UP LAKAN Baguio

Directions Website Contact the business

UP LAKAN Baguio Samahan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio na nagmula sa lalawigan ng Bulacan

Chapter Founder: Isaac Ern Galang

Set of Officers for the school year 2022-2023

Chairperson: Ivan Pangan
Vice President for Internal Affairs: Franchesca Ortega
Vice President for External Affairs: Mary Catherine Espejo
Secretary General: Crisitine John Jamon
Finance Committee Head: Jasmine Margarette Estrella
Academic Committee Head: Lauriane Rose Carpio
Publicity Committee Head: Bea Christia Tolentino
Special Projects, Events and Culture Committee Head: China Gem Santos

๐™†๐™–๐™๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™ข๐™ค'๐™ฎ ๐™ ๐™ช๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ-๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ก๐™ž๐™—๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–...Ikaw? Saan k...
27/09/2026

๐™†๐™–๐™๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™ข๐™ค'๐™ฎ ๐™ ๐™ช๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–'๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ
๐™–๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ-๐™™๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ก๐™ž๐™—๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–...

Ikaw? Saan ka ba natatakot?
Anong kuwento mo ang na nakakapanindig balahibo?

๐ˆ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐š '๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐ง๐  ๐‹๐€๐Š๐€๐๐“๐€๐Š๐”๐“๐€๐!

Layunin ng proyektong itong mabigyan ng boses ang mga naratibo ng Bulakenyo. Bilang paggunita sa buwan ng katatakutan, nais naming itampok ang isang katangi-tanging istoryang nagpakilabot at magpapakilabot sa atin. Maaari kayong mag sumite ng mga sumusunod na klaseng kwento:

- Pamahiin
- Kuwentong Bayan
- Sariling Karanasan: Trahedya, Kalamidad, at iba pa

Hindi na kami makapaghintay na matakot, Bulakenyo! Malay mo, kuwento mo ang magmumulto ngayong buwan ng katatakutan.

Ipadala ang iyong istorya sa link na ito:

https://forms.gle/byDchnvfKXbtixh19
https://forms.gle/byDchnvfKXbtixh19
https://forms.gle/byDchnvfKXbtixh19


๐€๐ง๐  "๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ" (๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ญ "๐‡๐ข๐›๐š๐ฌ" (๐ฉ๐š๐ ๐ก๐ฎ๐ฉ๐š ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ข๐ค๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐›๐จ๐ค ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ก๐จ๐ง.Upang mabi...
27/09/2026

๐€๐ง๐  "๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ" (๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ญ "๐‡๐ข๐›๐š๐ฌ" (๐ฉ๐š๐ ๐ก๐ฎ๐ฉ๐š ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ ) ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ข๐ค๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐›๐จ๐ค ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ก๐จ๐ง.

Upang mabigyang-pansin ang mga tunay na danas ng mga Bulakenyo sa gitna ng unos, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐  ๐”๐ ๐‹๐€๐Š๐€๐ ๐๐š๐ ๐ฎ๐ข๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ ๐ง๐  ๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐Š๐€๐ ๐ง๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ ๐š๐ญ๐š๐ง๐  โ€œ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ญ ๐‡๐ข๐›๐š๐ฌ.โ€

Ito ay isang community-centered zine project na naglalayong magbigay ng espasyo para sa mga karanasan at kuwento sa panahon ng bagyo at baha na siyang danas din ng masa. Gayundin, layunin nitong palakasin ang kamalayan ng komunidad ng UP Baguio hinggil sa totoong kalagayan ng mga rehiyonal na komunidad pagkatapos ng unos.

Abangan ang mga ilalabas na piraso ng zine sa mga susunod na linggo.


HINDI KA BA NAKAPUNTA NOONG MASS ORYE LAST WEEK?Donโ€™t worry, pwedeng pwede pa humabol!Invited ka sa UP LAKAN Baguio Spec...
23/09/2026

HINDI KA BA NAKAPUNTA NOONG MASS ORYE LAST WEEK?

Donโ€™t worry, pwedeng pwede pa humabol!

Invited ka sa UP LAKAN Baguio Special Mass Orientation! ๐Ÿ’š

Whether youโ€™re a certified Bulakenyo, a โ€œfrom Bulacan pero hindi marunong mag-Bulacan accentโ€ Bulakenyo, or someone who just wants to meet fellow UP Baguio students na pareho ring galing sa ating beloved land of hot weatherโ€”

this oneโ€™s for you.

Alamin at kilalanin:
โœจ Ano nga ba UP LAKAN Baguio
โœจ Paano sumali
โœจ Sino ang mga kababayan mo rito
โœจ At kung paano ka magmakapamilya rito ๐Ÿฅน

๐Ÿ“… September 25, 2026
โฐ 6:00 PM
๐Ÿ“ Google Meet

Because surviving UP Baguio is already hard enough, might as well do it with your fellow Bulakenyos. ๐Ÿ˜ญ

MAGREGISTER NA SA LINK NA ITO:

https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9
https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9
https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9

See you there, mga kababayan! ๐Ÿซถ

54 ๐ญ๐š๐จ๐ง ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ข๐๐ž๐ค๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ซ, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ค๐ž๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ .Mula Bulacan hanggang...
21/09/2026

54 ๐ญ๐š๐จ๐ง ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ข๐๐ž๐ค๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ฌ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ซ, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ค๐ž๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ .

