20/08/2026
Hindi lang trophy ang hinabol natin—hinabol natin 'yung lebel na talagang atin. 🏆✨
Simula pa lang, nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan at bawat ensayo, pukpukan. Kitang-kita ang bunga sa ilalim ng ilaw ng championship game—walang kapantay na saya! Sa mga Incredible Players ko: salamat sa walang sawang pagtitiwala sa sistema at sa pagbuhos ng puso sa court. Sa buong coaching staff (Jay Berceño Chaddy Talidong) pamilya at sa taong nag buhos ng tiwala sa TEAM BREAKTHROUGH (Sir Marlon Gercio M2M Carwash) kayo ang tunay na lakas ng koponang 'to.
Pinangarap natin, pinagtrabahuhan, at ngayon, nakuha na natin! Para sa lahat ng naniwala 'to. 🏀🥇
Isang karangalan na hawakan ang team na 'to. Nakita ko kung paano niyo ginapang bawat posisyon at binuhos ang lahat sa hardwood. Hindi kayo bumitaw mula umpisa hanggang dulo.! Maraming Salamat, Ballers!