02/05/2024
Repost from Public Information Mangaldan
𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗥𝗪𝗘𝗥𝗔𝗡 𝗘𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔!
Patuloy ang paghahandang isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno sa pamamagitan ni Fernando Saguisag A. Cabrera, Event Focal Person and General Services Officer (GSO), ugnay sa isasagawang “Werweran ed Mangaldan” 2-day Cycling event ngayong darating na Hunyo 15 at 16, 2024.
Nagpulong ngayong Martes, ika-30 ng Abril sa Conference room, Municipal Hall, ang technical working group upang ilatag ang mga preparasyon ugnay sa registration, maging ang ruta at mga logistical requirements ng aktibidad.
Kaabang-abang din ang isasagawang "Labi na Kabataan featuring Lugay Para Atleta'y Mangaldan" sa gabi ng Hunyo 15 kung saan layong bigyan ng isang ng gabi ng kasiyahan, kantahan at sayawan ang mga kabataan, alinsabay ang pagbibigay pugay at pagkilala sa mga atleta, lalo na ang mga nagbigay karangalan sa bayan sa mga sinalihang palaro sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay Cabrera, magkakaroon pa ng mjga susunod na pagpupulong kasama si Mayor Bona at mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan (SK), Barangay Council, mga kinatawan ng mga paaralan at ng inoorganisa na Mangaldan Municipal Physical Fitness and Sports Development Council upang talakayin ang kanilang mga suhestiyon o katanungan. (𝑴𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒅𝒂𝒏𝑷𝑰𝑶)
𝗡𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗸𝗱𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗿𝗲𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝘀𝗮 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗮𝗹𝗹 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱𝘀.
Narito ang mga kategorya ng “WERWERAN ED MANGALDAN”
🚴 𝗝𝗨𝗡𝗘 𝟭𝟱 – 𝗪𝗘𝗥𝗪𝗘𝗥𝗔𝗡 𝗘𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 - 𝗙𝗨𝗡 𝗥𝗜𝗗𝗘 - 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡
*Open to all biking enthusiasts from Mangaldan
*May use any type of bicycle
🚴 𝗔𝗗𝗨𝗟𝗧𝗦 𝗖𝗔𝗧𝗘𝗚𝗢𝗥𝗬
• 15 years old and above category
* Route: Around the 30 barangays of Mangaldan (approx. 65 kms)
🚴 𝗞𝗜𝗗𝗦 𝗖𝗔𝗧𝗘𝗚𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦
• 8 years old below
• 9 years old to 14 years old
* Route: Portion of Rizal Avenue
🚴 𝗝𝗨𝗡𝗘 𝟭𝟲 – 𝗪𝗘𝗥𝗪𝗘𝗥𝗔𝗡 𝗘𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 – 𝗥𝗔𝗖𝗘
*Open to amateur, ex-pro & professional cyclists
*Road bike and mountain bike only
🚴 𝗖𝗔𝗧𝗘𝗚𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦
• 18 – 40 years old – OPEN to Non-Mangaldan residents
• 40 years old and above - OPEN to Non-Mangaldan residents
• Separate category for All Mangaldan cyclists
*Race Route: Mangaldan to Rosario, La Union vice versa (approx. 65 kms)
📣 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗜𝗭𝗘 𝗔𝗪𝗔𝗜𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗧𝗢𝗣 𝟭𝟬 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗔𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗥!
☑️ 𝑭𝑹𝑬𝑬 𝑹𝑨𝑪𝑬 𝑲𝑰𝑻𝑺 𝑻𝑶 𝑨𝑳𝑳 𝑾𝑬𝑹𝑾𝑬𝑹𝑨𝑵 𝑬𝑫 𝑴𝑨𝑵𝑮𝑨𝑳𝑫𝑨𝑵 𝑹𝑬𝑮𝑰𝑺𝑻𝑹𝑨𝑵𝑻𝑺