Mula Bulacan hanggang Baguio, dala natin ang alaala ng mga kabataang piniling kumilos sa harap ng takot at panunupil. Sa paggunita ng Batas Militar, inaalala natin hindi lamang ang isang madilim na kabanata ng kasaysayan, kundi ang mga taong naging bahagi ng paglaban para sa kalayaan, katarungan, at karapatan ng mga Pilipino.

Kabilang dito ang Bulacan Martyrs of 1982โ€”sina Danilo Aguirre, Edwin Borlongan, Teresita Llorente, Renato Manimbo, at Constantino Medina. Mga kabataang nagboluntaryong tumulong mag-organisa ng Bulacan chapter ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) at nakipamuhay sa mga komunidad upang tulungan ang mga magsasaka na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Hindi sila mga pangalan lamang sa isang pahina ng kasaysayan.

Si Danilo ay mula Meycauayan. Si Edwin ay mula Malolos. Si Teresita ay mula Meycauayan. Si Constantino ay mula Hagonoy. Si Renato ay nanirahan at naging aktibo sa San Ildefonso. Mga kabataan silang nanggaling sa ating mga bayanโ€”mga taong may pamilya, pangarap, at buhay na dapat sana'y ipinagpatuloy.

At ang kanilang pagkamatay ay hindi natapos sa kanilang paglilibing.

Sa halip, naiwan ang mga tanong. Naiwan ang dalamhati. Naiwan ang panawagan para sa pananagutan.

Ayon sa Bantayog ng mga Bayani, hindi nakilalang naimbestigahan o naparusahan ang mga responsable sa kanilang pagkamatay.

Ngayon, 54 taon matapos ideklara ang Batas Militar, isang Marcos ang muling nakaupo sa Malacaรฑang.

Hindi natin kailangang baguhin ang nakaraan para maalala ito. Hindi natin kailangang patahimikin ang mga kuwento upang maging komportable ang kasalukuyan.

Dahil ang kasaysayan ay hindi lamang nakasulat sa mga libro. Nakaukit ito sa mga bayan, sa mga sementeryo, sa mga pamilyang naiwan, at sa alaala ng isang henerasyong tumangging manahimik.

Alalahanin sina Danilo, Edwin, Teresita, Renato, at Constantino.

Hindi burado. Hindi nakalimutan. Hindi dapat makalimutan.

Never Again. Never Forget.




MALIGAYANG KAARAWAN, CESCA! ๐ŸฅณMananatiling salat ang bawat salita, dahil ang kahulugan mo'y hindi binabasa, laman ito ng ...
19/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, CESCA! ๐Ÿฅณ

Mananatiling salat ang bawat salita, dahil ang kahulugan mo'y hindi binabasa, laman ito ng bawat oras na kasama ka.

We love you! ๐Ÿ’š

Sa pakikiisa ng UP LAKAN Baguio sa paggunita ng buong komunidad ng UP Baguio sa mga Desaparecidos, itinataas namin ang s...
17/09/2026

Sa pakikiisa ng UP LAKAN Baguio sa paggunita ng buong komunidad ng UP Baguio sa mga Desaparecidos, itinataas namin ang sulo ng paniningil. Ang sapilitang pagkawala ni Bazoo De Jesus sa ilalim ng kasalukuyang rehimen ay patunay lamang na ang huwad na "Bagong Pilipinas" ay itinayo sa lumang pundasyon ng dahas at panunupil.

Ang ating tugon sa pasismo ay hindi patahimik na pagtanggap, kundi mas malakas at kolektibong pagkilos. Hinihimok natin ang buong komunidad at mamamayan na maging boses ng mga pinagkaitan ng espasyo at ituloy ang laban para sa katarungan at tunay na kalayaan.

โ€”โ€”โ€”

OPISYAL NA PAHAYAG NG UP LAKAN BAGUIO

Ngayong ginugunita ang taunang pagpapanawagan na ilitaw ang mga Desaparecidos, ipinapahayag ng UP LAKAN Baguio ang aming pakikiisa laban sa ganitong pang-aabuso.

Mahigit apat na dekada na magmula noong nawakasan ang diktadurang rehimen ni Ferdinand Marcos Sr., ngunit ang pang-aabuso na tinatanggap ng mga aktibista, mamamahayag at tagapagtanggol ng boses ng mamamayan ay nagpapatuloy at lumalala. Ang bunga ay hindi nalalayo sa puno, kung kayaโ€™t sumusunod si Marcos Jr. sa yapak ng kaniyang ama sa pag-atake at pagpapawala sa mga naninindigan sa kanilang paniniwala.

Si Bazoo De Jesus ay nagsilbing Pangalawang Pangulo ng UP LAKAN Baguio. Ipinawala siya sa ilalim ng kasalukuyang rehimen ni Marcos Jr. Ang sapilitang pagkawala ay malinaw na anyo ng pasismo ng estado na aktibong sinusupil ang mga progresibo.

