Basa na naman ang paligid, pansamantala
na lang muna at sisikaping makakalipat na.
Kearney Whitehackle over 5K Sweater, ang resulta ay hindi uniform pero may malinaw na tendencies depende sa kombinasyon ng traits ng dalawang linyada.
Ang realistic na inaasahang outcome:
1. Speed at timing - posibleng tumaas kasi ang
Sweater side ay kadalasang nagbibigay ng fast strikes at quick reactions. Ang Whitehackle ay nagbibigay ng sharp timing at counter ability kaya maaaring lumalabas ang magandang “hit-and-go” style.
2. Game intensity - ay mas tataas na galing sa
Whitehackle influence na matibay ang desire for fighting. Sweater influence ay aggressive at consistent pressure kaya ang resulta ay strong willingness to engage at hindi basta sumusuko.
3. Cutting style - depende sa selection, ang Sweater usually may power at accuracy mag- patama. Sa Whitehackle din ang clean, precise angles, ang resulta ay maaaring magkakaroon
ng mabilis na cutting o balanced na strike + defense type.
4. Stamina at durability - Whitehackle lines are often associated with endurance and deep game. Sweater lines contribute conditioning efficiency, ang resulta ay mas matibay sa late rounds kung maayos ang conditioning.
5. Variability issue (important) sa unang cross
may lalabas na excellent fighters at may mga average din. Hindi pa ito stable fighting line hanggang ma-select ang pinakamahusay.
Ang Kearney Whitehackle × 5K Sweater cross ay maaaring mag-produce ng fast, aggressive, and game birds. May mga potential sa speed + stamina combination. Pero ang tunay na mga fighting quality ay lalabas lang kung may strict selection at culling program sa mga susunod na generation.
SEABIRD WARRIORS
Our mission is to breed, raise and condition gamefowl with a goal to excellence and self improvement. Our aim is not to be the best but to elevate ourselves.
We accept both wins/losses as part of our progress but surrender has no place in our principles. [email protected]
17/05/2026
Thanks a lot also 👉Clint Erlo Bermejo sa pag-update ng aming Surprise Giveaway.
Good luck & breed wisely !!!
17/05/2026
Thanks a lot sa update 👉Dull-Tone Colipano sa SEABIRD WARRIORS Surprise Giveaway.
Good luck & breed wisely !!!
17/05/2026
Ang Adrenaline (Epinephrine) ay isang hormone at neurotransmitter na ginagawa mismo ng adrenal medulla na bahagi ng adrenal glands na nasa ibabaw ng kidneys.
Inilalabas diretso sa dugo kapag may stress, excitement, threat, o intense stimulation
Ma produced ito on-demand ng katawan.
Ito ay na-a-activate in physiological pathway. Kapag ang manok ay na-expose sa intense stimulus, laban, takot, aggression, sensory trigger, nakakita ng kalaban, physical confrontation, stress signal, brain processing, nagre-react sa “fight or flight” situation at autonomic nervous system activation.
Ang sympathetic nervous system ang nag-o-on signal to adrenal glands at
nire-release ang adrenaline sa bloodstream at ang body response ng manok ay:
* Tumataas ang heart rate.
* Lumalakas ang muscle readiness.
* Mas mabilis ang reflexes.
* Mas mataas ang glucose release energy
surge.
Ang nangyayari ay instant hormone release + nervous system activation. Sa context ng manok o performance explanation ang “adrenaline rush” na nakikita mo sa laban ay
combination ng:
* Genetics (natural drive at reactivity)
* Conditioning (cardio, muscle readiness)
* Nervous system sensitivity, how fast
mag-trigger ang response.
Kaya ang mas accurate na term dito ay
heightened sympathetic nervous system response. Hindi chemical conversion, kundi biological stress-response activation system.
Ano ba ang ADRENALINE RUSH sa panlaban na manok? Ang adrenaline rush ay biglaang pagtaas ng energy, alertness, agresyon at fighting intensity ng manok kapag nasa init
ng laban o matinding excitement.
