02/10/2026
“Coach, ayoko magbuhat ng mabigat, baka lumaki braso ko at magmukha akong bodybuilder.”
Sabunutan kita?
Hindi ganoon kabilis magbuild ng muscle ang katawan, lalo na sa babae.
Ang muscle hypertrophy ay nangangailangan ng consistent resistance training, sapat na training volume, progressive overload, adequate nutrition, at maraming buwan o taon ng consistent training.
Hindi porke nagbuhat ka ng mabigat, bigla kang lalaki. G_go ka ba?
In fact, women generally have less muscle mass and lower anabolic potential than men dahil mas mababa ang testosterone levels nila.
At ang “mabigat” ay relative.. kung kaya mong buhatin nang maayos, hindi ibig sabihin bodybuilder level na agad ang stimulus. Ambisyosa!
Resistance training can actually help women become stronger, improve muscle tone, bone health, and body composition. Kaya huwag matakot sa weights.. hindi ka biglang magiging Hulk dahil lang nagbuhat ka ng dumbbell.
Labyu.