Ang kawalan ng hustisya para kay Bazoo at sa mga Desaparecidos, kabilang na sina James Balao at Dexter Capuyan, ay isang mantsa ng huwad na Bagong Pilipinas. Mula noon at magpahanggang ngayon, patuloy ang pagtatanggal ng espasyo para sa mga bumoboses na nakasandig sa mamamayang Pilipino.

Mariing ikinukondena ng UP LAKAN Baguio ang kalakaran ng sapilitang pagpapawala. Patuloy ang pakikiisa upang matamo ang hinaharap na makasama na muli ng mga ipinaglaho ang kanilang mga pamilya.

HINDI TAYO NAKAKALIMOT!

ILITAW SI BAZOO DE JESUS, JAMES BALAO, AT DEXTER CAPUYAN!




MALIGAYANG KAARAWAN, JEM! ๐Ÿคฉ๐ŸŒŸLubos kaming nagpapasalamat sa iyong walang sawang dedikasyon at suporta na iyong inaalay sa...
16/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, JEM! ๐Ÿคฉ๐ŸŒŸ

Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong walang sawang dedikasyon at suporta na iyong inaalay sa Lakan. Hangad namin na maging makabuluhan, masaya at puno ng pagmamahal ang espesyal mong araw! ๐Ÿ’Ÿ

We love you! ๐Ÿ’š

Bulakenyo ka ba, bestie? ๐Ÿ‘€ Nasa UP Baguio ka? ๐ŸŽ“ At minsan, habang naka-jacket ka sa Baguio, bigla mong nami-miss ang ini...
15/09/2026

Bulakenyo ka ba, bestie? ๐Ÿ‘€ Nasa UP Baguio ka? ๐ŸŽ“ At minsan, habang naka-jacket ka sa Baguio, bigla mong nami-miss ang init ng Bulacan? ๐Ÿ˜ญ

BES, YOU FOUND YOUR PEOPLE.

Invited ka sa UP LAKAN Baguio Mass Orientation! ๐Ÿ’š

Whether youโ€™re a certified Bulakenyo, a โ€œfrom Bulacan pero hindi marunong mag-Bulacan accentโ€ Bulakenyo, or someone who just wants to meet fellow UP Baguio students na pareho ring galing sa ating beloved land of hot weatherโ€”

this oneโ€™s for you.

Alamin at kilalanin:
โœจ Ano nga ba UP LAKAN Baguio
โœจ Paano sumali
โœจ Sino ang mga kababayan mo rito
โœจ At kung paano ka magmakapamilya rito ๐Ÿฅน

๐Ÿ“… September 17-18, 2026
โฐ 6:30 PM
๐Ÿ“ IB 103

Because surviving UP Baguio is already hard enough, might as well do it with your fellow Bulakenyos. ๐Ÿ˜ญ

MAGREGISTER NA SA LINK NA ITO:

https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9
https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9
https://forms.gle/UaZx4nfcJchLj1CR9

See you there, mga kababayan! ๐Ÿซถ

Naligaw ka ba sa UPB? ๐Ÿ‘€ Huwag kang mag-alala, may LAKAN kang uuwian! ๐ŸซถBagong mukha, bagong kaibigan, bagong tahanan. ๐ŸŒป H...
03/09/2026

Naligaw ka ba sa UPB? ๐Ÿ‘€ Huwag kang mag-alala, may LAKAN kang uuwian! ๐Ÿซถ

Bagong mukha, bagong kaibigan, bagong tahanan. ๐ŸŒป

Halinaโ€™t sumama at maging parte ng aming pamilya sa UP LAKAN Baguio sa gaganaping MASS ORIENTATION! Sama-sama nating tuklasin ang saya ng pagiging bahagi ng isang komunidad ng mga pusong Bulakenyo.

Bulakenyo ka? Edi dapat LAKAN ka! โœจ

ABANGAN...

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: PAHAYAG NG UP LAKAN BAGUIO HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA PAGBAHA SA BULACANHANGGANG KAILAN NAKALUBOG ANG BULA...
31/08/2026

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: PAHAYAG NG UP LAKAN BAGUIO HINGGIL SA LUMALALANG KRISIS SA PAGBAHA SA BULACAN

HANGGANG KAILAN NAKALUBOG ANG BULACAN?

Baha, trapiko, walang katapusang konstruksyon, at mga proyektong hindi napapakinabanganโ€”ilang dekada nang pasan ng mga Bulakenyo ang mga problemang dulot ng kapabayaan at kawalan ng pananagutan.

Bilang mga Bulakenyong Iskolar ng Bayan, nananawagan ang UP LAKAN Baguio para sa tunay, maayos, at pangmatagalang solusyon, malinaw na paggamit ng pondo ng bayan, at pananagutan ng mga responsable.

Hindi dapat masanay ang Bulacan sa baha at kapabayaan. Panagutin ang dapat managot. Ipaglaban ang serbisyong para sa mamamayan.


Address

Baguio City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP LAKAN Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to UP LAKAN Baguio:

Shortcuts

Share