25/07/2026
🌊 PICKLEBALL TRYOUT 🌊
Oras na upang ipakita ang iyong galing, diskarte, at husay sa isa sa pinakamabilis na lumalagong sports ngayon! Ang Pickleball Tryout para sa Daluyong LNK 2026 ay bukas na para sa mga nais maging bahagi ng ating Pangkat.
Kung ikaw ay 15–30 taong gulang at residente ng Asai Village, Purok 1 Pearlyshell, Purok 2 Fishermen's Village, Purok 3 Rajah Muda, o Alunan/Purok Calsenter, inaanyayahan kang sumali sa Mixed Doubles Tryout (1 lalaki at 1 babae).
📍 Petsa at Lugar: Ipapaalam sa lalong madaling panahon.
Huwag kalimutang magsuot ng angkop na kasuotan at magdala ng inyong pickleball paddle, tubig, at meryenda.
Ang bawat rally ay pagkakataon. Ang bawat laro ay hakbang patungo sa tagumpay.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magpadala ng mensahe kay Kenz Lapeceros o kay Romel John Oroc sa Facebook.
Kita-kits sa court! 🥒🏓🌊