under Zeus Fight League Promotion, nitong March 29, 2026. Kung kaya naman, kahit meron pang natitirang 3minuto at 41 na segundo, napataob nya ang kanyang nasabing kalaban, gamit ang kisig at talino sa ring. Sabi nga nila, "a quick finish win via armbar submission."

Mabuhay ka, atleta ng ating bayan! Kasama ang mag-amang magkasama sa programa, Mayor Gery Calderon at Vice Mayor Jerimae Calderon, amin kang ipinagmamalaki at ikinararangal sa iyong dedikasyon at tikas sa combat sport! Nawa'y tularan ka ng mga kabataang atleta sa iyong husay, galing at disiplina! Goodluck sa iyong mga susunod pang laban!

Si Mathew ay mula sa Brgy. Mahabang Parang at dating estudyanteng manlalaro ng Wushu- Sanda sa Carlos "Botong" Francisco MNHS. Kasalukuyan syang nagte-train sa The Alpha One Gym at isa syang coach/trainer ng mga batang atleta sa pinanggalingang paaralan.

29/05/2026

PALARONG PAMBANSA 2026

Aabante sa FINALS ang CALABARZON Heroes Secondary Boys Basketball Team!

Ngayon pa lamang ay malugod na ang pagbati ng ating pamahalaang bayan sa koponan ng CALABARZON Heroes Basketball Boys (High School) Team, na umusad na nga patungong finals sa patuloy pa ring ginaganap na Palarong Pambansa sa Agusan Del Sur.
Kabilang nga sa grupo ang dalawa nating kababayan na taga Mahabang Parang, sina DAIRICK DUTERTE at PAUL GONZALES; na kapwa din parte ng ating Angono Giants U21 Basketball Team sa Rizal Inter-town Governor’s Cup ngayong taon.

Mabuhay CALABARZON!
Mabuhay ang mga batang atleta ng bayan!

Erratum:
Kabilang ang isa pang ipinagmamalaki ng Barangay Mahabang Parang na si KERWIN GALLEGOS sa mga Angono Boys ng Team CALABARZON.

https://www.facebook.com/share/p/18kZLEGSw2/?mibextid=wwXIfr

FINALISTS! 🏀💪

The Secondary Boys advance after a big win over Central Luzon! Now on to the championship—awaiting NCR or Davao!

All the best, CALABARZON Heroes! Padayon!



29/05/2026

Ating suportahan ang ating kababayan na si Mathew Gellera Gestro ng Brgy. Mahabang Parang at mula sa The Alpha One Gym sa kanyang Professional MMA fight (Flyweight Bout) laban kay Gemar Selanos sa Reign of King sa SM South Mall Event Hall Las Piñas, under Zeus Fight League Promotion.

Si G. Gestro ay dating mag-aaral ng Carlos "Botong" Francisco MNHS na nagbigay ng mga parangal sa larong Wushu- Sanda. Isa na rin syang trainer at coach sa mga batang manlalaro ng Palarong Pambansa 2026.

Photos from Angono Sports Commission's post 29/05/2026

Nakasungkit na naman ng isa pang medalya ang isang batang manlalaro ng Angono Giants- Weightlifting Team!!! Siya ay si Ma. Victoria. Añosa, mula sa Angono National High School. Sa gabay ni Coach Richard Agosto ng PEP Project, nakakuha ng silver medal 🥈 sa 48kg category
ng larong Weightlifting si Añosa sa Palarong Pambansa 2026 sa Probinsya ng Agusan Del. Sur.

Mula sa MagAmang Magkasama Sa Programa, Mayor Gerry Calderon at Vice Mayor JeriMae Calderon, binabati at kinakarangal ka ng buong Angono! Mabuhay Ka Batang Atleta! Mabuhay ang mga Angono Giants! Mabuhay ang Probinsya ng Rizal!

28/05/2026

Agusan del Sur

Pangalawang Ginto ng Angono Rizal!

Nakamit ng ating estudyanteng manlalaro na si Gerald P. Astorga, mula sa Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School, ang gintong medalya sa larong HIGH JUMP- SNED Category sa Palarong Pambansa 2026.

Mula sa ating bayan, sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon, Vice Mayor Jerimae Calderon binabati ka namin! Mabuhay ang Angono Giants! Mabuhay ang mga estudyanteng manlalaro!

Coach: Sir Pagulayan

27/05/2026

Look! Our very own Angono Giants- Football Players are featured in an article/ fb post in The Philippine Football Federation.

Goodluck on your games, boys! Galingan nyo! Para sa Calabarzon! Para sa Rizal! Para sa Angono! Mabuhay Angono Giants! Mabuhay ang mga batang manlalaro!

Eight players a side, and the future written in every touch — the Palarong Pambansa's historic first-ever 8v8 elementary boys' football competition is underway in Agusan del Sur, an advancement in football championed by PFF and PSC in collaboration with DepEd. Now embedded in a system that shapes millions of Filipino schoolchildren across 45,349 public schools nationwide where future talents will emerge. All in the spirit of being . ⚽🇵🇭

Read more: https://pff.org.ph/8v8-football-makes-landmark-debut-in-2026-palarong-pambansa/

Photos from Angono Sports Commission's post 27/05/2026

JUST IN
Agusan del Sur

Congratulations!!! Taekwondo CALABARZON (Palarong Pambansa Representative)

Adrienne Nicoleen P. Bautista
Ernest Victor M. Lunes

Elementary Mixed Pair Category
Gold Medalists

From: Nuestra Señora De Guia Academy

Ang buong Angono, kasama ang Mag-Amang Magkasama Sa Programa, Mayor Gerry Calderon, at Vice Mayor Jeri Mae Calderon, pati na rin ang Angono Sports Commission ay binabati kayo sa inyong nakuhang parangal! Mabuhay ang Angono Giants! Mabuhay ang mga Batang Manlalaro!

26/05/2026

Dalawa sa mga namamayagpag na pangalan sa larangan ng larong basketball sa Palarong Pambansa 2026 sa Probinsya ng Agusan del Sur ang ating mga sariling pambato na sina Dairick Duterte at Paul Gonzales mula sa Angono Giants- Basketball team.

Nag-ambag sila ng mga puntos na ikinapanalo ng Team Calabarzon kontra Central Visayas, 95-86.

Mula sa "Mag-Amang Magkasama Programa," Mayor Gerry Calderon at Vice Mayor Jerimae Calderon, at Angono Sports Commission, binabati namin kayo! Nawa'y galingan nyo pa sa inyong mga susunod na laro! Mabuhay Kayo!

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Angono?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Angono
1930