27/03/2025
Unang Matagumpay na Proyektong GAME FOR A CAUSE ng SF Thursday Ballers Club
Ang San Francisco Ballers Club ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at lumahok sa ating "Game for a Cause" para sa Abuan family, na naapektuhan ng sunog sa Juana 1 Subdivision, at sa dalawang kabarangay nating nangangailangan ng pinansyal na tulong para sa kanilang medikal na pangangailangan.
Sa kabuuan, tayo ay nakalikom ng ₱3,080, na naipaabot na sa Abuan family, habang ang tulong para sa dalawa nating kabarangay ay naibigay na sa pamunuan ng Tau Gamma Phi San Francisco Chapter.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng miyembro na nakiisa, pati na rin sa iba pang grupong sumuporta, kabilang ang SF Ballers, Grace Extra Strong, at Tau Gamma Phi San Francisco Chapter.
15/03/2025
13/03/2025
06/03/2025
28/02/2025