28/07/2026
Dear Basketball thank you so much,
Dati ayoko na mag aral kasi kahit papaano kumikita na ako sa pag lalaro ko ng basketball. hanggang isang araw pinunta ako ni Boss Aco Santos sa aims, sumama ako sakanya pinag try out niya ako,nakuha ako sa try out…ayoko na talagang mag aral nung mga panahon na yun, hanggang sa isang araw pinag patuloy ko lang ang pagaaral ko. Nag papasalamat din ako kay boss idol na tumulong para makapag patuloy ako sa pag aaral ko, galing eh noh? Dami ko rin pinag daanan, di ko rin akalain makakapag tapos ako dahil sa basketball. Daming ups & downs, talagang susubukan ka ng panahon, matutulala ka nalang sa sobrang pagod at sa mga nangyayari pero sabi ko tuloy lang kahit nahihirapan, walang man laman ang pitaka ko pero punong puno naman ako ng pangarap.
Nagpapasalamat din ako sa mga boss ko na kumukuha sakin para mag laro. Dun talaga ako nakaka survive sa pang araw araw ko sobrang laking tulong sakin nun. Hanggang sa dumating sa buhay namin si Austin. Lalo kong sinipagan nag doble kayod ako laro dito, laro don. Hanggang sinubok ulit ako ng panahon na-injury ako. Tinanong ko rin mismo sarili ko kung kaya ko pa ba? Frustated ako nung mga panahon na yun,diko alam ano gagawin ko. Pero sabi ko sa sarili ko di ako titigil hanggat diko nakukuha yung pangarap ko. Sarap sa feeling na nakapag tapos ako ng dahil sa basketball nakapag tapos ako na walang binabayaran sa school dahil sa talent na binigay sakin ng itaas. Dahil sa isang tao nayun na diko alam bakit pinasok niya ako sa aims at nag tanim pa ako ng sama ng loob sakanya ngayon alam ko na bakit niya ginawa yun.
Nung sinabi ko sa pamilya ko na graduate nako at nung nakita ko yung ngiti ng mama at papa ko don ko narealize na tama pala sya, may plano pala sya para sakin kaya sobrang thankful ako sa tao na yun ,eto ako ngayon aakyat sa entablado at finally masasabi ko na sa magulang at sa asawat’ anak ko,maraming salamat sainyo kayo ang inspirasyon ko sa bawat pagod at puyat. Graduate na ako!
Once a Blueshark, Always a Blueshark! 🦈💙🤍