31/03/2023
Isa sa mga iniulat ni Chairperson - Committee on Sectoral Concerns Kgd. Janinne “J9” S. Napule sa Barangay General Assembly -1ST Semester ang mga programa ng Pamahalaang Pambarangay ng Market View tungkol sa Gender and Development.
Tinalakay niya rito ang naipasa niyang mga kapasiyahan tulad ng “A Resolution Adopting RA 11313 or An Act Defining Gender Based Sexual Harassment in Streets, Public Spaces, Online, Workplaces, and Educational Institutions, Providing Productive Measures and Prescribing Penalties Therefore Otherwise Known As Safe Spaces Act and Its Implementing Rules and Regulation”; A Resolution Strongly Urging All Public and Private Schools, and Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) to ensure the immediate establishment of a committee on decorum and investigation which shall address gender-based sexual harassment and online sexual harassment pursuant to RA 11313.
17/03/2023
Malugod na pinaunlakan ni Chairperson - Committee on Sectoral
Concerns Kgd. Janinne “J9” S. Napule ang grupo ng Barangay
Operations Unit ng LGU-San Juan City na nagsagawa ng benchmarking activity sa barangay patungkol sa Gender and Development (GAD).
08/03/2023
03/06/23 | Sumailalim sina Punong Barangay Edwin H. Napule, Chairperson – Committee on Sectoral Concerns Kgd. Janinne S. Napule, Barangay Treasurer Jonathan B. Romulo, at Barangay Secretary Mark Sherwin O. Reyes sa Re-Orientation on Gender and Development and Barangay GAD Plan and Budget Formulation sa pangangasiwa ng DILG Lucena City at Liga ng mga Barangay na idinaos sa 4th Flr. Lucena City Government Complex.
Tinalakay rito ni LGOO VI Jarold A. Fermandez, program manager ang legal na basehan ng barangay GAD Plan at budget formulation habang binigyang diin naman ni LGOO III Jernel T. Demin, GAD focal person ang mga programa, proyekto, at aktibidad na maaaring isama sa planong gagawin ng mga barangay para sa 2024.
Samantala, ipinaliwanag din dito ni Lucena City GAD Focal Person Ms. Carmelita Caparros ang mga programa ng Pamahalaang Panlungsod.
01/03/2023
Happy National Women's Month!
Sa pagsisimula ng selebrasyon ngayong taon, isinabit ni Chairperson – Committee on Sectoral Concerns Kgd. Janinne “J9” S. Napule katuwang ang Technical Staff na sina Janelle S. Napule, Jonathan B. Romulo, Lorena R. de Castro at Lady Lee E. Lagrana ang tarpaulin bilang bahagi ng pagbibigay pugay sa mga kababaihan.
Nakikiisa ang Pamahalaang Pambarangay ng Market View sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Edwin H. Napule sa pagdiriwang ng “Pandaigdigang Buwan ng mga Kababaihan.”
12/12/2022
Kaugnay nang patuloy na pagpapaigting ng kampanya na wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihan, tinatalakay ni Committee on Sectoral Concerns Chairperson Kgd. Janinne S. Napule ang RA 9262 sa mga aktibidad ng iba’t ibang sektor tulad ng Painters Club, Greenhills Parang TODA, at BMV Tulay TODA.
12/12/2022
12/09/22 | Dumalo sina Committee on Sectoral Concerns Chairperson Kgd. Janinne S. Napule at Barangay Secretary Mark Sherwin O. Reyes sa Reorientation on RA 9262 sa pangangasiwa ng Lucena City Gender and Development Office.
Nagtalakay ng iba’t paksang may kaugnayan sa nasabing batas ang mga kawani ng PAO, Lucena PNP-WCP, DILG, at City Government of Lucena.
25/11/2022
Kabahagi ang Pamahalaang Pambarangay ng Market View sa pamumuno ni Punong Barangay Edwin H. Napule at sa pamamagitan ni VAWC Desk Officer Janet S. Napule sa pagsusulong sa isang komunidad na malaya sa pambabastos at pang-aabuso, mula sa mga kalsada at pampublikong lugar, trabaho, paaralan, hanggang sa cyberspace.
Dahil ang Filipino ay marespeto, at sa Safe Spaces, Kasali Tayo!
11/10/2022
mula sa Philippine Commission on Women
06/10/2022
Alinsabay nang pagdiriwang ng ElderlAlinsabay nang pagdiriwang ng Elderly Week para sa taong ito, idadaos ng Pamahalaang Pambarangay ng Market View ang pagkakaloob ng Birthday Cash Gift para sa mga Senior Citizen na nagdiwang ng kaarawan mula Enero hanggang Agosto 2022.
Mabibigyang katuparan ito sa bisa ng ordinansang isinulong ni Chairperson - Committee on Sectoral Concern / Health and Sanitation Kgg. Janinne Solo Napule.
Makatatanggap ang mga lehitimong nakatatandang mamamayan ng Barangay Market View na rehistrado sa Lucena City Office of the Senior Citizens Affairs ng halagang P500.00 bawat isa.
Narito ang mga itinakdang petsa at lugar sa bawat Purok para sa kaalaman ng lahat at kaayusan ng programa.
Purok Atin I, II, III
Oct.7, 2022 | 8:00am-11:00am
Bayabas Street, Purok Atin-atin III
Purok Masagana
Greenhills Phase 1
Oct.10, 2022 | 8:00am-11:00am
Mabolo cor. Chico Sts. (Maduchi)
Purok Pagkakaisa
Greenhills Phase 2
Oct.11, 2022 | 8:00am-11:00am
Greenhills TODA, Parang
Greenhills Phase 3
Oct.12, 2022 | 8:00am-11:00am
Basketball Court, Greenhills Phase 3
05/10/2022
Narito ang kasagutan sa ilang kalimitang tanong tungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Kung nakararanas nang pang-aabuso, maaaring makipag-ugnayan kay VAWC Desk Officer Janet S. Napule o Chairman - Committee on Sectoral Concerns Kgd. Janinne S. Napule