17/09/2026
"KALASPAG CYCLING TEAM | PAKIKIRAMAY AT TULONG"
Nakiramay at naghatid ng kaunting tulong ang Kalaspag Cycling Team sa pamumuno ni Mr. Hashem "XHEMXHEM" Antonio sa pamilya Asuncion sa Barangay 33-A, La Paz, Laoag City, bilang pakikiisa sa kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ng batang bayani na si Mark Khianne Asuncion.
Sa panahong puno ng lungkot at pagsubok, nais naming iparamdam sa pamilya na hindi sila nag-iisa. Ang aming munting tulong ay mula sa pusong may malasakit at pakikiramay.
Rest in peace, young hero Mark Khianne.
Nawa'y bigyan ng Diyos ng lakas, kapanatagan, at pag-asa ang kanyang pamilya sa mga panahong ito.
-(KCT)Kalaspag Cycling Team -