02/11/2026
𝗧𝗔𝗞𝗕𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦, 𝗡𝗢𝗕𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟯; 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡𝗜𝗔𝗡, 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗘, 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘𝗗!
𝙎𝙄𝙈𝙐𝙇𝘼 𝙉𝘼 𝘽𝙐𝙆𝘼𝙎, 𝙈𝙂𝘼 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙇𝙀𝙔𝘼𝙉!
Opisyal nang magbubukas ang registration para sa TakBONA 2026 bukas, Martes, Nobyembre 3, ala-1:00 ng hapon sa Mangaldan Municipal Hall Grounds.
Isa sa mga taunang aktibidad ang TakBONA na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pangunguna ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno upang hikayatin ang mga Mangaldanian na maging aktibo, pangalagaan ang kalusugan, at makiisa sa mga sporting events sa bayan.
LIBRE at bukas ang registration para sa lahat ng residente ng Mangaldan na may edad 15 taong gulang pataas. Gayunman, limitado ang bilang ng mga kalahok kaya ipapatupad ang 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐂𝐎𝐌𝐄, 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐃 na sistema ng pagpaparehistro.
Para sa mga interesadong sumali, tandaan ang mga sumusunod:
1. 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍. Walang babayarang registration fee ang mga kwalipikadong Mangaldanian na nais lumahok sa TakBONA 2026.
2. 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐂𝐎𝐌𝐄, 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐃. Limitado lamang ang slots kaya hinihikayat ang mga interesadong magparehistro nang maaga. Ang pagpaparehistro ay nakabatay sa availability ng slots.
3. 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃 𝐈𝐃. Kinakailangang magpakita ng valid identification bilang patunay ng pagkakakilanlan at paninirahan sa Mangaldan.
4. 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐀𝐃 𝟏𝟓–𝟏𝟕. Ang mga menor de edad ay kinakailangang magsumite ng pahintulot mula sa kanilang magulang o legal guardian upang makalahok.
5. 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎. Kailangang mismong ang interesadong kalahok ang magtungo sa registration venue upang makapagparehistro.
Pinapayuhan ang mga nais lumahok na ihanda ang mga kinakailangang dokumento bago magtungo sa Municipal Hall Grounds upang maging maayos at mabilis ang proseso ng registration.
Muling inaasahang pagsasama-samahin ng TakBONA 2026 ang mga running enthusiast, kabataan, at iba pang Mangaldanian sa isang aktibidad na nagtataguyod ng healthy at active lifestyle.
Kaya mga kabaleyan, markahan na ang inyong kalendaryo! Nobyembre 3, 2026, ala-1:00 ng hapon sa Mangaldan Municipal Hall Grounds. Unahan na sa pagpaparehistro! (𝙈𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙙𝙖𝙣 𝙋𝙄𝙊/𝙆𝙇𝘾𝙡𝙖𝙪𝙣𝙖)