22/07/2025
PAALALA SA LAHAT NG MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG CAPAS 📢
Ang aming tanggapan ay tumatanggap na ng Damage Report para sa Rice, Corn at High-Value Crops (HVC) dulot ng mga kalamidad/panahon.
📌 Inaanyayahan po namin ang mga apektadong magsasaka na mag-report sa aming opisina o mag iwan ng mensahe sa aming page sa lalong madaling panahon upang maisama sa assessment.
Pakitandaan: Magdala ng mga kinakailangang impormasyon gaya ng:
✔️Pangalan ng magsasaka (Dela, Cruz, Juan C.)
✔️Lokasyon ng taniman (Aranguren, Capas, Tarlac)
✔️Lawak ng apektadong taniman (2.0 hectares)
✔️Petsa ng pagtatanim (May 3, 2025)
✔️Uri ng pinsala (Lumubog, Dumapa)
✔️Antas ng pinsala (50% porsyento)
📍 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa aming opisina o mag-send ng mensahe dito sa aming FB page.
Salamat at mag-ingat po tayong lahat.