07/04/2026
Appreciation post for CHELITO’S MULTI-PURPOSE BUILDING ✨
Saksi ang lugar na ‘to sa masasaya at malulungkot na tagpo sa loob ng court. Panalo o talo, parte ang court na ‘to sa aming core memories. Saksi rin ito sa maraming development ng mga kabataang Lopezeño sa larangan ng Balibol na patuloy na nagpapalakas at nangangarap —- napakalaking bagay.
This court has been our second home. ❤️🏐
Hanggang sa muli! Maraming salamat! 😊
07/04/2026
Easter Sunday - Shuffle ODL 🥚🐣
Congratulations, Team Adey! 💪🏐
28/03/2026
Shuffle Game 3.28.26
Congratulations!!! 💪🏐
28/03/2026
Valentine’s ODL - 2.15.26 ❤️
Late upload pero hindi pa huli para i-heart nyo! 😍
Congrats sa winning team! Spread love on and off the court! 💪🏐
14/01/2026
Balik-Alindog, Tunaw-Taba Shuffle Game 🏐
01.03.26
“Hindi nag-paawat, paigtingan ang lahat
Nabuo tatlong kupunan at sila’y nag-bardagulan
Binuksan ang taon, sa mga palong bumabaon
Magandang simula ang sa ati’y bumulaga”
Ang matitiyagang nagbukas ng laro ngayong taong 2026! MABUHAY! 🤪🏐💪
05/01/2026
Nakumpleto mo ba ang Jersey ng LVEA? 😊
05/01/2026
LVEA Year-End League | Champions & Finals MVP
Sa bawat set, ipinakita ang puso, disiplina, at determinasyon. Hindi lang laro ang ipinanalo kundi respeto at pagkakaisa bilang isang team.
Para sa Champion Team, solid ang galaw hanggang dulo. At sa Finals MVP, salamat sa clutch moments at panalong dala sa court. Deserve ang tagumpay na ito. Congratulations! 🏆
05/01/2026
LVEA Year-End League | Individual Awardees
Hindi lang sa team umiikot ang laro—may mga nag-stand out, nagbuhat ng laban, at nagbigay ng extra effort sa bawat set. Sa inyo napunta ang spotlight dahil sa sipag, galing, at puso sa laro.
Congrats sa mga individual awardees! Deserve ang palakpakan at respeto—tuloy lang ang laban at galing sa susunod na season.
05/01/2026
12•27•25 | LVEA Year-End League
Isang araw na punong-puno ng saya, tawanan, sigawan, at solid na laban sa loob ng court. Bawat rally may kwento, bawat set may excitement, at bawat laro may baong alaala.
Hindi lang ito tungkol sa panalo o talo, kundi sa samahang nabuo, sa kulitan sa gilid ng court, at sa saya ng paglalaro nang magkakasama. Sa dulo ng araw, pagod ang katawan pero busog ang puso.
Salamat LVEA sa isang masayang year-end league—hanggang sa next set, next season, at mas marami pang kwentong babalikan.