Yvonne - The Stroke Survivor VA

Yvonne - The Stroke Survivor VA

Share

I enjoy doing what you detest the most!

01/03/2026

~ H A G D A N ~
Minsan tinatanong ako, ano daw pinaka-effective na therapy ko bilang stroke survivor?

Hindi mamahalin.
Hindi high-tech.
Hindi kailangan ng appointment.

Stairs lang. 😅

After isang nakakapagod na linggo bilang virtual assistant — puro upo, tutok sa screen, habol sa deadlines — ang best therapy ko? Umakyat ng hagdan na parang “normal” na tao.

Hindi pa perfect.
May konting alalay.
May konting hinto.
May konting kaba.

Pero bawat hakbang, may konting panalo.

Hindi man mabilis, hindi man flawless, pero umaakyat ako. At bawat step, may paalala na kaya ko pa. Na gumagalaw pa. Na lumalaban pa.

Little steps.
Pero grabe yung feeling pag nakaakyat ka nang hindi iniisip na “kaya ko ba?” kundi “ayan na, paakyat na naman.”

Sa totoo lang, hindi lang siya exercise.
Confidence booster siya.
Reminder siya na kahit pagod ka sa trabaho, may progress ka pa rin sa buhay.

Post:

After a long, nakakapagod na week as a virtual assistant, ang best therapy ko? Hindi spa. Hindi travel. Hindi shopping.

Hagdan. 😅

Yes, climbing the stairs like a “normal” person.

Hindi pa perfect. May times na mabagal. May times na kapit talaga sa railings. Pero bawat hakbang, panalo na para sa’kin. Kasi dati, hindi ko alam kung aakyat pa ba ako ulit nang ganito.

Little steps. Literal.

Nakakapagod? Oo.
Worth it? Sobra.

Iba yung feeling na hindi mo lang tinatapos ang trabaho mo sa laptop, kundi pinapatunayan mo rin sa sarili mo na kaya mo pa. Na kaya pa ng katawan mo. Na hindi dito nagtatapos ang lahat.

Hindi man ako mabilis, pero getting there. At sa bawat baitang, mas gumagaan ang pakiramdam ko.

Small progress is still progress. 🤍




14/02/2026

Valentine’s Day na naman! 💘

Bilang isang stroke survivor na virtual assistant, hindi ko na kailangan ng bonggang bouquet o mamahaling dinner para masabing espesyal ang araw na ‘to. Sa totoo lang, allergic ako sa may pollen 😂 so pass muna tayo sa flowers.

Ang mahalaga sa’kin ngayon? Yung may mga taong nagbibigay sa’yo ng rason para gumising araw-araw. Yung tipong kahit pagod ka sa night shift, kahit may konting kirot pa sa katawan, lalaban ka pa rin kasi may inspirasyon ka.

Hindi man engrande, basta kumpleto at masaya. Kaya imbes na bouquet, food trip na lang! 🍔🍕🍟 Mas practical pa, nabusog ka na, wala pang allergy.

Tapusin n’yo ‘tong video at hulaan n’yo kung saan kami napunta. 😜

Kayo, anong ginawa n’yo nung Valentine’s?




05/02/2026

HUWEBES NA NAMAN!!! 😆
“Ano nanaman yan?” — sabi ng asawa ko
Sabi ko, may nagpa-shoutout! 😂

Para sa’yo ’to, repa! Sana sipagin ka sa trabaho dahil sa video ko na ’to.
Kahit sa hirap ng buhay (oo, buhay yan hindi bujay 🤣), stroke na tayo pero kayod pa rin!
Nakaupo man o nakatayo, basta gumagalaw ang pangarap — laban lang! 💪

Ingat d’yan sa NZ ah!
See you soon! 🇳🇿✈️




Send a message to learn more

04/02/2026

Saan nanaman kaya galing itong stroke survivor VA na ito? 1:38AM!

Bumaba po ako dahil may kausap pa asawa ko at andyan na ung delivery naming food. Eh tulog yung anak ko, so no choice, bumaba at lumabas po ako para salubungin si Grab! Mabuhay an exercise of the day!

23/01/2026

Yung masaya ka lang dahil last day of the work week tapos nakita mo pa itong message na ito...