Kapag naglabas ng adrenaline ang katawan ng manok ay:
👉🏿 Bumibilis ang reflex
👉🏿 Lumalakas ang palo
👉🏿 Tumataas ang fighting drive
👉🏿 Nagiging explosive ang galaw
👉🏿 Hindi agad nakakaramdam ng pagod
Ito ang dahilan kung bakit may mga manok na biglang bumibilis sa engagement.
• Sobrang agresibo pumasok
• Mas lumalakas habang umiinit ang laban
• Mataas ang confidence sa atake
Makikita ang adrenaline rush sa:
🔸Alertong mata
🔸Mabilis na reaksyon
🔸Magaan pero explosive na katawan
🔸Mataas na intensity sa unang salpukan
Pero tandaan na hindi puro adrenaline lang ang kailangan. Kapag sobra at walang control, mabilis ding mauubos ang stamina.
Kaya ang tunay na mahusay na panlaban ay:
✓ May adrenaline rush
✓ May control
✓ May timing
✓ May lakas hanggang dulo
Paano ma-achieve ang ADRENALINE RUSH sa panlaban na manok? Ang adrenaline rush ay hindi basta pinipilit. Hindi ito nakukuha sa simpleng pagpapagutom o pagpapahirap sa manok. Ang tunay na sikreto ay tamang kombinasyon ng genetics, conditioning, timing at body condition.
Ito ang practical na paraan para ma-achieve ito sa oras ng laban:
1. Fight empty, but not hungry - dapat magaan
ang katawan at hindi mabigat na laman ang
tiyan, pero may sapat pa ring reserve energy
at lakas.
2. Proper conditioning - tamang ensayo para
lumakas ang puso, baga, reflexes at
explosiveness ng katawan.
3. Tamang feeding timing - kapag sobrang
busog mabagal kumilos, kapag sobrang
gutom mabilis manghina, dapat tama lang
ang laman at energy level.
4. Sharp ang isip at katawan - ang alerto at
kumpiyansang manok ay mas mabilis mag
switch on sa laban.
5. Iwas overhandling at sobrang stress - kapag
naubos agad ang excitement bago ilaban,
bumababa rin ang intensity sa actual fight.
6. Tamang hydration - hydrated pero hindi
overloaded sa tubig para magaan pa rin ang
galaw.
Mga senyales na nasa tamang adrenaline response ang manok:
✓ Mabilis ang reaksyon
✓ Explosive ang first attack
✓ Alerto ang mata
✓ Mataas ang fighting intensity
✓ Magaan pero malakas ang katawan
Laging tandaan na ang conditioning ay hindi gumagawa ng tapang. Ginigising lamang nito ang fighting intensity na nasa genetics na ng manok. Conditioning awakens what genetics already has.
ADRENALINE RUSH sa panlaban na manok hindi basta ginigising sa sobrang gutom o stress. Ang tunay na sikreto ay tamang kondisyon, tamang timing, at tamang balanse ng katawan.
“Fight empty, but not hungry" ang ibig sabihin nito ay:
✔️ Magaan ang katawan
✔️ Walang mabigat na laman ang tiyan
✔️ Pero may sapat pa ring lakas at reserve
energy
Para ma-achieve ito sa oras ng laban:
• Tamang feeding timing — huwag sobra,
huwag kulang.
• Proper conditioning — exercise, flypen at
tamang ensayo.
• Iwas overhandling at sobrang stress bago
ilaban.
• Dapat hydrated pero hindi overloaded sa
tubig.
• Panatilihing sharp ang katawan at isip ng
manok.
Mga palatandaan ng tamang adrenaline response:
🔥 Mabilis ang kilos
🔥 Alerto ang mata
🔥 Explosive ang first attack
🔥 Mataas ang fighting intensity
🔥 Magaan pero malakas ang katawan
Ang adrenaline rush ay kombinasyon ng: GENETICS + CONDITIONING + TIMING.
Conditioning only awakens the intensity already present in the bloodline.
Malaki ang kaibahan ng manok na may adrenaline rush kumpara sa manok na kulang sa fighting intensity.
