21/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-54 ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Limampuโt apat na taon na ang nakalipas mula nang magdusa ang libo-libong mamamayang Pilipino sa kamay ng pasistang rehimen ng Batas Militar. Sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr., naiproklama noong Setyembre 21, 1972 ang Proclamation No. 1081 na nagbaon sa bansa sa madilim na yugto ng panunupil at kawalan ng katarungan. ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐๐ ๐ฐ๐๐ค๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ง๐๐ค๐๐ซ๐๐๐ง, ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง, ๐ก๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐, ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ง ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐๐ฆ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐๐๐ฅ๐จ๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ข๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ซ๐๐๐ง.
Sa kabila ng โBagong Lipunanโ na ipinangako ng diktadurya, nasaksihan ng bansa ang matinding sentralisasyon at pagwasak sa mga demokratikong institusyon. Ganap na kinontrol ni Marcos ang mga sangay ng pamahalaan at ipinaloob ang kapangyarihan sa isang mapanupil at mahigpit na sistema. ๐๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ, ๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐๐จ๐ค ๐๐ฎ๐ซ๐๐ก๐ข๐ง ๐ง๐ ๐ซ๐๐ก๐ข๐ฆ๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฆ๐๐ง ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐ข๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ญ๐.
Unang sinubukan ipitin ng Batas Militar ang malayang pamamahayag sa pamamagitan ng Letter of Instruction No. 1, na nagbigay-daan sa pagpapatahimik sa mga pahayagan at pagsasara ng 464 na himpilan at publikasyon, isa na doon ang ABS-CBN. Dahil dito, nasupil ang boses at higit na napawalang-bahala ang demokratikong karapatan ng mga Pilipino. Ang sinumang nagsalita laban sa pamahalaan kabilang na ang mga mamamahayag, estudyanteng aktibista, union leaders, kalabang pulitiko, at maging mga ordinaryong mamamayan ay itinuring na banta sa estado. Karamihan sa kanila ay agarang dinakip, kinulong, at walang awang pinaslang nang walang makatarungang paglilitis o pagkakataong ipagtanggol ang sarili.
Kaugnay nito, inaalala natin ang 107,240 na mga naging biktima ng human rights violations, habang umaabot sa 11,103 biktima lamang ang opisyal na nakilala at nabigyan ng reparasyon, ayon sa Human Rights Victimsโ Claims Board. Ipinapakita lamang nito na hanggang ngayon, hindi pa rin sapat ang katarungang naigawad sa libo-libong biktima na hindi nakasama sa opisyal na talaan, laloโt ang mismong pinuno ng rehimen at mga kabig nito ay hindi napapanagot ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐๐ฒ๐โ๐ญ ๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐.
Sa loob ng maraming taon, patuloy na pinagkakaitan ng hustisya ang mga biktima ng Batas Militar. Limampuโt apat na taon man ang nakalipas, totoo pa rin ang sinasabi nila: ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ง๐๐ค๐๐ซ๐๐๐ง ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฎ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฎ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ญ ๐ง๐ข๐ญ๐จ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ-๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ฎ๐ฆ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ค๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ. Ramdam na ramdam pa rin hanggang ngayon ang mga epekto ng mga desisyon ng sakim at gahaman na diktador โ lalo na sa krusyal na panahong ito na nakaupo sa pwesto ang kanyang anak at tinatamasa ang mga pribilehiyo ng pinakamataas na posisyon sa bansa. Patuloy na umiiwas ang pamilyang Marcos sa pananagutan, habang nagtatago sa likod ng kapangyarihan at kayamanang isinauli sa kanila nang walang kahirap-hirap.
Noong Setyembre 9, 2026, inabswelto ng Korte Suprema si Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft, na nagpawalang-bisa sa hatol sa kanya ng Sandiganbayan noong 2018. Nakakagalit na makita kung paano nagagamit ng mga political dynasty ang kanilang impluwensya upang maantala ang mga paglilitis sa loob ng tatlong dekada, gayundin ang paglaya ng dating unang ginang mula sa parusang pagkakakulong batay lamang sa mga teknikalidad sa batas. Ang desisyong ito ay lumabas sa panahong sinisikap ng bansa na mabawi ang bilyun-bilyong pisong nawala sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr., ang ama ng kasalukuyang pangulo.
Habang milyun-milyong Pilipino ang kumakalam ang tiyan at hikahos sa buhay, wagas naman kung mamuhay sa luho ang pamilyang ito gamit ang kaban ng bayang ninakaw nila. Habang ang ordinaryong manggagawang Pilipino ay nagpapakahirap sa trabaho umulan o umaraw para lang mabuhay, may pribilehiyo silang maglakbay sa iba't ibang bansa at magkaroon ng makinarya para tumakbo sa pamahalaan.
Isang malaking katrayduran sa pawis at pagod ng karaniwang Pilipino ang pagkakaroon ng pangulong manhid sa mga kasalanan ng kanyang pamilya. ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ -๐ข๐ข๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ญ๐๐๐จ๐ซ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐๐ข๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข โ isang desisyong pinahintulutan ng isang dating pangulong namuno rin sa bansa nang may kamay na bakal. Isang malaking kasalanan sa katarungan ang pagiging malaya ng isang makasariling dating unang ginang, kahit nilustay niya ang kaban ng bayan para lamang sa pansariling luho.
Para sa libo-libong buhay na nawala, sa mga aktibistang dinukot at kailanman ay hindi na nakita, sa mga pamilyang patuloy na lumalaban para sa katotohanan, at para sa demokrasya ng Pilipinas, hinding-hindi natin dapat kalimutan ang mga kalupitang ginawa ng pamilya Marcos, noon man o ngayon. ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ฎ๐ก๐๐ง: ๐ฉ๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ค๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐๐๐-๐๐๐ค๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ญ.
๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐!
Written by Mary Joanet Factes & Rhianne Faye Alag
Publications by Alessandra Joaquin