Parang ang saya ko ng nanunod ng Live stream ng 5th Avenue + last day of the work week + kakakain mo lang ng dinner + this message from a veteran customer = HAPPY STROKE SURVIVOR VIRTUAL ASSISTANT

Saba everyday ganito, pero in reality??? Hindi. Mabuhay tayo sa katutuhonanas at wag magimpersonate na masaya dahil sa buhay ng isang Virtual Assistant, andyan ang luha, frustration, pagkasawi & more kaya bago mo pasukin yung ganitong trabaho, dapat handa ka, gets?

Happy Last shift for the week mga ka-stroke survivor!!!

23/01/2026

One of the most meaningful things I’ve received recently wasn’t an award or a title—it was a message from a former colleague I worked with in a law firm.

They shared how much they appreciated my patience, the time I spent teaching, and how our collaboration contributed to their growth and success—especially during moments when questions were many and the learning curve was steep.

It reminded me that impact at work isn’t always measured by billable hours or KPIs. Sometimes, it’s in the quiet moments of guidance, clarity, and choosing to be kind while still being excellent.

Grateful for the chance to work with people who grow—and who remember the journey.

This is why mentorship, collaboration, and patience will always matter to me, wherever I work next.




22/01/2026

Eto ang mukha ng ayaw na ayaw pumasok 😩
Pero pag nakita mo yung listahan ng bayarin…
ay beh teka lang 🧾👀
➡️ derecho banyo
➡️ ligo kahit tinatamad
➡️ upo sa workstation
➡️ ngiti kahit pilit

Habang ang iba mahimbing na tulog sa gabi,
eto ako — isang stroke survivor — gising, nakikipagsapalaran, nakikipagbardagulan sa antok para lumaban sa buhay.

Hanggang kailan daw ‘to?
Syempre… hanggang buhay ako!
May maintenance akong binubuhay at may mga pangarap kaming tinutupad.

Kaya sa dulo ng shift, ang masasabi ko na lang sa sarili ko:
“Beh… SLAY.” 💅🔥




14/01/2026

Pareho kaming masaya… pero magkaibang dahilan 😅

Yung isang Virtual Assistant:
“YES! Tapos na shift! Netflix na!” 🍿

Yung isang Stroke Survivor na VA:
“YES! Natapos ko ang shift… BUHAY PA AKO AT MAY SAHOD!” 💪😂

Magkaiba man ang laban,
pareho ang saya kapag mission accomplished na ang trabaho.
Kaya kung pagod ka today—
ngitian mo na lang, tapos na ang shift eh! 😄




14/01/2026

⏰ 1 hour na lang bago mag-time out…
At iba talaga ang saya kapag alam mong nakumpleto mo ang isang buong shift! 💪

Oo, may mga problema.
Oo, may mga pagod at sablay.
Pero kasama na ‘yan sa bayad! 😉

Bilang isang stroke survivor, bawat oras na tinatapos ay panalo.
Kaya kung katulad kita—
isayaw mo na ‘yan! 💃🕺
Kahit isang kamay lang ang meron, buo pa rin ang laban at sipag!




13/01/2026

Ito ang lugar kung saan pantay ang laban.
Isa man o dalawang kamay ang gamit mo.
Isa man o dalawang binti ang lumalakad.

Ang mahalaga—
✔️ nakakapagsalita ka nang maayos
✔️ malinaw ang isip mo
✔️ kaya mong magbigay ng serbisyo sa iba

Dito, walang stroke survivor.
Walang normal na tao.
May mga taong may pangarap lang na araw-araw pinipiling lumaban.

Ito ang lugar na ipinagkaloob ni Lord para maitawid namin ang aming mga buhay—
kahapon, ngayon, at bukas.
Unti-unti, dito nabubuo ang mga pangarap namin. 🙏✨




09/01/2026

✨ Eto na ang sinasabi sa hula! ✨

Hindi porket Stroke Survivor ka, hanggang doon na lang ang kaya mo.
Hindi doon nagtatapos ang kwento mo. 💪

Pwede ka pa ring maging masaya, productive, at kumita —
kahit isang kamay lang ang nagagamit mo.

Hindi madali, oo.
Pero basta ginusto mo, uubra.
Diskarte, tiyaga, at paniniwala sa sarili ang puhunan.

Patunay tayo na ang limitasyon ay hindi sa katawan —
nasa isip lang.

Happy Friday! 🌻




Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Las Piñas
1750