09/07/2026
Safe Surf Everyone π πββοΈ
Maaliwalas ang panahon. May alon na pwedeng pang surfing. Bakit nga ba may suspension ng water activities?
Kahit malayo ang mata ng bagyo, kaya nitong magdala ng malalakas na hangin, malaking swell, rip currents, at sobrang unpredictable na kondisyon sa karagatan. Minsan maaraw at kalmado ang itsura sa shore, pero iba na pala ang galaw ng dagat.
Kaya ang suspension ay preventive measure. Hindi dahil siguradong may mangyayaring masama, kundi para maiwasan na may mangyari.
Kung sa normal na kondisyon at saktohan na alon ay may mga nagpapasagip pa rin, paano pa kaya kapag may bagyo at pabago-bago ang kondisyon ng dagat?
Naiintindihan din natin ang side ng surf community. Hindi lahat ng surf spot pare-pareho ang kondisyon. May mga breaks na mas sheltered at may mga experienced surfers at athletes na kailangan talagang mag-train, lalo na kapag may paparating na competitions.
Paano nga ba ito masosolusyunan nang patas para sa lahat?
Marahil panahon na para magkaroon ng mas bukas na pag-uusap at mas maayos na sistema sa pamamagitan ng collaboration ng LGU, Coast Guard, PAGASA, at local surf associations.
Sa halip na isang blanket closure, maaaring magkaroon ng assessment sa bawat surf spot batay sa aktwal na kondisyon ng dagat. Kung may mga lugar na nananatiling ligtas, maaaring ikonsiderang buksan ang mga ito para lamang sa experienced surfers at atleta na may malinaw na guidelines, tamang koordinasyon, at sapat na safety personnel.
Hindi ito tungkol sa pagbalewala sa safety. Ang goal ay humanap ng balance - protecting lives while also recognizing that surfing is a sport, a livelihood, at paraan ng pamumuhay ng maraming taga-Baler.
It's okay to be disappointed. It's okay to question decisions. But before pointing fingers, let's remember that everyone is trying to do what they believe is best to keep people safe.
One canceled surf session or one canceled trip can always be replaced. A life cannot.
Every decision made during a weather disturbance carries a huge responsibility. If nothing happens, people say the restrictions were unnecessary. But if something does happen, everyone asks why more wasn't done.
If we could all be a little more compassionate and a little less selfish, we'd realize that these decisions aren't made to inconvenience us they're made because every life matters.
Sana mas manaig ang pag-unawa kaysa galit at ang respeto kaysa paninisi.
Pare-pareho lang naman ang gusto natin ligtas ang komunidad, maprotektahan ang kabuhayan hangga't maaari, at makabalik agad sa dagat kapag ligtas na ang lahat.