10/07/2026
BREAKING!! CASIMERO, PASOK NA SA IBF WORLD RANKINGS!
Isa na namang malaking hakbang para kay dating three-division world champion John Riel Casimero matapos siyang makapasok sa IBF Super Bantamweight rankings bilang No. 10 contender.
Sa ngayon, kabilang na si Casimero sa rankings ng tatlong pangunahing sanctioning bodies:
🥊 WBO Super Bantamweight – Rank #4
🥊 IBF Super Bantamweight – Rank #10
🥊 WBC Featherweight – Rank #11
Bukod dito, No. 1 contender din si Casimero sa IBO Featherweight rankings, na lalo pang nagpapalakas sa kanyang tsansang makalaban para sa isa pang world title.
Unti-unti nang bumabalik si Casimero sa tuktok ng world boxing rankings at muling nagiging seryosong banta sa mga world champion sa iba't ibang dibisyon.