23/10/2026
Mura nga ang foreclosed property…
pero hindi lahat ng mura, magandang deal. 👀
Eto ang dapat mong malaman bago ka bumili 👇
✅ 𝗗𝗢'𝗦 (𝗚𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗺𝗼 '𝘁𝗼!)
𝟭. 𝗠𝗮𝗴-𝘀𝗶𝘁𝗲 𝘃𝗶𝘀𝗶𝘁 𝗸𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗮
Puntahan mo mismo. Tingnan ang paligid, daan, at kapitbahay, umaga at gabi kung kaya.
𝟮. 𝗔𝗹𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗼𝗰𝗰𝘂𝗽𝗶𝗲𝗱 𝗼 𝘃𝗮𝗰𝗮𝗻𝘁
Magtanong sa barangay o kapitbahay. Mas madali ang vacant, walang kailangang paalisin.
𝟯. 𝗜-𝗰𝗼𝗺𝗽𝘂𝘁𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗢𝗧𝗔𝗟 𝗰𝗼𝘀𝘁, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘆𝗼
Repairs + transfer fees + taxes + unpaid dues + utilities.
Dito madalas nagugulat ang iba.
𝟰. 𝗠𝗮𝗴𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗽𝗮𝗶𝗿 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁
"As-is where-is" 'yan, pwedeng may sira o damages, at ikaw ang magpapaayos.
𝟱. 𝗚𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗶𝗻𝘀𝘁𝗮𝗹𝗹𝗺𝗲𝗻𝘁
Hindi kailangan ng malaking cash. Pwede hulugan up to 20-30 years.
𝟲. 𝗜-𝗰𝗵𝗲𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗳𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗿𝗶𝘀𝗸
Mura nga… pero baka bahain, liblib, o malayo sa lahat.
Gamitin ang hazard maps at magtanong sa locals.
𝟳. 𝗠𝗮𝗴-𝗯𝗶𝗱 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼
Alamin ang market value sa area. Minsan konti lang ang kalaban, may chance manalo kahit mababa ang bid.
𝟴. 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁 𝘁𝗶𝗺𝗲 𝗺𝗼
Mas okay nang may gabay kaysa magkamali sa papeles.
𝟵. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝘁𝗲 𝘃𝗶𝘀𝗶𝘁
Kaibigang engineer, contractor, o karpintero, sila ang makakakita ng sira na hindi mo napapansin.
𝟭𝟬. 𝗠𝗮𝗴𝘁𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗛𝗢𝗔 𝗼 𝘀𝘂𝗯𝗱𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻
Alamin kung may unpaid association dues at kung ano ang rules sa lugar.
𝟭𝟭. 𝗜𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗺𝗮𝗴-𝗯𝗶𝗱
Para hindi ka maunahan o ma-delay dahil kulang ang papeles mo.
𝟭𝟮. 𝗠𝗮𝗴𝘁𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗲𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗳𝘂𝗻𝗱
Kahit nakuha mo na ang bahay, may lalabas at lalabas pang gastos.
❌ 𝗗𝗢𝗡'𝗧𝗦 (𝗜𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗺𝗼 '𝘁𝗼!)
𝟭. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗯𝘂𝗺𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿𝘁𝘆
Hindi sapat ang picture. May leak ba? Tumutulo ba ang bubong? (O may multo? 👻)
𝟮. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗯𝗶𝗱 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗺𝗼𝘀𝘆𝗼𝗻𝗮𝗹
Huwag magpa-pressure. Kapag lampas na sa budget, let go.
𝟯. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗱𝗱𝗲𝗻 𝗰𝗼𝘀𝘁𝘀
Back taxes, association dues, unpaid kuryente at tubig, baka ikaw ang sumalo lahat.
𝟰. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗯𝗮𝗰𝗸𝗼𝘂𝘁 𝗯𝗮𝘀𝘁𝗮-𝗯𝗮𝘀𝘁𝗮
Ang 5% downpayment ay NOT refundable. Pag nag-backout ka, goodbye na ang 5%.
𝟱. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝘂𝗺𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼
Matagal ang approval, documents, at turnover. Patience is key.
𝟲. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗯𝗮𝗹𝗲𝘄𝗮𝗹𝗮𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗰𝗰𝘂𝗽𝗮𝗻𝘁𝘀
Kung may nakatira pa, ikaw ang magpapaalis, stress + legal process. Minsan kailangan mo pa silang bayaran para umalis.
𝟳. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝗱𝗲𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗳𝗶𝘅𝗲𝗿
Diretso sa official Pag-IBIG channels lang. Government-backed ang transaction, huwag
mo nang gawing risky.
𝟴. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝘂𝗯𝘂𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗱𝗼𝘄𝗻𝗽𝗮𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁
Magtira para sa repairs, lipat-bahay, at monthly hulog.
𝟵. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗿𝗲𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗲 𝗮𝗴𝗮𝗱
Hintayin munang malinaw ang papeles at turnover bago ka gumastos sa ayos.
𝟭𝟬. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗽𝗶𝗻𝗴 "𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗶𝗻𝗰𝗼𝗺𝗲" 𝗮𝗴𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘂𝗽𝗮𝗵𝗮𝗻
May buwan na walang umuupa, may tenant na late magbayad, dapat kaya mo pa rin ang hulog.
𝟭𝟭. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗴𝗮𝘆𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮
Iba-iba ang budget, lifestyle, at tolerance sa stress. Ang swak sa kanila, baka hindi swak sa'yo.
🔥 𝗥𝗘𝗔𝗟 𝗧𝗔𝗟𝗞
Hindi para sa lahat ang foreclosed property.
Lahat tayo gusto magkabahay…
pero iba-iba tayo ng hinahanap.
Yung iba, okay lang mag-ayos, maghintay, at mag-asikaso, basta makatipid.
Yung iba naman, gusto lang ng 𝗽𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝗺𝗶𝗻𝗱.
Like sa amin, ₱1.3M for 110sqm with parking.
Installment for 30 years, tapos ₱10k+ lang ang nagastos sa processing.
May kilala pa ako, ₱2,500/month lang ang hulog, nagkabahay na.
Yung iba ginawa pang negosyo, ₱7k- ₱15k rent.
𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗶𝗸𝗮𝘀𝘂𝗵𝗶𝗻, 𝘀𝗼𝗯𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗹𝗶𝘁 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮.