06/09/2026
๐พโจ HAKDAW: EVERY STEP, EVERY SWEAT, EVERY HEARTBEAT. โจ๐พ
Mula sa unang ensayo hanggang sa entabladong puno ng ilaw, palakpakan, at kabaโpinatunayan ng HAKDAW na ang bawat hakbang na ginagawa nang may puso at dedikasyon ay may magandang patutunguhan.
๐ 2ND RUNNER-UP
PINASAYAW โ Fourth Congressional District Festival of Talents
Hindi lamang isang pagkilala ang award na ito. Ito ay bunga ng walang-sawang ensayo, sakripisyo, teamwork, at pagmamahal sa sayaw at kulturang Pilipino.
Sa bawat galaw na ipinakita namin, dala namin ang suporta ng mga taong naniwala at tumulong sa amin mula simula hanggang dulo.
Higit sa lahat, lubos ang aming pasasalamat sa ating Lumikha, na Siyang nagkaloob sa amin ng talento, husay, lakas, at pagkakataong maisakatuparan ang lahat ng ito. ๐
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa aming Trainor, Sir Reynold Belolo at sa kanyang assistant na si Sir Jacob, para sa kanilang kaalaman, tiyaga, gabay, at walang-sawang pagtuturo upang mas mapahusay ang bawat galaw at bawat performance ng HAKDAW.
Maraming salamat din sa aming school faculty and staff, PTA, mga magulang, at sponsors na patuloy na naging sandalan at katuwang namin sa buong journey na ito. Ang inyong suporta ay malaking bahagi ng aming tagumpay.
At higit sa lahat, isang espesyal at taos-pusong pasasalamat sa aming mga minamahal na advisers, Ma'am Charina Pollero Lupo Na Ri Chaat Sir Brencis Hazel Barreno na naglaan ng napakaraming oras, effort, pagmamahal, at dedikasyon para sa HAKDAW.
Sa likod ng bawat magandang pagtatanghal ay ang mga taong hindi napapagod na gumabay, magtiwala, at sumuporta.
This victory is not ours aloneโit belongs to everyone who stood behind HAKDAW. ๐พ
HAKDAW, WE DANCED. WE FOUGHT. WE MADE IT.
2ND RUNNER-UP, BUT ALWAYS CHAMPIONS IN HEART. ๐โจ
๐ธ Photos gathered from individual submissions and Teleradyo Tagkawayan. Edited by DepEd Magallanes National High School โ Quezon.