Ang may tamang adrenaline response:
🔥 Explosive ang galaw
🔥 Mabilis ang reaction
🔥 Aggressive pumasok
🔥 Mataas ang fighting drive
🔥 Lumalakas habang umiinit ang laban
Samantalang ang manok na walang adrenaline rush o kulang sa intensity:
× Mabagal mag-react
× Malamya o antukin
× Kulang sa agresyon
× Hesitant pumasok
× Madaling mawalan ng momentum
Kahit maganda ang katawan at may lakas, kung kulang sa intensity at “switch on” mentality, minsan nahuhuli pa rin sa mabilis at explosive na kalaban.
Tandaan:Hindi puro adrenaline lang ang laban. Kapag sobra naman ang adrenaline at wala namang control o stamina, mabilis ding maubos ang lakas.
Ang pinakamapanganib na panlaban ay:
💪May adrenaline rush
💪May timing
💪May control
💪May stamina hanggang dulo
If a bird is already handsome and carries a good genetics, that makes him the best.
A true winner is built on good genetics long before the fight begins.
16/05/2026
Kaya sa pagpapalahi, maraming bagay ang dapat tingnan sa pagpili ng breeders. Hindi sapat na maganda lang ang itsura. Dapat kompleto ang kalidad ng materyal dahil dito manggagaling ang susunod na henerasyon.
Mga pangunahing tinitingnan sa pagpili ng breeders:
1. Health at vitality - malakas, alerto, hindi
sakitin, at may magandang resistensya.
2. Body structure - balanseng katawan,
magandang buto, dibdib, likod, hita, at tindig.
3. Performance - dapat may napatunayan na
kalidad sa laban o performance depende sa
linya.
4. Temperament - may talino, timing,
aggressiveness, at fighting instinct.
5. Prepotency - kakayahang ipasa nang
consistent ang magagandang traits sa
mga anak.
6. Bloodline consistency - galing sa pamilya
na subok na ang kalidad sa maraming
generations.
7. Defects - iwas sa may physical defects,
mahinang resistensya, o undesirable traits.
8. Reproductive quality - mahusay magpatubo
ng anak at mataas ang fertility.
9. Offspring evaluation - pinakamahalaga pa rin
ang kalidad ng mga naging anak nila.
Ang magandang breeder ay hindi lang maganda sa paningin dapat kaya niyang mag-iiwan ng kalidad sa mga susunod na henerasyon.
16/05/2026
Maraming nagtatanong kung bakit kahit maganda ang parents ay hindi lahat ng offsprings ay pare-pareho ang kalidad.
Ang sagot diyan ay ang genetics. Ang isang manok ay may humigit-kumulang 20,000 + genes na pinagmumulan ng iba’t ibang traits tulad ng, height o station, katawan, speed, stamina, cutting ability, intelligence,
gameness, kulay at marami pang iba.
At marami sa mga katangiang ito ay tinatawag na polygenic traits ibig sabihin maraming genes ang sabay-sabay na nakaapekto sa isang trait. Kaya hindi sapat lang na maganda ang ama o maganda ang ina. Dahil ang bawat offspring ay magkakaiba ng kombinasyon ng mga genes na matatanggap.
Ito ang dahilan kung bakit:
* May lumalabas na mas magaling
* May average lang
* May hindi umaabot sa expectation
Kaya ang tunay na breeding ay hindi simpleng pagpaparami lang. Ang breeding ay selection,
ex*****on, assessment, evaluation at kailangan ng consistency through generations.
Hindi agad nafifix ang desired traits sa isang mating lang, lalo na sa polygenic traits. Ito ay kailangan ng tamang pagpili ng mga breeders,
maingat na evaluation at mahabang pasensya sa maraming generations ng breeding.
Ang goal ng mahusay na breeder ay hindi lang makagawa ng isang magandang manok kundi makagawa ng consistent na lumalabas ang desired traits generation after generation.
Nasa laot ngayon, minimize posting at sagot sa mga magtatanong, kuripot ang opisina may bayad ang satellite internet na sobrang mahal pa !!! 😁😁
Walang sinabing siguradong magmana, ang sinabi ay "madalas"
May nagtanong saan daw magmana ang height? Ang leg length at station ay madalas malakas manggaling sa papa, ang body proportion at balance ay malakas manggaling sa mama
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Address
San Miguel, Loboc, Polanco
Dipolog City
7101